Pia's POV
Nandito ako ngayon sa hallway naglalakad papuntang classroom.
Nagmamadali na ako dahil 5 mins na lang late na ako.
For sure, nasa room na sina Nikki at Lexie.
Hindi ko napansin na may lalaki palang patakbo papunta sa 'kin kaya ayun nabangga nya ako.
"Ouch!"
"Sorry miss nagmamadali ako eh. Ba-bye." Sabi nung lalaking naka-bangga sa'kin.
"Aish! Hindi man lang ako tinu-lungan." Pagmamaktol ko.
Ako na nga yung nasaktan, ako pa ang hindi natulungan.
"Pia... Okay ka lang ba?" Tanong ng makulit na si John.
Isa 'yan sa suitor ko na hindi ko naman type pero lapit pa rin ng lapit sa 'kin.
Tumayo na 'ko...
"I'm fine." Mataray kong sabi.
"Mukhang hindi ka okay. Gusto mo bang dalhin kitang clinic?" Tingnan nyo na... Ang kulit di ba?
Late na nga ako... Kinukulit pa.
"Thanks but no thanks." Lalakad na sana ako pero kinulit na naman ako.
"Are you sure?"
"Pwede ba tigilan mo na nga ako. For your information... Late na po ako dahil sa kakulitan mo." Inis na sabi ko.
Nagpipigil lang talaga ako kanina eh. Wala makulit talaga eh.
"Sorry..."
I rolled my eyes tapos naglakad na ng mabilis.
Pagdating ko sa room...
Pumunta na ako sa tabi nina Nikki at Lexie.
"Good morning! Nasaan yung iba nating kaklase?" Takang tanong ko.
"FYI Pia... 8 am pa ang simula ng klase natin. For sure... On the way na yung iba." Paliwanag ni Lexie.
"What?!" Nabigla ako.
"May problema ba Pia?" Tanong ni Nikki.
"Wala, wala naman." pagpapatay malisya ko.
8am pa pala ang klase namin at sobra akong... nagmamadali?
Nainis pa tuloy ako kay John na hindi naman dapat. Tsk!
John's POV
Nag-aalala lang naman ako pero parang wala lang sa kanya.
Kahit nasasaktan na 'ko parang hindi ko kaya kapag wala akong ginagawa para mapasaya sya.
Wait... kelan ko ba sya napasaya?
Hindi naman sya sumasaya sa tuwing nalapit ako sa kanya.
"Cal... Thor... Ano bang dapat kong gawin para mapasaya ko man lang sya?" Tanong ko sa kanila.
Nandito kami ngayon sa basketball court. Practice game namin pero break muna.
"Sorry John... Kahit kase ka-close ko si Pia, wala akong masyadong alam sa favorites nya." Sabi ni Cal. "Ah wait nga lang... Si Nikki. For sure... Marami syang alam kay Pia."
Tama si Nikki nga. Ngayon ko lang na isip.
Girl friend na nga pala sya ni Cal at pwedeng pwede akong humingi ng tulong sa kanya.
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...