Nikki's POV
Lutang akong sumakay ng bus.
Pakiramdam ko kase pasan ko ang buong mundo dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Buti na lang maraming bakanteng upuan.
Umupo ako malapit sa bintana...
Sa tuwing naiisip ko 'yung kanina, sobra talaga akong nasasaktan.
Ayan... Tumulo na naman ang luha ko dahil sa pain na hindi matanggal-tanggal.
Ihahatid na nga sana ako nina Pia at Lexie dahil kung ma'pano pa raw ako pero sabi ko okay lang.
Hindi na naman sila nagpumilit pa dahil kilala na nila ako. Pagsinabi ko, gagawin ko.
'Let us break up'
'Let us break up'
'Let us break up'
'Yan ang mga salitang paulit-ulit na napapakinggan ko sa aking isipan kaya paulit-ulit din akong nasasaktan sa katotohanang break na kami, as in wala na talagang kami.
After ng pinagsamahan namin ng 3 years? Dito na lang ba talaga hahan-tong ang lahat?
I can't believe. Hanggang doon na lang ba talaga? Wala man lang explanation.
Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan mahalaga ang araw na 'to... bakit ngayon pa?
Kainis! wala pa man din akong panyo tapos tulo pa ng tulo ang luha ko. Kung kailan ko kailangan saka wala. Bwiset!
"Here." May nakita akong panyo sa gilid ng aking mata.
Pinunasan ko agad ang aking mga luha tapos tumingin ako dun sa nagbibigay ng panyo.
"Siguro kelangan mo nito so... Tanggapin mo na." Si Adrian pala.
Kinuha ko na lang yung panyo.
"Balita na sa buong university ang break up nyo ni Cal." Napatingin ako sa kanya. "Napakinig ko lang yun. Swear." Ang bilis naman, basta talaga mga ganitong balita ang bilis kumalat. "So saan ang punta mo?" Tanong nya.
"Uuwi na." maikling sagot ko.
"Para! Tara sumama ka muna sa 'kin para matanggal ang sakit mo sa dibdib." Hinila nya ako palabas ng bus.
Wala akong nagawa dahil nanghihina na talaga ako.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
Pumasok kami sa isang bar. Ang alam ko, hindi kami pwedeng pumasok dito pero hindi ko alam kung pa'no kami nakapasok.
"Lets drink." Yaya nya.
Umupo kami sa gilid, na kami lang dalawa ang nakaupo.
"Oh." Abot nya sa 'kin ng isang basong may lamang alak pero hindi ko tinanggap.
"Ayoko. Hindi ako umiinom." Hindi ako nakatingin sa kanya.
"Isang shot lang." Pinilit nya ako ng pinilit kaya ayun ininom ko.
Minsan pala masarap ding uminom ng ganito lalo na kapag ganito ang nararamdaman ko.
Kahit hindi na ako pilitin ni Adrian... Ako na mismo ang nagkukusang uminom. I think... Nakakalimang shots na ko kaya medyo nahihilo na ako.
Adrian's POV
Nakatitig lang ako kay Nikki.
Parang nasasaktan ako para sa kanya.
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...