Lexie's POV
"Sese! Tara! Ihahatid na kita." Sa di kalayuan ay narinig ko ang tawag ni Roro.
"Oh tawag ka na ng BF mo." Sabi ni Pia.
"Puntahan mo na. Na-mi-miss ka nun panigurado." Sabi naman ni Nikki na halatang nalulungkot.
Hindi naman kase madaling maka-move on lalo na't first love mo.
Sobra akong nahihirapan para sa kanya dahil bilang kaibigan, kailangan mong umagapay.
"Sige una na 'ko. Bye ingat." Pumunta na ako kung nasaan si Roro.
Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse at sumakay naman ako.
Nasanay na akong inihahatid ni Roro dahil lagi syang nagpupumilit..
Naging matahimik lang ang aming biyahe.
Nang makarating kami sa subdivision kung saan ako nakatira... Pinark na nya ang kanyang kotse sa isang tabi.
Rotine na namin 'to araw araw dahil naglalakad na kami papasok.
Kumbaga bonding na rin namin.
"Namiss talaga kita Sese. Akala ko... Hindi na kita makikita pa pero ngayon... Kasama na kita at isa pa akin ka na." Ang laki ng ngiti nya.
Ngumiti lang ako.
Sa aming paglalakad... May sumagi sa aking isip na matagal ko nang gustong itanong kay Roro.
"Hmm... Roro... Pwede bang magtanong?"
"Itinatanong pa ba 'yan? Anything." Sagot nya.
"Alam mo ba kung bakit nakipag-break si... Si Cal kay Nikki?" Ang kaninang nakangiti nyang mukha ay napalitan ng seryoso.
"Bakit mo naman natanong?"
"Gusto ko lang sanang malaman... Naaawa na kase ako kay Nikki. Ang laki ng ipinagbago nya. Yung dating masayahin na Nikki... Nawala na... Napalitan na ng malungkot at nasasaktan." I explained.
"Sorry pero sinubukan na namin 'yang itanong kay Cal. Hindi na raw namin kelangan pang malaman dahil hindi pwede. Tulad mo... Naaawa na rin kami kay Nikki dahil kaibigan na rin ang turing namin sa kanya eh." Paliwanag nya.
Ano bang meron Cal?? Bakit ginawa mo 'to sa kaibigan namin?
Hindi ko maramdaman ang galit sa kanya dahil parang may kakaiba akong na-fifeel.
Para bang may tinatago talagang sikreto si Cal sa amin. Ang gulo nya kase.
Bigla bigla na lang makikipaghiwalay kay Nikki tapos wala pang dahilan.
Aish! Bahala na pero sana dumating na yung araw na bumalik na yung dating Nikki.
Pia's POV
Nandito ako ngayon sa garden kasama si John. Dito kami madalas mag lunch.
Minsan kasama namin si Jaycee na akala ko noon may gusto kay John... Yun naman pala'y may boy friend na pala si Jaycee na nasa America.
"Naisip ko... Ba't ganun?? Hiniwalayan ni Cal si Nikki. Okay naman sila di ba? May alam ka ba kung bakit nya yun ginawa?" Tanong ko kay John.
"Sorry pero wala kase syang sinasabi ayoko namang magtanong pa tungkol don. Sabi nga nila... Mind your own business." Paliwanag nya.
"Nahihirapan na kase kami kay Nikki. Ang sakit para sa amin na nakikita ang kaibigan namin na nasasaktan." Paliwanag ko.
"Wag ka nang masaktan Pia ko... Nasasaktan din ako eh. Ang lahat ng bagay ay may dahilan. Malay mo hindi talaga destined silang dalawa sa isa't isa." Sabi ni John.
"Hindi destined?? 3 years John, 3 years naging sila tapos hindi destined?! Ano yun laro-laro lang?"
"Change topic na nga tayo. Tama na ang usapang Cal at Nikki. Kumusta nga pala ikaw? Minsan na nga lang tayo magkasama ng ganito."
"Owkey... Sorry. Okay lang naman. Ikaw?"
"Ito... okay lang... Mahal ka pa rin." Kahit kelan talaga.
Nagkulitan pa kami ng bago kami umalis sa garden.
Thank God binigay sa'kin ang ganitong klase ng nagmamahal.
Yung hahamakin ang lahat. Hahaha... Joke.
Naisip ko pa rin si Nikki...
Masaya na kase kami ngayon ni Lexie tapos sya naman... ayon patuloy pa ring nasasaktan.
Bakit kase kailangan pang mangyari yon sa kaibigan namin??
-------------------------------------------------------------
Author: Thank you for reading. Enjoy! :)
YOU ARE READING
Maybe Its Time
Teen FictionIt is about a simple girl and her boy friend. They are always happy when they are together. And then one day...