First Meeting (CHAPTER 1)

281 3 0
                                    

"Ate!! Ate!! Gising na malalate na tayo.. " tawag ng kapatid.
"3 minutes inaantok pa ako.. " tinatamad na sabi nito sa kapatid.
"Ewan ko sayo ate pag tayo nahuli sa unang klase kasalanan mo talaga!! Diyan ka na nga.. " pasigaw na sabi nito at madaling umalis.

Zet POV:

Bumangon na ako dahil sa pagbubunganga ng mahal kong kapatid, tiningnan ko ang oras sa gilid ng kama ko at napabalikwas ng bangon ng makitang 30 minutes nalang nalang at nagsisimula na ang klase ko.
Magmadali akong tumakbo papuntang banyo dahil sa pagmamadali.. 2 minutes lang akong naligo at nagpatuyo ng buhok ang isinuot ang ewan kong uniform. Asul ito na stripe  at simpleng puti sa pang-itaas at naglagay ako ng pulbo at liptink at handa ng pumasok sa paaralang hindi ko bet dahil sa mga madudugas na estudyante.. bakit kasi dyan pa ako pinasok na mama eh.
Ay nakalimotan kong magpakilala sensya na busy pa eh haha. Ako si Zet Xhian Sandoval isang 4rth year student sa paaralan ng LNHS (Lake National High School)  sabi ni mama maganda ang paaralang papasukan ko, 15 years old at SINGLE haha.
"ZET!!!! "
Ayy patay! Si mama galit na naman.. "Ma.. " tawag ko na may halong takot sa mukha.
"Late ka na!!  Kahit kailan ka talagang bata ka hindi ka na nagtino halos perwisyo ka na.. Gusto mo ba talagang mag-aral Oh magbulakbol!!? " pasigaw na galit nito sa akin.
"Sorry ma hindi napo mauulit.. Mauuna napo ako" sabay mano ko sa kanya na may namumuong luha sa mga mata.

Araw-araw akong pinapagalitan ni mama dahil sa pagiging basagulero ko at hindi pagseseryoso sa pag-aaral. Kaya hanggang ngayon ganoon pa rin ang trato niya sa akin.. Kung andito lang si papa para magtanonggol sa akin kaso wala eh malayo si papa at nagtratrabaho sa ibang bansa.

Huli na ng makapasok ako sa paaralan.. "Ganon na ba ako kahuli para mawalan ng tao rito sa paligid.. Haay.. " buntong hiningang saad ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad upang hanapin ang room ko dahil sa malawak at malaki ang paaralan nahirapan akong mahanap ito. "Saan ba kasi ang room na iyon? Ano ba ulit yon.. SSK? SSG? SS. ~" "ANAK NG BUWAYA NA GUMAPANG!! ANO BA TUMINGIN  KA NGA SA DINADAANAN MO!! "
"Ikaw tong Hindi tumitingin  miss" walang emosyong saad nito. "AT AKO PA TALAGA SINO BA ANG BUMANGA AKO BA? Huh!! " bwesit na lalaking to Hindi man Lang nag sorry Arrrg!!  Bwesit sira na ang aras ko. "Miss ikaw ang bumanga sakin.. Sinong matinong tao ang maglalakad ng nakatalikod sa dinadaanan? " walang halong interes sa boses nito. "Sege miss Bumanganga mauna na ako late na ako ng dahil sayo" mabilis na tinalikuran at naglakad ng naka taas any noo.
Arrrg!!! Bwesit na lalaking yon ni sorry hindi man Lang nagsalita.. FYI Its not my fault kung nalate siya...late rin naman ako ah.. Pero gwapo siya huh
😆 Ayy ano ba Zet loko yun ang sungit walang reaksyon ang mukha mukhang palaging may lamay ang suot halos itim.

Mabilis akong tumakbo sa pintong nakaawang ng bukas at nakita nito ang seksyon na kanina pa sana niya nahanap kung Hindi Lang siya binangga ng lokong lalaking yon. Tumayo siya sa labas ng pinto at bumuntong hininga bago kumatok sa nakaawang na pinto. "Tok! Tok! Excuse me po.. " nakatungo kong sabi
Grabe nakakahiya Hindi ko pa sila kilala at mukhang mayayaman Oh Lord help me with this one. "Yes? Please come in Miss? " nakangiting sabi nito " Ah. Sandoval po Zet Xhian Sandoval" "OK please stay in front And introduce your self" seryoso nitong sabi.  Hala ito na naman,  kaya ayoko pag unang pasok ehh.. "Ahm Ehem! Hi my name is Zet Xhian Sandoval,  15 years old, I'm from Bohol but we stay here in Manila for good. I hope we will be friends and please respect me" ngumiti ako at naglakad sa bakanteng upuan sa likod. " Hala ang puti niya ang cute niya sa uniform natin Bea" narinig nitong bulong ng naunang babae sa harapan. "Oo nga eh nakakaingit siya haha" bungisngis nito matapos magsalita. Ngumiti ako matapos marinig ang magagandang salita nila pumalakpak ang tenga ko ron hahahaha..  kinalabit ko ang dalawa at sabay na lumingon sa akin na nakangiti.. " ahm hi girls pwedeng makipag friends sa inyo? Zet Xhian.. Zet for short hehe😄" tapos inilahad ko ang kamay ko upang makipagkamay sakanila. "Hehe Sarah nga pala at yes pwede tayong magkaibigan ang saya non hehe" nakipagshake hands sakin tapos ngumiti..  May katamtaman ang puti at maikli ang maganda nitong bagsak na buhok.
"Hi Bea nga pala.. Oh sure friends? " sabay abot ng kanyang kamay. Halatang sosyal dahil sa pananalita at etsura. "Salamat.. friends? ☺ sabay tayo mamaya kung pwede Hindi ko pa kasi kabesado ang pasikotsikot sa paaralan eh" "Sege ba gusto namin yan diba Sarah? " naeexcite na tanong nito " haha naman mamaya mag bonding tayo haha" nakitawa narin ito..

Haha ang saya nilang kasama mukhang maaaliw ako maging kaibigan sila haha..
Pero kanina ko pa napapansin itong lalaking Katabi ko isang upuan Lang ang agwat. "Ahem! Excuse me" papansing tawag ko. Pero Hindi parin tumingala sakin ayaw ko pa naman sa lahat ang Hindi ako pinapansin.. Humada Ka.. "Excuse me miss? " sabay taas ng kamay "Yes Miss Sandoval anong kailangan mo? " nakangiti nitong saad " Allowed po ba sa classroom ang MATULOG sa klase? " nakangiti kong tanong na nakatingin sa bwesit kong katabi. "First rule dito sa room class No one is allowed to sleep in my class understood! " nakataas ang noong nagsalita..

"Arg.. " ungol ng lalaking katabi ko.. Anong trip nito? Bakit ba parang wala siyang pakialam tsk.
Bumangon siya at tumingin sa akin.. Anak ng unggoy!! bakit siya.. Lumalaki ang matang tiningnan siya. "I.. Ikaw?? " nakaturo ang kamay na nakabuka ang bibig.. Bakit siya itong bwesit na lalaking yon. Bakit siya. " Anong tinitingin mo? At bakit nakaturo ang kamay mo sa akin sira ka ba? May pa buka buka ka pa ng bibig. Itikom mo yan baka makapasok ang gagamba sa laki ng bibig mo" sabay tayo at umalis na walang pakialam kung magalit ang guro sa kanya.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon