A|N:
Im sorry for the grammars and spellings. Hope you will enjoy it guys ..thank you. 😘😘Zet POV:
Pumapadyak na sinarado ko ang pinto ng kwarto ko. Mabilis pa sa alas kwatro na binagsak ko ang sarili sa kama at pumikit.. Hindi ko matangal sa isip ko yung lalaking yon, sino ba siya para umasta ng ganon ? At ipahiya ako sa lahat ng classmate ko? tsk! humanda ka sa akin lalabas na ang palaban kung pagkatao. Kikilalanin kita at gagawin kong delobyo ang buong taon mo bwesit ka!!..
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip kung anong gagawin ko sa bwesit na lalaking yon..Bumangon ako at inayos ang bag at nagbihis ng maayos na damit. Hindi ko napansin na kanina pa may tumatawag sa cellphone ko.
"Hello? Sino toh" tanong ko sa kabilang linya dahil unregestered ang number nito.
"Zet Xhian Sandoval" malamig na ani ng boses..at hindi na ako magtataka kung sino toh.
" Ano na naman Kalex?" walang interes kung saad ko sa kanya.
"Woah~chill lang my dear EX haha" demonyong tawa nito sa kabila..
Ano namang kailangan ng gungong nato?
"Kung mambwebwesit ka lang naman mas mabuti pang ibaba ko na toh kaysa makipag usap sa tulad mong asong ulol!!" at binaba ko ang telepono na nangangalaiti ang panga dahil sa inis.
Hindi ba ako titigilan ng lalaking yon ..tapos na kami ano pang gusto non? Psh palibhasa kasi wala na siyang babaeng paglalaruan kaya bumalik na ulit sakin tsk..basagin ko mukha niya eh.
Pagkatapos kung ipahinga ang galit ko bumaba na ako sa kusina para kumain , ng makita si mama na umiinom ng kape at nakatanaw sa labas.
"Ma ayos lang po ba kayo?" lumapit ako at tumabi sa kanya at nakitanaw rin sa labas.
"Anak..pagpasensyahan mo na si mama kanina kung nasigawan man kita nak.." tumingin sa akin na naluluha ang mga mata, niyakap ko nalang siya dahil sa hindi maintindihang saya sa dibdib ko.
"Ma ano kaba ok lang yon..saka kasalanan ko naman po eh kung bakit mo ko napagalitan naiintindahan ko po kayo ..sorry po ulit ma." lumuluha na sabi ko sa kanya .. ito ang unang beses na nag-usap kami ni mama ng ganito simula ng lumipat kami at umalis c papa upang magtrabaho sa ibang bansa.
"Anak ~~ " yakap nito ng napakahigpit at humihikbi. Hinaplos ko ang likod niya at umiiyak ng tahimik dahil sa saya na naramdaman ko ngayon.
Humiwalay sa yakap ko si mama at pinahiran ang sariling mata , at ganon rin ang ginawa ko.
Nagulat nalang ako ng magtanong ito. " Nak..wala kabang plano magkanobyo? Kasi 3 taon na ng huli kitang nakitang ganon kasaya eh" malungkot na ani nito sa akin.
" Ma..wala pa po sa isip ko yan
gusto ko pong makapagtapos muna ..pero kung may darating man saka nalang po natin pag-uusapan hahaha" natatawa kong saad kay mama na siyang kinangiti niya. Ngayon ko lang nakitang ngumiti si mama ng ganito simula ng umalis si papa.
" Sege na nak pumasok na tayo sa loob lumalamig na ..saka kumain ka na riyan at hahatiran ko pa ng gatas ang kapatid mo" hinalikan nito ang aking noo at dumeretso sa kusina upang kunin ang baso ng gatas at umakyat. Napapangiti kong sinundan ng tingin si mama at talagang hindi ko pinagsisihan na bagohin ang sarili ko noon kaya heto ako ngayon.Pagkatapos kung kumain ng haponan ay dumeretso na ako sa kwarto at nagsipilyo at naglagay ng face cream sa mukha. pagkatapos ko sa aking ginagawa ay tinitingnan ko ang schedule ko bukas ng mag vibrate ang cellphone ko. Si Sarah lang pala , pinulot ko ang cellphone at sinagot ang tawag. " Sarah?" excited na tawag ko rito. " Hi friend Zet , sorry kung nadistorbo man kita may sasabihin lang sana ako sayo eh.." masayang wika nito na may halong excitement. "Haha ano naman yon? pwede namang bukas na ah.." natatawa kong sabi sa kabila.. napaka hyper talaga nitong babaeng to kasalungat kay Bea haha. "Bilisan mong mag open sa facebook mo girl..may gwapong fafa ang nagpost sa account mo kyaahh~~~" tumitiling sabi nito na kinagulat ko. Sino naman kayang lalaking yon? Please lang huwag si Kalex kundi ididiactivate ko talaga ang account ko. " Huh? teka lang huminahon ka nga ..bakit ka ba tumitili?" " Kasi girl si fafa Jack Kevin Ford lang naman ang nagpost don ng napakasweet na mga salita kyaaah ~~ hindi mo naman sinabing kayo na haha" tiling-tili siya kung sumagot. Kinikilig ba tong babaeng toh? Tsk makatingin na nga .. nalilito na ako eh. "Sino naman yon? Oo na! ibababa ko na toh at titingnan ko na yung sinasabi mo." at binaba ang telepono at mabilis na tinungo ang laptop ko. Inopen ko ang facebook account ko at napatili sa napakaraming notifications at messages . " Ano ba toh? bakit ganito ka rami toh?" nanlalaki ang mga matang tinungo ang timeline ko at nahulog ako sa upuan ng makita ko ang post ng isang lalaking hindi ko kilala.
" Hi babe good evening 😘 I hope your still awake. I just want to say goodnight and I love you , at magkita tayo bukas sa school may surprise ako sayo . Thats all babe , dream about me 😉 goodnight and I love you."Bumalik ako sa pagkakaupo ng maayos at napahawak sa sintido dahil sa nangyayari.
Ano to? Sino ba tong lalaking to nakakadiri siya arggg!! May pa I love you pang nalalaman at ano..dream about me? Yucccck!! Dream niya mukha niya. Paano na toh...Nasapo ko ang noo ko dahil sa problemang ito. Ang daming comments ... Ano ba naman to Zet anong napasok mo!! Tiningnan ko ang mga comments at mas lalong sumakit ang ulo ko at nanlaki ang mga matang binasa yon lahat.Girl 1: Oh my god si papa Jack ba talaga yan? ang swerte mo girl nakakaingit ka.
Girl 2: Oo nga eh.. kyaah~~ nakakakilig sana may gaganyan din sakin.
Girl 3: haha duh girls!! kilala natin si papa Jack playboy yan hindi rin yan magtatagal noh.
Girl 1&2: Yeah right..pero nakakakilig talaga hahaha.At marami pang ibang comments tinatamad na akong bumasa kaya hinayaan ko nalang.
Ano ba naman yan Zet Xhian Sandoval, anong gulo ang pinasok mo!! Argg.. Sino ba yang Jack ba yun? I click his account name and my eyes widden when I saw his face. "SIYA?? YUNG BWESIT NA LALAKING YUN!!" bakit hindi niya nalang ako tantanan , hindi pa ba sapat sa kanya ang ipahiya ako sa napakaraming mag-aaral at sa guro kanina. " Humanda ka bukas hayop at bwesit na lalaki ka..Arggg nakakainis!!" sinabunotan ko ang sariling buhok at sinara ang laptop at padabog na pumunta sa kama at humiga. Gusto mo ng laro huh? I will give you a fair fight Jack Kevin Ford.PS: Please don't judge everything .. ☺
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...