The Memory (CHAPTER 36)

35 0 0
                                    

3rd Persons POV:

Nakahiga si Xia sa hospital bed na puno ng ibat-ibang tubo sa katawan, ngunit may isang bulto ng katawan ang nakamasid rito mula sa bintana ng kwarto ni Xia.
"Bakit ka pa bumalik? Sisirain mo ulit ang mga plano ko at aagawin mo na naman sakin si Kev. Hmm I will never let you stole everything so let's the game begin Zet Xhian Sandoval." at umalis na ito sa gusali mula sa pagkakasilip kay Xia.

Xia's POV:

"PERO BAKIT MO GINAWA SAKIN TO? BAKIT HARAP-HARAPAN PA! PINAGKATIWALAAN KITA, BINIGYAN KITA NG PANGALAWANG PAGKAKATAON PEro ginago mo ko *sob*" sigaw ng babae at umiiyak.
" Babe I'm sorry please let me explain" pagmamakaawa ng lalaki habang lumalapit rito.

"Tama na..tama na parang awa mo na." Malalim ang paghinga ko ng maimulat ko ang aking mga mata, tumutulo ang pawis ko mula noo hanggang leeg.
Tumingin ako sa paligid at sa katawan ko napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
"Bakit ako nandito? Sinong nagdala sakin rito?" nagpalinga linga ako sa buong kwarto baka may tao ngunit ni anino wala.
Pilit kong inaalala kong anong nangyari sakin at napapikit ako ng maalalang nasa opisina ako ni Jack at biglang sumakit ang ulo ko matapos kong makita ang isang larawan ng babae na kamukhang-kamukha ko. Si Jack siya ang nagdala sakin rito pero nasan siya?

"Bakit nang makita ko ang larawan ng babaeng yun ay maraming tao akong naaalala ngunit hindi ito malinaw. Nong nasa probinsya ako nangyayari rin ito sakin ngunit hindi ganon kasakit at boses lang ang mga naririnig ko." napapikit ako dahil sa gulong gulo na ako.
"Sino ba ako? May mga tao bang parte ng buhay ko noon pero nakalimutan ko? Sino sila?
Bakit hindi ko kayo maalala..bakit?" tanong ko sa sarili at ang luha sa mga mata ko ay naguunahang umagos sa mukha ko.

Jack POV:

"Ano po bang nangyari sa pashyente dok?" agad kong tanong sa doktor matapos niyang gawan ng test si Xia.
"Tatapatin na kita iho, mayroon siyang Memory lost kung saan sumasakit ang ulo niya dahil sa mga bagay-bagay na nakikita niya na may connection sa pagkatao niya noon. Malaking epekto ito ngayon sa kanya lalo na at may posibilidad na bumalik ang mga ala-ala niya." napugto ang hininga ko matapos kong marining ang sinabi ng doktor.

"Dok ibig niyong sabihin nagkaroon siya amnesia?" tanong ko sa kanya dahil nagugulohan ako ngayon lalo na at may posibilidad na si Xia at Zet ay iisa.
" Yes Mr. Ford ang maaari lamang nating gawin ay ang huwag natin siyang piliting makaalala at may mga irereseta akong gamot sayo para kung sumakit muli ang ulo niya ay maagapan ito, ahm excuse me Mr. Ford I need to visit other patients." Tumango ako at nagpasalamat matapos ay tumingin sa kwartong kinalalagyan ni Xia ngayon.

Wala sa sariling naglakad ako papunta sa kwartong yun at pipihitin na sana ang pinto ng marinig ko mahinang hikbi ni Xia. Napayuko ako at napapikit dahil nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang nahihirapan hindi ko alam pero malakas ang kutob ko ng siya ang babaeng mahal ko. Binuksan ko ang pinto at tumingin kay Xia na umiiyak at yakap-yakap ang sarili,
"Xia okey ka Lang?" Bobo ka rin Jack kahit kailan umiiyak nga diba nagtatanong ka pa halata namang hindi. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Jack ikaw ba nagdala sakin dito?" tanong niya sakin ngunit nakayuko. Kinapa ko ang mukha niya at pinahiran ang luha na dumadaloy sa pisngi niya, tumingin ako sa mga mata niya at seryosong tumango.
"Salamat kasi tinulungan mo ko kung hindi ka dumating siguro nakaratay na ako dito ngayon at hindi gumigising." ani nito sakin na parang umiiyak.
"Shh ok na wala ng problema, napakaiyakin mo naman para kang bata. Katulad mo si Zet.." mahinang sabi ko sa dulo na siguradong hindi niya narinig. Tumingin siya sakin ng seryoso sa mata nakakailang ang titig niya pero ang mga matang yan kilalang kilala ko ang may-ari ng mata yan kaya mas napatitig ako sa kanya at hindi ko namalayang nagtatanong na pala siya.

"Jack yung babae sa picture..don sa mesa mo bakit ba--kit magkamukha kami?" napugto ang hininga ko at umiwas ng tingin sa kanya hindi muna ngayon hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang totoo sa oras na mapatunayan ko na na ikaw nga ang babaeng matagal ko ng hinahanap.
"Ahm Xia pwede bang sa susunod nalang natin yan pag-usapan kasi sabi ng doktor kailangan mong magpahinga para bumalik muli ang lakas ng katawan mo ." napatitig lang siya sakin at tumango, tinulungan ko siyang mahiga upang komportable itong makakatulog.
"Dito ka lang Jack..huwag mo kong iiwan." napatigil ako sa sinabi niya sasagot na sana ako ngunit pumikit na ito. Tumingin lang ako sa maganda niyang mukha, Xia sasabihin ko sayo sa tamang panahon kailangan ko munang malaman ang katotohanan at kailangan kong alamin kong sino ang nasa likod nito. Kung ikaw nga si Zet ang babaeng kinababaliwan at miss na miss ko na at kung ikaw nga talaga si Zet tandaan mo Mahal na mahal kita mahal na mahal.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon