The Agony (CHAPTER 17)

34 1 0
                                    

Jack POV:

      Pagkatapos kung alamin kung sino ang gumahasa kay Zet ay kaagad ko itong pinakulong dahil sa galit na naramdaman ko. Iyan sana ang sasabihin ko kay Zet bago ako umalis at ihatid si Bea na hindi naman bukal sa loob ko kung hindi Lang sinabi ni Zet.

Naalala ko pa kung paano nanalaytay ang sakit at galit sa mukha ni Zet kanina sa loob ng silid, mabuti nalang at hindi dumating ang guro baka kung ano pang mangyari. Galit na galit ako ngayon sa sarili ko, kung bakit hindi ko sinabi kay Zet ang totoo.
"Shit!! Bakit kasi hindi mo nasabi Jack ang impormasyong ganon ay karapatan nitong malaman lalo na at siya ang biktema." sabi ko sa rili habang nagmamaneho galing sa paghatid kay Bea sa bahay nila . Isa pa kung babaeng yun, nangilabot ako ng subra sa inasta niya kanina para siyang baliw hindi ko makilala ang Bea na nakilala ko. Nang maalala ko si Zet kung paano kagalit sakin ay pinaharorot ko na ang sasakyan papunta sa paaralan alam kung andoon pa siya. Sana hindi niya ako iwan, kasi kung oo hindi ko alam ang gagawin ko baka may magawa ako kay Bea sana mali ang iniisip ko.

Zet POV:

     Pagkatapos sa rebelasyong naganap kanina ay nagpa excuse kami ni Sarah sa sunod naming klase. Nandito kami sa may garden ng school dahil malimit lamang ang mga tao, tahimik kaming lumalanghap ng hangin.
"Zet may sasabihin ako sayo." sira ni Sarah sa tahimik na paligid at seryosong tumingin sakin, ngayon ko lang nakita si Sarah na ganito.
"Ano yun?" malamig na tonong tanong ko sa kanya. "Tungkol ito kay Bea.." napukaw ang galit sa puso ko na kanina pa gusting kumawala pero pinipilit kung pigilan. "Bakit?" seryoso at malamig na sagot ko, hindi ko kaya kung tungkol ito kay Jack at kay Bea.
"Si Bea ay mayrong Bipolar Disorder, nalaman ko lang yun ng biglang nabaliw ito dahil kay Jack. Sinabi niya sakin na depressed lang siya pero naghinala na ako kaya kinompronta ko na ang mommy niya at doon ko nalaman na may sakit nga siya. Pabalik-balik na si Bea sa doctor upang imonetor siya, bumabalik naman si Bea pero babalik rin kaya nahirapan kami noong una. Pero ngayong school year ay sabi niya ay Ok na siya hindi ako naniwala nung una pero nakita ko naman sa pagsasama namin natin. Kaso ngayon hindi ko na siya kilala, nananakit na siya ng tao ngayon lang niya ginawa sakin to. At yung tungkol sayo Zet yung ginawa niya sayo hindi ko yun alam at hindi ako makapaniwalang nagawa yun sayo ni Bea subra na siya." umiiyak na salaysay niya sa akin tungkol kay Bea, kaya pala ganon na lang siya kung umakto dahil sa Disorder siya.
"Dilekado na siya Sarah kung pwede lang lumayo ka sa kanya at ipaalam mo sa mga magulang niya ang nagagawa ni Bea, upang walang ibang masaktan." seryoso kung ani sa kanya at tumango-tango ito bilang sagot.

Hapon na ng maisipan kung umuwi, nauna na si Sarah sakin kasi sinundo na siya ng driver nito.
Naglalakad na ako papuntang exit pero napansin kung bukas ang music room kaya dahan-dahan akong lumakad doon at pumasok.
Hindi ko binuksan ang ilaw baka malaman ng gwardya na may tao pa sa loob mapagalitan na naman ako. Dumeretso ako sa may organ at umupo, palihim kung tinitignan ang bawat sulok ng buong silid napakalaki na halos makasya na ang apat na pamilya rito. Sa laki ba naman ng kwartong to, huminto ako sa pagtingin sa bawat aulok ng makita ko ang sofa malapit sa organ kung saan ako pinanood ni Jack tumugtog ng organ.
"Bakit mo tinago sakin Jack? Sa lahat ng tao ikaw ang pinagkakatiwalaan ko, minahal ko at inaasahang magiging totoo pero naglihim ka nasaktan mo ko." humagolgol ako ng iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Sana panaginip nalang ang nangyari ngayon, para pagnagising ako ay maituturing ko na ang ito na pinakamasamang panaginip. *sob* Sana..panaginip nalang, para hindi na ako masasaktan ng ganito *sob* at hindi ako nahihirapan ng ganito *sob* " patuloy parin ako sa pagiyak habang sinasabi ang mga salitang yun.
Tinipa ko ang pyesa sa organ na dahilan ng pagalingaw-gaw ng ingay nito sa buong studyo, binalik ko ang pagtugtog at doon ko na ibinuhos ang nararamdaman ko.

"Hindi lang ikaw..hindi lang ikaw ang nahihirapan damdamin ko rin ay nagugulohan. Hindi lang ikaw..hindi lang ikaw ang nababahala bulong ng isip huwag kang pakawalan ngunit puso ko ay~ kailangan kang iwan.."

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko pagkatapos kung kantahin ang linyang yon, siguro mas makabubuting itigil ko na muna to para wala ng masaktan para wala ng mahihirapan.
"I'm sorry Jack but I have to do this , pwera ng ako ang masaktan huwag lang ikaw." nagpatuloy ako sa pagiyak .

Tumayo na ako ng maisipan ko ng umuwi, ala 6 na ng tiningnan ko ang relo. Naglalakad na ako palabas ng campus at naghihintay ng masasakyan pauwi. *PEEP~PEEP~* napatalon ako sa gulat ng may bumosina sakin sa likuran, kaya napatingin ako kung sino ang may-ari ng sasakyan.
Nanigas ako ng makita si Jack na seryoso ang mukha pero bakas dito ang paghingi ng tawad, tama na tumigil ka na.
"Zet sumakay ka na, mukhang uulan pa eh." sabi nito na parang walang nangyari.
"Hindi na salamat nalang kaya kung umuwi mag-isa." at mabilis na tumalikod at naghintay ng masasakyan, please naman lord bigyan niyo na ako ng masasakyan pauwi. Nagulat nalang ako ng may humawak sa braso ko at inakay papunta sa kotse.
"Ano ba Jack!! Bitawan mo ko." nagpupumiglas kung sabi sa kanya na pilit akong dinadala sa kotse nito. Napatigil ako ng bigla niyang bitawan ang braso ko at hinawakan ang noo at hinilot-hilot.
"Zet please talk to me, Let me explain. Don't run away with your pain and suffer like you are the only person who felt pain." napatingin ako sa kanya matapos niyang sabihin ang mga salitang yun , nagsimulang mamasa ang mga mata ko kaya kaya tumingin ako sa itaas upang hindi iyon tumulo.
"Zet please ..PLEASE TALK TO ME CAUSE I DONT KNOW WHAT TO DO ANYMORE.." ramdam ko ang sakit at pagkagulong nararamdaman niya . Hindi ko na napigilang harapin siya at ng dahil don ay nagunahang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Talk? You want to talk then let's talk! Jack naglihim ka sakin tinago mo sakin ang totoo. Sinong tao ang hindi masasaktan at magagalit sa ginawa mong kalokohan. Jack malapit na akong binaboy at ginahasa ng gabing yun, gustong gusto kong malaman kung sino ang gumawa non sakin tapos ikaw na pinagkakatiwalaan ko, minahal ko ay mismong nangloko at naglihim sakin sa katotohanang noon ko pa gusting malaman. Ngayon sabihin mo sakin kung ano ang ipapaliwanag mo." patuloy parin ako sa pag-iyak dahil sa umaapaw na sakit at galit sa puso ko. Tumalikod na ako sa kanya at pilot pinapakalma ang sarili at nagsimulang maglakad.

"Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Hinabol niya ako dahilan para makita ko ang basa nitong mga mata, nagulat ako pero umaapaw ang sakit sa puso ko ngayon.
"Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, naglihim ka sakin dahilan kung bakit ako ganito ngayon..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya ngunit hinawakan niya parin ako. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK ..KASI DUROG NA DUROG NA TONG PUSO KO KAYA PLEASE LANG" nakapikit na singhal ko sa kanya na patuloy ang pagtulo ng luha.

"Zet mahal kit~" *PAK!!" hindi ko siya pinatapos magsalita at malakas ko siyang sinampal na nanginginig ang kamay dahil sa galit, "Mahal? huh..alam mo ba talaga ang salitang mahal Jack?" tanong ko rito , "Zet.." tawag nito sakin.." Tama na Jack paulit ulit na akong nasasaktan maawa ka naman sakin, kasi ako awang awa na ako sa sarili ko..Huwag mo na ulit akong lalapitan .." magsasalita pa sana ito ngunit inunahan ko na, "At simula bukas magpanggap nalang tayo na hindi natin kilala ang isat-isa..paalam."

  
Tumakbo ako dahil sa sakit , isa akong tanga bakit hindi ko man lang naisip na mangyayari to!! Ang sakit sakit bakit ngayon pa na mahal na mahal ko ang lalaking yun?? Minahal ko siya... Bakit Jack? Napaluhod ako ng makalayo ako sakanya at doon humagolgol ng iyak.

A|N: Hiwalay na sila sinong papalit kay Zet? Charot lang.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon