The Deal (Chapter 6)

51 1 0
                                    

Jack POV:

     Nagulat ako nang magtagpo ang mga labi namin, hindi ko alam ang gagawin napapikit nalang ako at hinawakan ang bewang niya ang isa kung kamay at hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang kaliwa kung kamay. Mas Idiniin ko pa ang halik ng maramdaman kung gumalaw ang labi nito , napatingin ako sa kanya at napangiti ng makitang nakapikit siya habang humahalik sa akin. Tinugunan ko ang halik niya, napakalambot ng maninipis nitong labi napasinghap ako ng bigla siyang tumigil at itinulak ako. "Ahh Sorry.." nakatungong humihingi ng tawad sakin, nabitin ako ron ah ..pero mas mabuti na yun bilang first day ng pagiging fake girlfriend niya hahaha. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tumayo ng maayos at napangiti sa kanya, "So its your first day to be my fake girlfriend, do it well babe" sabay hakbang papalapit at hinalikan siya sa pisngi, at umalis na hindi siya tiningnan.

Mas mabuti na maging fake girlfriend ko siya, para hindi na ako ipakasal sa babaeng hindi ko naman gusto o sabihin na nating hindi ko mahal. Walang muwang sa puso ko ang mga babae, isa lamang silang malaking sagabal sa pagiging malaya ng isang lalaki.
Pagkatapos ng pagpapanggap ay babalik na sa dati ang takbo ng buhay ko.

*Ring~~Ring~~* tunog ng telepono ko, Napabuntong hininga ako ng makita kung sino ang tumawag.
"Mom..?"  walang emosyong saad ko sa kabilang linya, heto na naman tayo paulit-ulit nalang bah.
" Pinapaalala ko lang sayo ang napagkasunduan natin anak, kung wala kang maipapakilala sa aming babae sa weekend the deal is off and we will arrange your wedding ASAP understood?" seryoso nitong wika na ikinabuntong hininga ko.
Pero napangiti ako ng maalala ang halik namin ni Zet kanina haha. Hindi ko maiwasan ang matawa sa reaksyon ng mukha niya kanina, "Son are you still with me?" bumalik  ako sa ulirat ng magsalita si mommy sa kabila, "Yes mom, dont worry this weekend you were going to meet my girlfriend bye mom." mabilis na sagot ko at binaba ang telepono. Napabuntong hininga ako dahil sa sunod-sunod na problema ko, sana tama ang pagpili ko sayo Zet Xhian Sandoval ..sana magaling ka sa pagpapanggap.

Zet POV:

     Nasapo ko ang noo ko dahil sa nangyari kanina samin ni Jack .
Hindi parin ako makapaniwala na siya ang first kiss at second kiss ko arggg!!! Bakit palagi nalang yung lalaking yun ang sisira sa araw ko. Pero ang lambot ng labi niya, sobra.
*Pak~Pak* sinampal ko ang sarili ko dahil sa pagiisip ko sa halik niya kanina. Lord naman kung bibigyan mo lang naman ako ng boyfriend yung matino naman please.. Napatigil ako ng maalala ang sinabi niyang proposal sa akin..."Kyaaah~~hala patay ka Zet.. bakit ka pumayag ano ka ba naman.." napatili ako sa inis at pagsisisi, bakit ako pumayag at ano daw FAKE GIRLFRIEND.. Diyos ko naman bakit kasi may palapit lapit pa ng mukha nawala tuloy ako sa pagiisip at napasangayon.Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa pagkadismaya at pagkainis.

Pagkatapos ng pangyayari mabilis kong tinakbo ang cafeteria at hinanap ang dalawa kung kaibigan. "San naba sila?" nagpalinga linga ang ulo ko sa buong cafeteria upang hanapin ang dalawa, ngunit hindi ko man lang nakita kahit buhok nila. Dumeretso ako sa counter at binayaran ang pinulot kung cookies, at pagkatapos tumatakbo kung tinungo ang classroom namin at napabuntonghininga ako ng makita silang parehong aligaga sa kanilang cellphone. Tumingin sila sa akin at napatakbo at bigla akong niyakap ng mahigpit." Ano ka ba naman Zet san kaba nagpunta? Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap, tapos tinatawagan ka hindi ka man lang macontact." nanatiling yakap nila ako na may pagaalala. Napangiti ako dahil sa saya na dulot ng kanilang pag-aalala, niyakap ko silang dalawa na may namumuong luha sa mga mata. "Pasensya na may humatak kasi saking unggoy kanina sa gym sorry kung  nagalala kayo." humiwalay ako sakanila at sumeryoso ang mukhang tinitigan sila." May sasabihin ako sa inyo , mapagkatitiwalaan ko naman kayo diba?" hinawakan ko ang kanilang kamay dahil sa takot na baka hindi nila ako paniniwalaan."Ano yun Zet?" nagtatakang sabi ni Bea, talagang desedido talaga siyang malaman kung ano ang sasabihin ko. "Maupo na muna tayo" hinatak ko sila upang maayos kong maikwento sa kanila ang naganap kanina.

Pagkatapos kung magkwento sa kanila , tumitili sa kilig at saya si Sarah para bang wala ng bukas at nakasinis yun."Oh my god !! As in ginawa niya yun??kyaaaahh~~" tili ni Sarah na naniningkit ang mga mata dahil sa kakangiti. At si Bea parang walang interes na nakikinig kanina, na para bang alam na niya ang ikwekwento ko sa kanila. Nahihiwagaan na ako sa mga ikinikilos ni Bea simula nong malaman niya ang koneksyon ko kay unggoy este Jack. "Please lang sana sa atin nalang to kung pwede lang." nagsusumamong hiling ko sa kanila na tinunguan ni Bea na nakangiti , at si Sarah na nakangiting tumango sa akin at nag thumbs-up. Napangiti ako dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan na katulad nila, ang saya at ang sarap ng feeling. "Salamat talaga, kaya magaan ang uloob ko sa inyo eh hehe" bungisngis ko habang nakatiningin sa kanilang dalawa."Lalo na kami no ..diba Bea?" hinawakan ni Sarah ang kamay ni Bea na nakangiti, "Huh? ahh...oo naman hehe" nagaalangang ani nito, napakunot ang noo ko sa nangyayari sa kanya."Ok!! so ano na lets go and lets eat na guys..hello gutom na ako kanina pa haha" nagrereklamong sabat ni Sarah ,hahaha kakaiba talaga tong babaeng toh..napakamot nalang ako sa batok ko at tumayo upang sumunod sa kanya ganon rin si Bea na nahuli sa paglalakad, parang wala sa sariling nakatungo sa daan.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon