Sarah's POV:Sabay kaming naglalakad ni Jack patungo sa kwarto na inuukyopahan ni Zet sa ngayon.
"Handa ka na bang harapin ang pamilya ni Zet huh Jack?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. "Oo hindi ako natatakot na harapin ang pagkakamali ko Sarah." kumunot ang noo ko ng maranig ko ang sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin sa pagkakamali na sinasabi mo?" hindi ko napigilang tumingin sa kanya na ngayon ay walang emosyon ang mukha na huminto at pinihit ang pinto. "Hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin ko sayo yon." At tuluyan na niyang binuksan ang kwarto ni Zet at pumasok.Kitang-kita ko kung paano mahal na mahal ni Jack si Zet, alam kung nasasaktan siya ngayon na nakikita si Zet na nahihirapan ng dahil kay Bea na mismong hindi ko na kilala. Sana makaya mo to Jack at sana kaya pa ni Zet na tanggapin ang lahat ng ito dahil kahit hindi mo sakin sabihin alam kung nasaktan mo ang kaibigan ko sana lang sana.
Jack POV :
Matapos kung ilagay ang mga gamit ko at kay Zet sa mahabang sofa ng kwarto ay tiningnan ko muna si Sarah na nakatingin sa kawalan na parang may malalim na iniisip. Napayuko ako dahil alam ko kung bakit naguguluhan at napapaisip si Sarah ngayon, pasensya na Sarah kung nasaktan ko man si Zet pero hindi ko yun sinasadya sana maintindihan mo yun pero hindi ko muna sasabihin sa ngayon uunahin ko muna si Zet. Napatingin ako sa kama nito na bahagyang natatabunan ang buong katawan, kumunot ang noo ko at nilapitan ko yun at hinawakan ang laylayan ng kumot at inalis iyon na nagpahina sa tuhod ko at napaatras dahil walang Zet na nakahiga sa kama kundi mga tubo lamang.
"Jack bakit.." hindi natapos ni Sarah ang sasabihin ng makita nito ang kama na wala si Zet.
"Nasaan si Zet? Bakit wala siya rito Jack!" nag-aalalang ani ni Sarah sakin na nakatulala sa kama dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin nasaan si Zet nasaan siya.
"Dito ka lang titingnan ko kung asan siya dito ka lang." mabilis siyang tumakbo papunta sa labas at ako eto umiiyak ng palihim dahil puro tanong ang nasa isip ko ngayon hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Tumunog ang cellphone ko at walang ganang sinagot iyon, " Jack where are you? I'm already outside with the ambulance. Hey Jack answer me." may pagkabagot na tanong nito sakin.
"Zet is not here..she's not here in her room. Kuya Zet is know where to be found Kuya.." Sagot ko na lumuluha nagiging mahina na ako ng dahil kay Zet and its bad because I need to be strong for her I need to. "What?" singhal na ani nito pero wala akong pakialam tumayo ako galing sa pagkakaupo at tinahak ang Information desk ng hospital kung saan naroon din si Sarah at nagtatanong.
"What? Bakit hindi niyo alam Anong klaseng empleyado kayo. Nawawala ang isa sa mga pasyente niyo at sasabihin mong hindi niyo alam!" tuloy-tuloy na singhal nito sa isa empleyado ng hospital. "Sarah calm down let me talk to her." Ani ko kay Sarah na hindi makapaniwalang nakatingin sakin at napasabunot sa sariling buhok at alam kung galit na ito. "As what I heard you fucking don't know where the patient is! Then bring me to your CCTV Room now!" Nagulat ang babae at mahinang tumango at naunang maglakad samin kumuyom ang kamao ko, kung sino man at kung ano man ang nangyari alam kung iisang tao lang ang may gawa nito at kung totoo ang hinala ko wala na akong magagawa kundi papatayin ko siya at sumunod na ako sa Babae papunta sa CCTV Room."Sir eto po ang CCTV ng kwartong sinabi niyo." sabi ng isa sa mga nagbabantay ng kwartong ito. Lumapit ako sa monitor at minamasdan ang pangyayari, May isang nurse na naglilinis ng kwarto at inilagay lang ang mga tubo sa kama at iniwan iyon dahil may tumawag rito. "Bakit ganito ito? Sigurado ka bang tama ang kwartong ipinapakita mo sakin kasi mali eh may mali!" hindi ko napigilang kwelyuhan ang lalaki dahil sa galit at naghahalong emosyon sa sarili ko. "ALAM MO BA KUNG SINO ANG NASA KWARTONG YUN ? YUNG BABAENG MAHAL KO TAPOS GANON NA LANG ANG IPAPAKITA MO!" akmang susuntukin ko na siya ng may sumigaw sa likuran ko.
"Jack Kevin Ford tama na yan! Bitawan mo siya." nilingon ko si kuya oo ang Kuya ko ang pumigil sakin kumuyom ang kamao ko dahil sa subrang galit na nararamdaman. "Kuya wala si Zet wala siya.. KAYA PLEASE LANG HAYAAN MO NA AKO PWEDE!" Hindi ko napigilang sumigaw na ikinagulat ko tumingin ako sa Kuya ko na walang pinagbago ang emosyon ng mukha. "Jack for fuck sake kumalma ka may isang doctor ang kakausap sayo sa baba tungkol kay Zet kaya tama na man halika na." Lumambot ang mukha ko ng marinig ko yun sana ok lang siya sana maayos ang lagay niya wag niya sana akong iwan. Tumingin muna ako sa lalaki na kwenilyuhan ko at naunang lumabas sa kwartong yun kasunod si Kuya.Pagdating namin sa baba nandoon ang isang matandang doctor at si Sarah na nakatulala at may tumutulong luha sa mga mata nito. Malakas ang tibok ng puso ko at nagsisimulang naguunahan ang pawis sa noo ko at pagkuyom ng kamao ko.
"Mr Ford right?" ani ng doctor sakin na ikinatango ko.
"What happened to Miss Sandoval? Is she okey did you transfer her to another room?" Mabilis kung tanong rito na ikinayuko nito kaya kumunot ang noo ko at tumingin kay Sarah at Kuya. "Kuya? Sarah? Ano bang nangyayari bakit hindi niyo ako deretsohin!" tanong ko na may bahid na pangamba.
"*sob* Ka..si Jack si *sob* Ze..t wala na..*sob*" hagulgol ni Sarah pero naintindin ko nagsimulang manghina ang tuhod ko dahilan ng pagatras ko. "Kuya..hindi yun totoo diba?Sarah hindi diba? HINDI!!" hindi makapaniwalang saad ko na hindi ko namalayan na nakaupo na ako at inalalayan ni Kuya. "Jack tama na nahihirapan ka na andito lang ako kami." Sabi nito pero hindi ko alam napatingin ako sa doctor habang patuloy na namalisbis ang luha sa mga mata ko.
"Mr Ford, I'm sorry for your lost but Miss Sandoval is now in a peaceful world. She died awhile ago I'm sorry If we didn't clean her room and for not saying it to you." Sabi into sakin na hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba o hindi Anong rason bakit wala na siya gusto kung malaman.
"Bakit?" Walang emosyong saad ko ngunit patuloy na umiiyak.
"Nagkaroon ng maraming dugo ang utak nito dahilan para sumuko ang lahat ng organ ng katawan that really needs bloods
Gaya ng puso kaya tumigil ang pintig ng puso nito dahilan ng kanyang pagkamatay I'm sorry." matapos kung marinig ang sinabi nito doon na ako napahagulgol ganon rin si Sarah.
Bakit babe bakit mo ko iniwan? Bakit hindi ka man lang lumaban? Bakit Zet Bakit!A|N: Hinabaan ko na po para sa inyo ma's maganda pa po ang susunod na Chapter sana patuloy kayong magbasa nito Salamat.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...