Mark's POV:Hi ako nga pala si Mark Marquez isa sa mga assistant ni Boss Jack Kevin Ford, 25 years old na ako at syempre single haha. Andito ako ngayon sa mesa ko dahil sa sandamak-mak na trabaho na binigay ni boss napaaga tuloy ako ng pasok, tsk alam ko namang kang Xia to eh binigay lang talaga sakin para hindi mabigatan. Speaking of Xia magkaibigan lang talaga kami, hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya kasi may babae ng nagpapatibok ng puso ko.
"Good morning Mark" magiliw na sabi ni Xia sakin hmm mukhang good mood ahh.
"Hmm good mood ka ata Miss Secretary anong meron?" tudyo kong tanong sa kanya na mas nagpangiti lalo rito.
"Haha ano ka ba naman, hindi ba pwedeng maganda lang ang gising ko." at nakangiting naglalakad papasok sa opisina, hala ka anong meron don?
"Morning Mark." napatanga ako ng marinig kong bumati sa boss.
"Boss binati mo ko?" nalaglag ang panga ko dahil napakalapad ng ngiti nito.
"What? Masama ba? ahh ayaw mong binabati kita ok wala na bukas." kahit ganon ang sinabi nito ay nandoon parin ang nakabadyang ngiti sa labi nito.
"Ah sir hindi naman po hehe morning din." at napangiti narin ako ngunit mayroon paring pagtataka sa mata ko.
"Ok good." at naglakad na ito papasok sa opisina na parang baliw sa kakangiti. Napaka weird naman ng dalawang yun..ano kayang nangyari at parang nanalo sa lotto ang dalawa.
"I smell something fishy." natawa nalang ako sa nasabi ko at nagpatuloy sa pagtratrabaho.Jack POV:
Matapos kong makausap si Mark sa labas ay nakangiti akong pumasok sa loob ng opisina at kaagad kong nakita ang babaeng hindi nagpatulog sakin kagabi. Napakaganda ng ngiti nito ngayon, oo hindi ko na itatangi na nagagandahan ako sa kanya kasi nakikita ko si Zet sa kanya.
"Good morning Sir." sabay tayo nito at ngumiti ng napakaganda napatulala ako sa ngiting binitiwan nito.
"Zet.." Mahina kong bulong at napayuko. Bakit si Zet ang nakikita ko bakit?
"Sir? Ok lang po ba kayo?" may pag-aalalang ani nito sakin. Tumango lang ako at tinungo ang mesa at nagsimulang magbasa para hindi ko maibaling ang tingin kay Xia. Maraming tanong sa isipan ko kung bakit hindi ko man lang nakita ang buong katawan ni Zet ng mamatay siya.
Sumulyap ako kay Xia na ngayon ay nagsisimula ng magseryoso sa trabaho, napawi na ang ngiti nito sa labi at nakapokus sa trabaho.Xia sino ka ba talaga sa katauhang yan? Bakit nakikita ko si Zet sayo..I will find out who are you and the truth behind that angelic face." bulong ko sa sarili at binuksan ang laptop at nag email sa kaibigan ko.
Lhester please investigate Xia Vasquez..all about her. I will throw the payment in your bank idiot.
Tinapos ko na lahat ng report at pepermahan ko at dumapa sa mesa at pumikit. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Xia, nakatali na ang buhok nito na mas kinaganda nito lalo. Ang mukha nito na kurting puso ay mas nagbibigay ng ngiti sa umaga ko at ang ngiti nito na komukompleto sa araw ko.
Napangiti ako habang tinitingnan siya ng biglang may pumasok sa utak ko.
"Hmm why not, its just a simple dinner." tumayo ako at naglakad papunta sa kanya. Tumingin ito sakin na nakakunot ang noo, mahina akong natawa sa reaksyon ng babaeng to.
"Tsk Xia bakit ganyan ang reaksyon ng mukha mo?" Umupo ako sa dulo ng mesa nito at nilaro ang isang lapis.
"Ahm Sir may kailangan po ba kayo?" ani nito na mabilis na lumunok.
"Haha ano ka ba naman, nakakatawa yang mukha mo. Alam mo bang maraming babae ang gusto akong lapitan tapos eto ikaw na nga yung nilapitan ganyan pa rin ang mukha mo unbelievable." nakita ko ang pandidiri sa mukha nito na mas ikinatawa ko.
"Sir kung puro kayabangan lang po ang sasabihin niyo pwede po bang gagawin ko na tong tambak-tambak na trabaho na ibinigay mo." at umirap pa ito sakin bago tumingin sa computer, ibang klase rin tong babaeng to eh.
"Ok I will not disturb you again but in one condition." tumingin ito ng diretso sa mga mata ko na biglang nagpatibok ng puso ko, ang bilis nito ay hindi ko makontrol hindi pwede tapos na ako dito iisang babae lang ang makakagawa nito sakin..Zet.
"Ano yun?" tumikhim ako at nilabanan ang tingin nito at lakas loob na nagsalita.
"Let's have a dinner today Xia and I will not accept No's." at iniwan ko itong nakatulala at lalag panga na tiningnan ako, lumabas muna ako ng opisina upang bumuga ng hangin na kanina ko pa pinipigilan.
"Hoooo!! It can't be I will never fall in love again except If she is my Zet." mahina kong bulong at tumingin sa labas ng gusali at may tinawagan sa telepono."Hey Tito Vic can you do me a favor if it is okey to you." ani ko sa kabilang linya na bahagyang tumawa.
"Yeah Jack what is it? May dadalhin ka na bang babae dito huh?" sunod na tanong nito sakin na ikinangiti ko, hindi ko alam pero pag si Xia ang pinag naguusapan napapangiti ako at bumubilis ang tibok ng puso ko.
"Tito please have me a reservation today in your restaurant at exactly 7 pm, and yes to your last question but she's just only my secretary I just want say thank you and this is my way how." tumawa lang ito at sigurado akong umiiling ito ngayon as always.
"Ok ok expect your table near the garden and dont forget to introduce me to your girl." napahawak ako sa sentido dahil sa kakulitan ni Tito.
"Yeah thanks bye."Pagkababa ko ng telepono ay kaagad akong bumalik sa opisina para tapusin ng maaga ang trabaho ko at ng masabihan si Xia tungkol sa Dinner mamaya.
Pagkalabas ko pa lang ng elevator narinig ko ang pamilyar na boses na namimilipit ata sa sakit.
"Zet.." mahina kung ani sa sarili at nakatulala sa pintuan ng opisina ko.
"Ahhhh! TULong.." pagkarinig ko sa sigaw na yun mabilis kong binuksan ang pinto at hinanap si Xia. Tiningnan ko ang buong opisina at napasabunot sa buhok ko ng makita si Xia malapit sa mesa ko at namimilipit sa sakit ng ulo, at ang nagpatigil sakin ay ang picture frame na basag.
"Shit! Xia anong nangyari sayo?" kaagad kong tanong rito pagkalapit ko sa kanya.
"Yu-ng..baba--e sa..picture.." mahina at utal utal niyang sabi dahil sa kakainda ng sakit kaya hindi ko na pinansin ang sinasabi niya dahil sa kamamadali kong magdial sa telepono, dalawang ring pa lang may sumagot na sa kabilang linya.
"FORD INTERNATIONAL SITE COMPANY PLEASE BRING AN AMBULANCE HERE NOW!!" agad kong sigaw sa kabilang linya na tila nagulat dahil sa pagsinghap nito.
"Ahm what happened sir?" napapikit ako dahil sa inis malamang may naaksidente.
"Shit!! JUST DONT ASK THIS IS A EMERGENCY SO BRING THAT F*CKING AMBULANCE HERE OR I WILL CALL THE OWNER OF THAT HOSPITAL TO KICK YOU OUT!" diretso kung sabi rito na pilit inaayos ang posisyon ni Xia.
"Y--yes sir I'm sorry Just wait sir and calm." at naputol na ang linya kaya kaagad kong niluwagan ang necktie ko at binuhat si Xia palabas ng opisina. Habang nakasakay kami sa elevator nanginginig ang mga kamay ko at may tumulong luha sa mga mata ko ng Hindi ko nalalaman, parang huminto ang mundo ko habang nakikita si Xia kanina para bang bumabalik ang ala-ala ko noong naaksidente si Zet.Pagkabukas ng elevator ay kaagad na may sumalubong sakin na stretcher at mabilis kong naihiga si Xia at nilapitan ko si Mark na ngayon ay nag-aalalang nakatingin kay Xia.
"Mark cancel all my appointments for 3 days and call Tito Vic that the reservation is also canceled just tell him what happened." tumango lang ito at may tinawagan sa telepono kaya mabilis kong tinakbo ang parking lot at sumakay sa kotse at sinundan ang ambulansya.
Mahigpit ang hawak ko sa manobela habang nagmamaneho dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.
"Please be ok Xia.." at pinaharorot ko na ang sasakyan papuntang hospital.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...