3rd Persons POV:Malamig sa Baguio pero hindi nito matututulan ang masaya at maligayang pagluluto ni Xia para sa pagdating ng kanyang nanay at tatay na nasa taniman pa ng mga bulaklak nila na sa hilagang parte ng lupain.
"Hmm ang sarap.. mana talaga ako kay nanay sa pagluluto." nakangiting ani ni Xia habang tinitikman ang niluluto nitong sinigang na baboy.
"Mukhang masarap yan nak ahh..pananghalian ba natin yan?" tanong ng kararating nitong Ina na kasunod ang Ama.
"Ay nay tay mano po..ahm opo alam ko po kasing napagod kayo sa taniman kaya heto pinagluto ko po kayo ng paborito niyong sinigang na baboy." ani nito na tinutulungan sa pagligpit ng gamit ng magulang matapos mag-mano.
"Saktong-sakto nak gutom na kami ng nanay mo kaya kumain na tayo." napangiti siya sa sinabi ng Itay nito at sinimulang maghanda ng pagkain."Nga pala nak wala ka bang balak na magkanobyo eh 25 anyos ka na ah.." saad ng nanay nito na ikinatigil ni Xia.
"Nay naman wala pa po yun sa isip ko saka wala namang nagtatangka eh kaya wag na muna."
"Eh bakit ba nak maganda ka naman, mabait , matalino at higit sa lahat masarap magluto mukhang nasasayo na lahat eh." Napangiti si Xia sa sinaad ng ama nito pero hindi muna nito paglalaanan ng oras ang pagnonobyo lalo na at may mga larawan at mga alaalaang palagi nitong napapanaginipan sa siyam na taong lumipas."Oh sha hindi na namin ikaw pipilitin pero sana naman nak may ipapakilala ka na sa susunod ." Natawa siya sa sinaad ng Ina nito at mas pinagtuoanan ang kanyang pagkain.
"Ay oo nga pala nak may nagsabi sakin kanina na may naghahanap raw ng trabaho sa Manila." napatigil siya sa pagkain at tumingin sa ama nito.
"Po? Trabaho anong klaseng trabaho ho naman iyan baka scam lang po yan tay wag na po." saad nito sa ama ngunit napaisip rin ito.
"Eh nak sayang naman trabaho na yun, saka hindi naman scam yun eh doon rin nagtratrabaho yung nagsabi sakin kanina. Saka maganda raw ang posisyon." at ng marinig ni Xia ang salitang posisyon ay mabilis itong napabaling sa ama.
"Ano ho bang posisyon iyon tay?"
"Teka ano nga ba yun..Sec..ahh ano ba yun Secretry." Mahinang natawa si Xia sa sinaad ng ama.
"Tay Secretary po yun haha " natawa narin ang ina nito ganon rin ang ama na napakamot sa batok nito.
"Oo yun nga nak pasensyahan mo na ang tatay at tumatanda na."
"Ano ka ba tay parang hindi na ako sanay." At malutong na nagtatawanan sila sa hapagkainan. Habang nagtatawanan napaisip rin si Xia na tanggapin ang trabaho lalo na at graduate na siya at makakatulong iyon sa inay at itay nito.
"Cge tay tatangapin ko po ang trabaho pakisabi na lang po sa nagsabi sa inyo na pumunta ho rito para mapagusapan po namin." Napangiti ang mag-asawa sa sinabi ni Xia.
"Talaga nak? Cge cge bukas na bukas andito na siya." matapos sang-ayunan ang gusto ng ama nito ay parang may pumipigil sa kanya na hindi niya alam kung ano o bakit, sinawalang bahala niya lang ito baga naninibago lang ito.Jack POV:
"Check all the records and ratings, this is a big mess and it can ruin the image of the company!" nagsimulang uminit ang ulo ko dahil sa bagong report na dumating galing sa Site.
"Sir we did everything but all the records, ratings and the budget money of the Site was corrupted." napaupo ako sa upuan matapos sabihin ng manager ng Site ang nangyari.
Napapikit ako dahil sa malaking problemang ito, its a new project then it turned to Ashe's. Tama nga ang hinala ko na hindi mapagkakatiwalaan ang mga empleyado sa companyang to I need to do something I don't want to lose this company."What kind of manager you are? I put you in that position because I know you are responsible but I was wrong. Call all the members and the President of the working Sites, Meet me at the conference room in an hour." sapo ang noo na sinabi sa emolyedo.
"Ye--s Sir just give me a minute." at tiningnan ko ang glass door na nilabasan nito.Nasa oras ako ng pagbabasa ng mga reports ng may tumawag sa telepono, kumunot ang noo ko sino na naman to.
"Hello who the hell is this?" tanong ko sa kabilang linya.
"Wazzup bro its me your brother bat ang init na naman ng ulo mo huh?" napapikit sa tinuran ni kuya.
"I'm busy Kuya pwedeng mamaya mo na ako distorbohin? And please tell mommy that mag o-over time ako ngayon."
"What? Did you forget that we have a dinner tonight that's why I call you just to remind. Jack don't tell me hindi ka na naman pupunta.." napatayo ako sa upuan at pumunta sa veranda ng opisina.
"Kuya there are many pest in the company I have to solve this one.
Ikaw ng bahala magsabi sa kanila."
"Fine! But don't give me such reason Jack God its been 9 years since that day please Jack let go."
Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi ni Kuya, alam kong matagal na mula ng mawala si Zet pero hindi ko kayang kalimutan siya.
"Alam ko kung saan papunta ang pag-uusap na ito, I'll hang up now I have a meeting to attend too bye." at pinatay ko na ang tawag ng hindi pinatapos si Kuya sa pagsasalita.Hindi ko alam kung paano ako nakalapit sa mesa at tiningnan ang nagiisang larawan na meron ako kay Zet.
"Babe Its been 9 years since you've been gone. But still your here in my heart, crying every night having nightmares about you. Babe I can't easily let go of you, Ewan ko pero parang hindi ka pa patay sa akin. Sometimes I noticed that someone's whispering in me and its you who I remember." hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata ko ng hindi ko namamalayan. Mabilis ko iyong pinunasan at ibinalik ang larawan sa mesa ko, kailangan kung magpakatatag para sayo Zet kasi alam ko hindi mo gusto na ganito ako."Sir nandoon na po lahat ng pinatawag mo sa Conference Room." napaayos ako ng tayo matapos pumasok ang inutosan ko. Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga at maotoridad na sumunod papuntang Conference Room.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...