The Revelation (CHAPTER 16)

33 1 0
                                    

A|N: Hi guys sorry about some errors, This is my first time kasi so hope you will appreciate my
story.

Zet POV:
    
       Ngiti-ngiting pumasok ako sa school dahil hindi pa ako nakapagmove on sa mga pinagsasabi ni Jack kagabi.

Flashback:  
  "Paano si Bea hindi ba may gusto sayo yun? Paano ko sasabihin sa kanila ang tungkol satin?" tanong ko kay Jack na may pagaalinlangan.
"Babe wala akong intensyon na ipagsabi kay Bea ang tungkol satin dahil wala akong nararamdaman sa kanya kundi ang pagiging kapatid na turingan namin." hinawakan niya ang kamay ko at seryosong tumitig sakin.
"Pero.." naudlot ang sasabihin ko dahil iniharang niya ang isang daliri sa labi ko. "Babe no buts, its final were official and about Bea and Me wala yun because ikaw ang nilalaman dito sa puso ko at wala ng iba I love you babe." at hinalikan niya ang labi ko ng banayad at punk ng pagmamahal.

End of Flashback:

Dahil sa pinagsasabi niya ay hindi ako nakatulog ng maayos, syempre dahil sa kilig dahil akalain mo yun isang Jack Kevin Ford ang magmamahal sa isang Zet Xhian Sandoval.
Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay kaagad na sumalubong sakin ang isang pamilyar na halik, napapikit ako dahil alam kung si Jack to. Humiwalay ako sa halik ng naalala na nasa loob kami ng silid at naroon ang mga kaklase namin.
"Good morning babe." bati nito na may ngiti sa kanya ng mga labi, pinalo ko siya ng mahina sa balikat dahil sa ginawa nito.
"Ano ka na naman..andito ang mga kaklase natin." pabulong kung sabi sa kanya at sumilip sa mga kaklase namin na halos mapunit ang mga labi kaka ngiti.
"Don't mind them babe, That's the way how I greet good morning you know." at palihim na tumawa at pinagsingkitan ko ng mga mata.
"So delikado pala ang labi ko sayo, lalo na at halos araw-araw tayong magkasama. What if lumipat ako sa ibang seksyon." umaaktong nagiisip sa sinabi ko.
"Subukan mo at jojowain ko si Bea sege ka.." pang-aasar nito sakin at malaking epekto ang dinulot nito sa puso ko. Sumeryoso ako at blangkong tumingin sa kanya, natigilan ito at parang napagtanto ang kanyang sinabi.
"Babe I'm sorry I didn't mean to say that." akmang hahawak ito sa kamay ko pero iniwas ko ito at mabilis na tumalikod sa kanya. Nagsimula ng mamasa ang dalawa kung mata mabilis akong naglakad palabas ng silid, "Zet please stop!" sigaw niya sakin pero para akong walang narinig. Bakit sa lahat si Bea pa ang napii niyang pang-asar eh alam naman niyang malaking epekto sakin ang bangitin man lang ang pangalan niya. Oo kaibigan ko siya pero nawala ang tiwala ko sa kanya ng malaman ko kung paano siya humiling sakin na iwanan si Jack para sa kanya bwesit. Wala akong pakialam kung nasundan man ako ng lalaking yun, nabwenwesit ako sa kanya.
Hindi ko namalayang sa batibot ako dinala ng mga paa ko, binagalan ko ang paglalakad at umupo sa may blenchair. Tumingin ako sa mga puno sa harapan at pumikit upang lumanghap ng sariwang hangin, ito lang ang alam nakakapag pakalama sakin.

Mahigit dalawang oras na akong nakaupo dito sa may batibot pero ni anino ni Jack ay hindi ko makita.
Hindi ba niya alam na gusto kung magpasuyo tsk..mas nadagdagan ang galit na nananalaytay sa buong sistema ko. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad upang pumasok sa sunod na subject ko, huwag ko lang talagang mahuli na lumalapit si Bea sayo unggoy kundi baka hindi ko na kilalaning kaibigan ko siya. Nasa hallway pa lang ako ay sinalubong na ako ni Sarah, "Girl saan ka ba nagpunta kanina pa ako naghahanap sayo? At hindi ka man lang pumasok sa unang subject at kay Miss Lopez mo pa piniling magcut." sunod-sunod nitong tanong sakin.
"Teka lang mahina ang kalaban Sarah, at salamat dahil hinanap mo ko hindi katulad ng iba." may halong sarcastikong sabi ko sa kanya. "Tara na baka malate na tayo." aya ko sa kanya at unang naglakad rito. "Teka lang naman girl hindi ba uso sayo ang maghintay." sabi nito at sumabay sa paglalakad sakin. How I wish na ganito rin si Bea para naman walang gulo ang mangyari sa pagitan namin. Pumasok na kami ni Sarah sa loob ng silid at umupo na kami sa kanya-kanyang upuan.
"San ka galing?" rinig kung tanong ni Jack galing sa likod, Ewan ko sayo manigas ka diyan hindi kita papansinin. "Zet sorry na hindi ko naman yun ginusto eh, hindi na mauulit." sabay umupo sa tabi ko at tumingin sakin ng seryoso, nanatiling aligaga ako sa libro ko at nagpapangap na nagbabasa. "Babe naman sorry na , hindi ko naman alam kung gusto mo pupunta ako sa harapan para maipakita ko sayo na seryoso ako." napatingin ako sa kanya ng blangko at humarap ulit sa aklat ko. Nakita kung lumakad ito papunta sa harapan, palihim akong ngumiti dahil palagi nalang akong namamangha sa mga pinagagawa niya. Tingnan lang natin kung magawa mo Ford.
" Ahem..hi classmates nandito ako sa harapan niyo upang ipakita sa mahal kung girlfriend na seryoso ako sa paghingi ng tawad sa kanya." lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, bakit tinutoo niya.
"Hala! sino kaya dito ang girlfriend niya? Baka si Bea kasi palaging binabangit ni Bea si Jack eh." sabi ng kaklase ko sa harapan, kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Pati ba naman sa mga kaklase Bea tumingin ako sa kanya na parang binagsakan ng langit at lupa.
" Zet Xhian Sandoval I'm sorry for what I've done a while ago. I really don't mean it I just want to tease you Babe I'm sorry please forgive me." Natulala ako sa sinabi niya, to too bang nabago ko ang isang Jack Kevin Ford? nagsimula ng mamasa ang mga mata ko. Tumayo na ako upang lumapit kay Jack pero inunahan na ako ni Bea, naningkit ang mata ko dahil sa ginawa niya. Ano na naman palabas to Bea?
"Zet, hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo kay Kev..Pinapunta mo pa talaga sa harapan upang maibalandra sa buong kaklase natin na boyfriend mo ang sikat sa school nato." sabi niya na may pahawak-hawak pa sa kamay ni Jack, natulala ako sa mga pinagsasabi niya ganon ba kababaw ang tingin niya sakin.
"Tumigil ka nga Bea? Ano ba ang pinagsasabi mo, kagustohan ko ang gawin to para sa girlfriend ko."
hinugot ni Jack ang kamay niya sa pagkakahawak ni Bea.
"Grave si Zet pala ang girlfriend ni Jack, oh my god bagay naman sila eh tingnan mo si Zet naaawa ako sa kanya. Diba kaibigan niya si Bea bakit banyan siya kung ituring grave.." sabi ng kaklase ko sa likuran parang may sariling buhay ang ulo ko dahil nilingon ko siya at ng kausap niya, yumuko sila ng magtama ang mga mata namin.
"Kung wala kayong magawa wag niyong pagdiskitahan ang buhay ng iba please lang." mahina kung sabi sa kanila at binalik ang gawi sa harapan.
"Bea ganyan ba ang tingin mo sakin? Wala akong masamang ginawa para ganyanin mo ko..hindi mo ko masisi na minahal ko ang lalaking yun." Turo ko kay Jack na ngayon ay palapit na sakin.
" Babe let's go , don't make this long." Hawak niya sa kamay ko at hands ng umalis, "No!! gusto ko marinig kay Bea kung bakit niya ginagawa to sakin?" at tumingin ako kay Bea, nakita ko kung paano siya nagbago ng reaksyon at malakas na tumawa.
"Hahhahaha bravo Zet bravo!! Ang galing mo. Kahit among sira ko sayo ay nalalampasan mo may agimat ka ba oh ano?" tanong nito sakin na nagpatigil sakin at nangilabot ang buong katawan ko dahil sa Bea na nakakausap ko ngayon. "Anong ibig mong sabihin Bea?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Bea please stop!!" sigaw ni Jack kay Bea, gulong-gulo na ako sa kanila.
"Oh hindi mo sinabi Kev..kawawa ka naman pala Zet pati boyfriend mo hindi sinabi sayo. Ako lang naman ang nagutos sa manong na gahasain ka, pasalamat ka at dumating ang mahal mong boyfriend kundi baka nasa mental ka na dahil sa pagkatruma hahaha." Tumulo ang luha ko dahil sa rebelasyong ito, siya ang kakagawan sa kababoyang nangyari sakin. Nanlambot ang tuhod ko at napaupo sa sahig mashadong nanghina ang sistema ko sa nalaman ko wala akong pakealam kung anong sasabihin ng mga kaklase ko na nakapanood samin at lalong umapaw ang galit ko dahil alam ito ni Jack.
"Babe..let me explain." hahawak na sana ito sa braso ko pero mabilis pa sa alas kwatro ay naiwas ko na yun. "A..lam mo?" mahina at hindi makapaniwalang tanong ko, sana mali lang ang narinig ko. "Jack..ALAM MO BA?" galit na tanong ko sa kanya, hindi ko na napigilan ang galit na nararamdaman ko. Tiningnan ko siya upang malaman ang sagot,
"Oo..per" naputol ang sasabihin niya ng humagolgol na ako ng iyak. Bakit nangyari sakin to? Bakit!!
"Kawawa ka naman Zet hahaha sana hindi ko na lang sinabi ngayon hahayaan nalang sana kitang malaman na walang nagsasabi sayo." Parang baliw na tumatawa si Bea nakakakilabot na siya.
"Baliw ka na Bea.. BALIW!!" galit na sabi ko sa kanya na ikinabago ng reaksyon niya, "Anong sabi mo?" Hi di makapaniwalang tanong into sakin.
"Tama na Bea umalis na tayo..Tara na!!" Hinila siya ni Sarah palayo sakin, "Hindi!!bitawan mo ko.." tinulak niya si Sarah dahilan para mapaupo ito at umiiyak na humarap samin.. Sarah.
"BEA UMALIS KA NA!! NANANAKIT KA NA NG TAO!! GET LOST NOW." galit na sigaw ni Jack Kay Bea upang mapatigil ito at bumalik sa dating ugali. Lumapit ito kay Sarah upang humingi ng tawad pero gumapang si Sarah palapit sakin.
"Umalis ka na Bea, ihatid mo Jack."
saba ko na ma autoridad at galit na Tono. "Pero.." "Umalis na kayo bago pa magdilim ang paningin ko sa inyong dalawa. ALIS!!" at mabilis na inakay ni Jack si Bea palabas. Doon na ako humagolgol ng subra sa tabi ni Sarah dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko ngayon.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon