Jack POV:Matapos ang activity kagabi ay isa isa kaming nagsibalikan sa mga cottage upang magpahinga. Hiwalay kami ni Zet ng cottage kasama niya si Sarah at iba pa naming kaklase na babae, gustuhin ko mang makasama siya ay hindi pwede kaya heto ako ngayon katext siya.
Jack:
Hey babe are you still awake?Zet:
Oo matutulog na sana bakit?Jack:
Haha wala lang namimiss lang kasi kita hindi ka man lang nag goodnight kiss sakin *pout*Zet:
Sira haha yan talaga ang iniisip mo marami tayong kasama dito Jack maghunos dili ka.Jack:
Oo na basta bukas sosolohin talaga kita may oras pa naman tayong mamasyal bago ang activity. Sege matulog ka na babe goodnight I love you and sweet dreams.😘Zet:
I love you too Jack goodnight 😄Mabilis na tumibok ang puso ko ng mabasa ang huling mensahe nito, kahit paulit-ulit kung gawin ang mga kabaduyan na to hindi ako magsasawang ipakita kay Zet na mahal na mahal ko siya. Napangiti ako dahil sa iniisip, hindi ko lubos maisip na nahulog ako sa babaeng yun tandang tanda ko pa ang mga pagbubunganga niya pagiging cold minsan at ang mga luha na ako ang dahilan. Napatingin ako sa wallpaper ng cellphone ko dito ko kinakausap si Zet kapag namimiss ko siya lalo na kapag hindi ako makatulog tulad ngayon hindi ako dinadalaw ng antok kaya heto pinagdidiskitahan ko ang mala anghel na mukha ni Zet.
"Babe ano bang pinakain mo sakin at nahihibang ako sayo, nagiging possessive na ako mashado at araw-araw minamahal kita. Babe natatakot akong mawala ka sakin at natatakot akong ikaw mismo ang umayaw sakin, isipin mo yun pinagtripan kitang maging fake girlfriend sabi ko noon hindi ako mahuhulog sayo kasi malayo ka sa standard na hinahanap ko sa babae pero kinain ko lang ang mga salitang yun haha." natatawang ani ko sa sarili napapikit ako at ninanamnam ang hangin mula sa dalampasigan. Minulat ko ang mata ko at bumuntong hininga ewan ko pero may nararamdaman akong mabigat sa dibdib ko.
Tumagilid ako ng higa at pinatong ang telepono sa gilid ng kama at pumikit hanggang sa lamunin na ako ng antok.Zet POV:
"Zet girl hey wake up" rinig kung may tumatawag sa pangalan ko, umungol lang ako at dahan-dahang minulat ang mga mata.
"Bakit Sarah ang aga pa eh" reklamong sabi ko sa kanya at tumagilid upang muling matulog ngunit niyogyog niya ako dahilan para mapilitan akong bumangon.
"Anong maaga huh Zet? Look at the watch its already 8:45 in the morning at malapit na ang oras upang simulan ang activity. Kaya kung ayaw mong mawalan kayo ng oras ng papa Ford mo bumangon ka na diyan limit na ang oras niyong dalawa." bigla nalang akong napabangon sa higaan ng maalala ang sinabi ni Jack kagabi may lakad kami ngayon shit. Mabilis kung kinuha ang tuwalya at dumertso sa banyo, laking pasalamat ko at natapos ng maligo ang kasamahan ko sa cottage.
Ginawa ko na ang ritwal ko sa pagligo at ng matapos ako ay nagmadali akong nagbihis, simpleng loose black short at fitted shirt ang sinuot ko at ng matapos kung lagyan ng kung ano-ano ang mukha ko ay lumabas na ako sa cottage at hinanap si Jack.Napapikit ako ng tumama sakin ang sinag ng araw at ang init nito.
Tatakpan ko na sana ang mukha ko dahil sa nakakasilaw na sinag ng may isang matipunong lalaki ang humarang sa unahan ko dahilan para matakpan nito ang sinag ng araw. Tumingala ako upang tanawin kung sino at napangiti ako ng malapad ng makita ko ang lalaking nagpapatibok ng puso ko araw-araw.
"Hey babe, good morning how's your sleep?" masigla nitong tanong sakin at inisang hakbang ang layi namin upang malapitan niya ako.
"Its good babe, ikaw kamusta ang tulog mo?" tanong ko habang pinulupot ko ang isang kamay sa bewang niya at ngumiti ako ng maramdaman ang kamay nito sa balikat ko. Kahit araw-araw ganito kami ni Jack hinding hindi ako magsasawa sa kagwapohan at kakisigan ng lalaking to.
"Hey babe are you with me?" pukaw na tanong ni Jack sakin, hindi ko alam na nakatulala na pala ako kakaisip rito haha. Tumingala ako sa kanya at tumango upang hindi nito mahalata ang pagiging tulala ko. "Ok, babe saan tayo pupunta ngayon? Malaki ang resort at malabong malibot natin to eh may 1 hour and 30 minutes lang ang natitira nating oras." tanong ko habang naglalakad kami papunta sa mga bulaklak na nakapaligid sa resort. "Ahh yeah , don't worry that much mahaba pa ang oras babe saka nakapamili na ako ng pasalubong kanina pagising ko kaya maglilibot tayo ngayon at kakain dahil sosolohin kita ngayon." mahabang litanya ng gwapo kung nobyo, tumango lang ako sa kanya at sabay naming tinahak ang malapit na restaurant sa resort syempre libre ng school to haha.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...