Xia's POV:Nakatayo na ako rito ngayon sa harap ng Ford International Site Company nangangatog ang paa ko dahil sa kaba. Tinitingnan ko ang pangalan ng companya ay parang pamilyar parang alam ko ang pangalang yan, Napailing na lang ako sa iniisip.
"Ano ka ba naman Xia, wag kang ano diyan mag focus ka kasi mag a apply ka hindi kung ano-ano ang nasa isip mo." at bumuntong hininga ako bago pumasok sa loob ng building at nagtungo sa Information Desk.
"Ahm good morning maam, mag a-apply po sana ako bilang Secretary dito." magalang na ani ko sa babae na ngumiti matapos kung magsalita.
"Ahh yes, pumunta nalang po kayo sa 10th floor ng building and mahahanap mo kaagad doon si Mr. Mark at siya na ang magdadala sayo papunta kay Mr. Ford." at ngumiti ito matapos magsalita, napipilitang ngumiti ako sa babae dahil nararamdaman kong napaka creepy ng ngiti niya. Sinunod ko nalang ang sinabi nito at sumakay sa elevator papunta sa floor ni Mr. Ford.Pagdating ko sa 10th floor kaagad kong nakita ang isang lalaki na naka black tuxedo at napaka formal ng tindig nito.
"Ahem, excuse me sir." tumingin ito kaagad sa akin at ngumiti.
"Ahm yes anong kailangan natin?" napakaganda ng ngiti nito sa akin.
"Ako po pala yung mag a-apply bilang Secretary kung meron pa po." bahagyang nakayuko kung ani rito.
"Ahh oo meron pa alam mo hinihintay ko nga na may pumunta dito at yun na nga ikaw." napangingiti ako sa sinabi nito.
" Salamat po so tanggap na po ba ako Sir?" "Ipapasabi ko lang muna kay Sir kung tanggap ka ba o hindi teka lang muna." tumayo na ito at pumasok sa isang silid na puro glass napakalaki nito nakakalula sa ganda at lawak nito. Mga ilang minuto bago bumukas ang pinto at lumabas si Sir Mark galing doon.
"Miss Xia pinapapasok po kayo ni Sir." biglang lumalim ang hininga ko sa sinabi nito, Ewan ko pero bumibilis ang tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan. Humakbang ako papunta sa pinto at huminga ng malalim bago pinihit ang pinto at pumasok, napatigil ako ng makita ko ang isang napaka-gwapong nilalang na nakatayo. Ang matangos nitong ilong, itim na itim at na nakakapang hipnotismo at ang labi nitong mapupula at parang gusto ko iyong halikan. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang etsura nitong gulat na gulat na parang nakakita ng multo, bakit? May mali ba na andito ako bakit?
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...