Jack POV:
Masaya ako dahil pinatawad na ako ni Zet at syempre nagbalikan kami. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noong makita siyang pumasok sa gym pero to the rescue si kuya ayun napakanta ako. Worth it naman kasi nabalik ko ang tiwala at pagmamahal ng babaeng mahal ko.
Kasama ko ngayon si Zet, natutulog siya sa tabi ko habang ako at nagdradrive. Masayang masaya ako ngayon kasi pagkatapos ng mahabang araw ay napayag ko siyang pumunta sa bahay.
Pagkatapos ng ilang oras sa byahe oo oras ang nagugol ko dahil sa traffic ngunit nakarating rin kami sa
bahay at dahan-dahan kung inalis ang seatbelt niya at hinaplos ang pisngi niya upang magising ito.Gumalaw siya at tumingin sakin na pumupunghay ang mga mata, napangiti nalang ako dahil sa ginawa nito. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo nito at humiwalay rin baka masuntok ako nito bagong gising pa naman.
"Nandito na ba tayo?" tanong nito sakin na inaayos ang sarili at may pinakikialaman sa bag niya.
"Oo ginising kaya nga ginishing na kita diba." pangaasar kung sagot sa kanya, natawa nalang ako dahil sa pagmimake face nito.Lumabas na ako sa kotse at pumunta sa pwesto ni Zet upang pagbuksang siya ng pinto. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang bumaba sa sasakyan, at sabay kaming naglakad pupunta sa bahay.
Zet POV:
Hindi pa kami nakapasok sa bahay ay agad na sumalubong si Tita Mel samin at agad akong niyakap nito ng pagkahigpit."Mabuti naman at nagkaayos na kayo ng anak ko Zet alam mo bang hindi yan kumakain dahil sa nangyari sa inyong dalawa." sabi nito habang humihiwalay sa pagkakayakap sakin, tumingin ako kay Jack na nakatingin sa ibang direksyon halatang ayaw pagusapan nila ito.
"Ahh sorry po kung ganon, saka hindi na po yun mauulit dahil hindi na ako papayag na mangyari pa ulit yun Tita." ani ko na may ngiti sa mga labi at tumingin ulit kay Jack na tumingin rin sakin na may malapad na ngiti tsk.
"Mom lets go I'm starving." sabi nito na lumapit sakin at inakbayan ako papasok sa bahay nila.
"Oh..OK son" sagot ng Ina nito. Pinisil ko ang gilid ng tyan niya dahilan para ngumiwi ito at tiningnan ako ng masama. Tumingin ako kay Tita na unang naglalakad samin at inalis ang pagkakaakbay ni Jack sakin at tumakbo papunta kay Tita at pinulopot ko ang kamay sa braso nito dahilan para mapangiti ito.Pagkapasok namin sa bahay ay pinaupo muna ako ni Tita sa sofa.
Umupo ako ng maayos at tinatanaw ang mga larawan ng pamilya nila, napatili ako dahil bigla nalang may humakap at humalik sa pisngi ko galing sa likod."Bakit mo ko iniwanan huh?" sabi nito sakin na ang mukha ay nakapatong sa balikat ko. Napangiti lang ako sa tanong niya at hinawakan ang kamay nito upang umikot siya at umupo sa tabi ko.
"Wala lang gusto ko lang sumabay kay Tita.." ani ko at hiniga ang ulo sa balikat niya at palihim na pumikit. Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya minulat ko ang mata ko at tumingin sa kanya."Babe masaya ka ba na kasama ako?" tanong nito sakin, umayos ako ng upo at tumingin sa kanya ng seryoso.
"Hindi." sabi ko sa kanya, nakita ko ang lungkot sa mukha niya kaya.
"Hindi ako masaya kasi masayang masaya ako na andito ka at kasama kita ngayon." sabay yakap sa kanya galing sa gilid, lumiwanag ang mukha nito at ngumiti.
"Talaga?" Siniseguradong tanong sakin, tumango lang ako sa kanya at humilig sa balikat nito.Kakatapos lang naming kumain kasama si Tita Mel.
"Grabe Tita ang sarap ng luto mo." sabi ko kay Tita na humahawak sa tyan ko. Narinig kung tumawa si Jack kasunod non ay si Tita kaya nangunot ang noo ko at tumingin sa kanilang dalawa.
"Bakit?" nagtataka kung tanong, bakit sila tumatawa kainis naman baka may dumi ang mukha ko.
"Haha ija your so cute." natatawang sabi ni Tita na tumingin kay Jack kaya sa kanya ako napabaling ng tingin."Hahaha sorry kasi ang cute mo kanina babe, para kang hindi nakakain ng ilang araw haha." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya kaya pinalo ko siya sa balikat.
"Sira ulo mo, eh sa nasarapan ako eh walang pakialamanan." at uminom ng tubig."Oh sha tama na yan mauna na ako sa inyo kasi may lakad pa ako kayo muna ang bahala sa bahay." paalam ni Tita at tumayo upang halikan kami sa pisngi ni Jack.
"Ahh cge po magingat po kayo." sabi ko rito na may ngiti sa labi,
"Take care mom Ok." at tumayo ito upang ihatid ang ina sa sasakyan para sigurado.Pagkatapos kung ligpitin ang mga pinagkainan ay dumeretso ako sa organ na madalas kung tingnan at una kung natugtogan. Hindi pa man ako nakakaupo ay may kamay na humawak sakin kaya napangiti ako at napalingon sa kanya.
"Pwede ba akong tumogtog kahit sandali lang babe." pagpapaalam ko sa kanya na tumango lang at inalalayan akong umupo at umupo rin ito sa tabi ko.
"Just play I will watch you." sabi nito na nakapatong ang siko sa bahagi ng organ at tumingin sakin, naiilang man ngunit sinimulan ko ng tipahin ang mga pyesa at sinimulang kumanta.Ako ay nagbalik at muli kang nasilayan hindi na ako muli pang lilisan..dahil kung ikaw ang yakap ko
parang yakap ko ang langit ang yakap mo't halik~ at yung ngiti..Pagkatapos kung kantahin ang linyang yun ay tumingin ako kay Jack na seryosong tumitig sakin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya, umiling lang ito at mabilis na inangkin ang mga labi ko, ramdam ko ang pananabik at pagmamahal sa bawat halik niya kaya tinugunan ko ito.Humiwalay siya sa halik at pinagdikit ang mga noo namin.
" Bakit ba ganyan ka? Sa araw-araw na nakikita kita ay parang unang kita pa lang natin at ma's lalo akong nahuhulog sayo." Napangiti ako sa sinabi niya at yumakap sa kanya.
" Hindi ko alam ang alam ko lang ay mahal kita at ikaw ang nagpapatibok ng puso ko dahil sa
pagmamahal mo." matapos kung sabihin yun ay naramdaman ko na yumakap rin siya pabalik at doon bumuga ng hangin.
"Sakin ka lang ok hindi mo ko iiwan Zet." sabi nito sakin at napapikit ako dahil naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso niya.
"Oo sayong sayo lang ako Jack at hanggang makakaya ko hindi ako mawawala sayo." sana nga aayon satin ang tadhana at mananatiling ganito tayo Jack.Hapon na ng maihatid ako ni Jack sa bahay lumabas na ako sa kotse, hindi ko na hinintay pa si Jack na pagbuksan ako kung kaya ko naman. "Bakit ka lumabas?" tanong nito sakin na naniningkit ang mga mata, tumawa lang ako sa reaksyon niya at hinagod ang isang kamay sa mukha nito.
"Haha babe tinatanong pa yun?
Alangan naman na maghintay pa ko na pagbuksan mo eh sa kaya ko naman." sabi ko rito na ngumuso lang haha nagpapakitang gilas ang babe ko. "Eh gusto ko lang naman na ako yung magbukas sayo babe." nakasimangot parin na sabi nito, kaya tumingkayad ako at niyakap siya. "Masyado ka ng matangkad babe di na kita abot haha saka Ok lang naman sakin na hindi mo ko pagbuksan hindi naman mawawala ang pagmamahal ko sayo." ani ko at hinalikan ang tungki ng ilong nito. "I love you babe." nakangiting sabi nito na dahilan ng pagkiliti ng puso ko. "I love you too." sagot ko rito at ngumiti.
"Sege papasok na ako umuwi ka na rin at magpahinga ka na ok." sabay pisil sa kamay nito at nagsimula na akong maglakad papasok sa bahay, binuksan ko na ang pinto at handa ng pumasok ng tawagin niya ako.
"Babe!" lumingon ako sa kanya na may pagtataka, "I'll text you later Ok" nakangiti nitong sabi sakin ngumiti lang ako bilang sagot at naglakad na ito papasok sa kotse at pinaharorot paalis ang sasakyan.
Nanatiling nakatayo ako sa pinto at tinatanaw ang papalayo nitong sasakyan, mahal ko si Jack mahal na mahal talaga at hindi ko kayang mawala ulit siya sakin kung si Bea ang hahadlang samin sorry Bea pero lalabanan kita sa abot ng aking makakaya kahit kapalit pa non ang buhay ko gagawin ko.SONG: (Yakap by: Junior)
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...