Jack POV:
Matapos kung makita si Zet na nabagok sa isang malaking bato ay kaagad ko siyang tinakbo. Lumuhod ako sa gilid niya at hinawakan ang ulo nito, naramdaman kung basa ito at medyo malapot kaya kaagad kung sinilip ang kamay ko at ng makita kong dugo iyon ay nandilim ang mga mata ko sa galit.
"Anong ginawa mo?" mahina ngunit may diin ang pagkakasabi ko kay Bea. Sa oras na wala akong narinig na sagot galing sa kanya ay nilingon ko siya at doon ko nakita ang pamumutla at pangangatog ng kamay at tuhod nito. "SAGUTIN MO KO BAKIT!" kumuyom ang mga kamay ko habang hawak si Zet. "I'm sorry..h-hindi ko si..nasadya." parang wala sa sariling sabi nito at parang bata na natatakot. Pinangko ko si Zet at tatakbo na dahil sa dami ng dugo na nawawalan sa kanya ng magsalita ulit si Bea. "Jack, bakit ba hindi nalang ako? Iwan mo na siya ako na lang..ako na lang Jack!" desperadong saad nito dahilan para mabilis ko siyang lingunin at sagutin. "Kahit kailan hindi kita minahal, kahit kailan wala akong mararamdaman sayo tulad ng nararamdaman ko sa babaeng karga-karga ko ngayon. Kung may mangyaring masama sa kanya hindi ko alam ang gagawin ko sayo Bea..HINDI KO ALAM!" at tumakbo na ako upang madala si Zet sa malapit na hospital. Marami na ang dugong nawala sa kanya, nagsimula ng manubig ang mga mata ko dahil sa takot at sakit.
"Babe please hold on, Wag mo kung iwan wag ngayon Zet. I'm so sorry alam kung walang kapatawaran ang paulit-ulit na sakit na naidulot ko sayo patawad babe patawad." at doon na sunod- sunod na tumulo ang mga luha ko.Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito sa hospital, pero wala na akong pakealam ang nasa isip ko lang ngayon ay ang mailigtas si Zet. " Stretcher!! Tulong! Tulong!" sigaw ko ng makapasok ako sa loob ng hospital, at hindi ako nabigo dahil kaagad na may nurse na nagdala ng stretcher mabilis na pinahanda ang operating room at tinawag ang doctor. Mabilis kung inilapag si Zet sa stretcher at doon napuno ang pag-aalala at takot ko ng mabilis na bumakat ang maraming dugo sa puting tela ng stretcher. "Dito nalang po kayo sir, bawal po kayo sa loob." hindi ko namalayang nakarating na kami sa operating room, tulala at may takot ang dibdib sa kung anong kahihinatnan ng accidente kay Zet. Tumingin ako sa nurse at nangungusap ang mga mata, "Please papasukin niyo na ako, gusto ko siyang makita please papasukin niyo na ako." pakiusap ko rito. "Hindi po pwede maghintay nalang po kayo sa labas hanggang sa matapos kami sa operasyon." at sinarado ang pinto nito kaya wala na akong nagawa kundi ang malamyang umatras at umupo sa upuan at hinintay ang paglabas ng doctor.
Lumipas ang isang oras ay hindi parin lumalabas ang doctor or nurse sa operating room. Tumayo ako sa pagkakaupo at pabalik balik na naglalakad sa espasyo sa labas ng kwarto. Nanumbalik ang kaba, sakit at pagaalala ko para kay Zet maraming dugo ang nawala sa kanya kaya naiintindihan ko kung mahirap ang operasyon. Nagpabalik balik ako ng lakad ng biglang makarinig ako ng tunog ng pagbukas ng pinto, kaya mabilis akong lumapit at kaharap ko na ang doctor na mismong nagamot kay Zet. "Kamusta po?" mabilis at may halong pag-aalala sa boses ko.
"To tell you the truth, she's not ok.
Maraming dugo ang kailangan isalin sa kanya lalo na at sa ulo pa yun nangaling." sabi nito na dahan-dahang lumalakad habang nangangatog ang mga paa ko at dahilan ng pagupo ko sa upuan.
"Ano pong pwede kung gawin doc?
Please gawin niyo ang lahat magising at maging ok lang siya." deretso at may pangungusap sa ani ko sa doctor, tumingin ako rito at tumayo. "All you have to do is to find a compatible blood donor for her, and I will try my best to save her, tatapatin na kita delikado ang sitwasyon niya at may posibilidad na magkaroon siya ng amnesia kaya ang magagawa natin sa ngayon is to pray ahm mauuna na ako Excuse me." at umalis na siya sa harapan ko, nanubig ang mga mata ko dahil sa bigat ng dibdib ko. Nakokonsensya ako oo hindi ako ang dahilan ng aksidente pero ako ang nagdulot sa kanya ng subrang sakit. Tinuyo ko ang mga luha na kanina pa tumulo, at nanlilisik ang mga matang tumingin sa pinto ng operating room. I will pay you Bea for making Zet suffer, she doesn't deserved this kind of treatment especially when it comes from you.
Tumayo ako at lumapit sa pinto at tinanaw ang babaeng mahal ko na nakaratay sa hospital bed at maraming nakakabit na tubo sa katawan, hindi ko kaya na nakikita kang ganyan Zet gagawin ko ang lahat maging maayos ka lang.
Matapos kung tingnan siya ay umalis ako dahil may importante akong bagay na gagawin sa ngayon.Bea POV:
Nakatulala akong naglalakad pabalik sa isla matapos ang accidenteng nangyari. "No, its not my fault its her fault because ginalit niya ako yes its not my fault not my fault." nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko namalayang nakarating na ako sa cottage na inuukyupahan ko.
"Bea" nilingon ko ang pamilyar na Bose's na tumawag sakin.
"What?" may pagkairita na sinagot ko siya, "Sarah.. anong ginagawa mo dito?" nagulat ako dahil sa reaksyon ng mukha niya.
"Nasaan si Zet? Hinanap ka niya bakit wala pa rin siya, and andito ako kasi cottage ko rin to remember?" sunod-sunod na ani nito sakin, "I don't know where she is, magisa lang kong bumalik dito." pinanatili ko ang inocenteng mukha sa harapan ni Sarah. "Paanong ikaw lang hinanap ka niya sa liblib na gubat na yun tapos sasabihin mong hindi mo alam anong klaseng kaibigan ka huh, At ano to bakit may bahid na dugo yang suot mo?" may pagtatakang hinawakan niya ang laylayan ng suot kung damit, napatingin ako doon at nagulat kaya mabilis kung inalis ang kamay niya don at tumalikod sa kanya.
"Wala namamalik mata ka lang, at Sarah kahit kailan hindi ko tinuring na kaibigan ang babaeng yun matapos niyang agawin sa kin si Kev, maliligo lang ako last day na natin kaya mag-ayos ka narin." akmang tatalikod na ako ng hawakan niya ang pulsohan ng kamay ko.
"Bea ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati, hindi ka nananakit ng tao tulad ng ginawa mo samin ni Zet bakit nagiba ka Bea!" hindi ko pinansin ang sinabi niya at tumalikod na sa kanya, "People Change Sarah at ganon ako ngayon." at mabilis na pumasok sa banyo at naglabas ng malalim na hininga pagkatapos ay hinubad ang suot kung damit na may bahid ng dugo.
"Shit that was close..hindi ko hahayaang pati ang tiwala ni Sarah sakin mawala dahil sa malanding babaeng yun." mabilis kung hinugot ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. "Hello I need your help, can you do me a favor my beloved Ex." may halong sarkastikong sabi ko sa huling salita. "Bea ano na naman yun? Malapit na akong mapahamak dahil sa unang pinagawa mo thanks to my connections." ani nito sakin na nagpalisik sa mata ko, hambog pa rin tsk jerk kung hindi lang kita kailangan hindi ko to gagawin. "Yeah whatever kaya nga ikaw ang nilapitan ko kasi you have many connections kaya tulongan mo ako." may pinalidad na ani ko sa kabilang linya at sinimulang sabihin ang pinapagawa ko. Maghintay ka Kev magiging akin ka rin dahil simulat sapol akin ka talaga at si Zet mawawala sa landas natin dahil Hindi ko hahayaang maging sagabal siya sa plano ko haha maghintay ka lang.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...