Jack POV:
Pagkatapos ng pangyayaring aminan samin ni Zet kahapon ay para akong lumulutang sa ulap dahil sa subrang sayang naramdaman ko. Hindi ko inakala na mamahalin niya rin ako, sa pagiging playboy at loko-loko kung pagkatao ay may isang tao parin palang magmamahal sakin ng totoo. Pagkatapos kung magliwaliw sa mga pangyayari ay mabilis kong tinawagan ang taong inutosan ko upang ipakulong ang bumaboy kay Zet, hindi ko papalampasin ang ginawa niya at ang ginawa ni Bea.
Bumabyahe ako papunta sa bahay nila Zet, dahil may usapan kami na pupunta kami sa butterfly garden bago ko siya inihatid sa kanila, nakasuot lang ako ng simpleng maong pants at black v-neck shirt at nakashades para dagdag pogi points sa maganda kung nobya haha. Nang makarating ako sa kanila ay kaagad kung inayos ang suot at mukha ko sa rear view mirror at ng makontento ako kay kaagad akong lumapit sa pinto at kumatok. Ngumiti ako kay Tita Carrie ng pagbuksan niya ako ng pinto, "Magandang hapon po Tita Carrie." sabay ngumiti sa kanya ng napakatamis. "Oh iho magandang hapon rin sayo, halika maupo ka muna habang hinihintay ang nobya mo." Nakangiti siyang niluwagan ang pinto upang makapasok ako at giniyahan sa pag-upo, nagulat ako kung bakit alam nito ang relasyon namin sinabi kaya ni Zet? "Alam niyo na po Tita?" Nahihiyang tanong ko rito. "Haha oo iho alam ko kasi na nung gabing pinaalam mo sakin ang nangyari ay alam kung may namamagitan sa into ng anak ko, kaya pagkauwi ni Zet kahapon ay napaamin ko siya kaya alam ko na kayo na talaga." matamis ang halik na ginanti ko sa kanya, "Salamat po kung pabor kayo sakin para sa anak niyo salamat po." Napangiti siya dahil sa sinabi ko. Napatayo ako galing sa pagkakaupo ng makita ko si Zet na naglalakad papalapit samin na nakasuot ng black simple dress, napangiti nalang ako dahil sa kaparehong kulay ng damit namin. "Kanina ka pa ba?" Tanong nito sakin na nakatingin sa mukha ko, mabilis na kumorba ng ngiti ang mga labi ko, "Hindi naman kararating ko lang din diba Tita?" kumindat ako kay Tita dahilan para mapailing ito at tumawa, "Sege maiwan ko na muna kayo at may gagawin pa ako, Jack alagaan mo ang anak ko at iuwi mo yan ng maaga." "Opo Tita makakaasa ka po, walang gagalaw sa anak niyo dahil basag ang mukha nila kung ganon." napangiwi ako ng pisilin ni Zet ang gilid ko, napatingin ako sa kanya ng masama ngunit para lang itong walang ginawa dahil sa inosenteng mukhang nakangiti kay Tita. Humanda ka mamayang babae ka at napangiti ako sa inasal at iniisip ko, "Sege umalis na kayo baka maabutan pa kayo ng gabi." "Sege ma uuwi po ako ng maaga." Sabay lapit kay Tita at humalik sa pisngi nito, tumingin si Tita sakin at tumango ako bilang sagot sa tingin niya.
Mga alas 2 pm kami dumating sa butterfly garden , hindi namin inaasahan na maraming mga tao ngayon. "Babe please wait for me here, I will talk to the manager to have a VIP tour here. " maglalakad na sana ako papunta sa may opisina pero pinigilan ni Zet ang kamay ko, "Jack huwag na8, mas masaya kung sasabay tayo sa mga tao diba?" matamis na ngumiti ito sa akin na nagpangiti sakin ng malapad. This girl amused me every time, "I love you." bulong ko sa tenga niya at tumingin sa mga mata niya. Ngumiti ito at tumingkayad at ninakawan ako ng halik sa labi, kumunot ang noo ko sa inasal niya. "Is this your way to say I love you too? Very Impressive babe." At inikot ang mga mata , pinalo niya ang balikat ko at tumawa." Haha babe of course I love you too but remember action speaks lauder than words." at hinila ako papasok sa butterfly garden, napailing akong tumitingin kay Zet na pangiti-ngiting tumitingin sa mga paro-paro na lumilipad at dumadapo sa kamay at buhok nito. Napangiti ako ng may naisip gawin, "Babe come here!! Faster" pasigaw kung sabi sa kanya ng makalayo ito sakin, "What? I'm busy" sigaw niya ring sagot sakin na inaaliw ang sarili sa paglalaro sa ibat-ibang paro-paro, umiiling akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nito at hinila siya papunta sa pinakamataas na parte ng garden. "Jack anong gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong sakin at tumingin sa paligid, napanganga ito ng makita ang makukulay na paro-paro. "Jack oh my god ang ganda dito.." hindi makapaniwalang tumitingin sakin, alam kung ganyan ang magiging reaksyon niya. "Surprise.." Sabay taas ko sa dalawa kung kamay, natawa siya sa ginawa ko. "Thank you" at mabilis tumingkayad upang mayakap ako. "Nagustohan mo ba babe?" sabay pisil ko sa dalawang pisngi nito, " ngumuso ito at umiling. "Bakit ayaw mo rito?" Kumunot ang noo ko dahil sa hiya, " Because I love It!!" Kumikinang ang matang tumingin sakin at hinila ako papalapit sa gitna at doon nagaliw.
Bandang alas kwatro na ng hapon ay nag-aya na si Zet na kumain, "Jack kumain na muna tayo nagugutom na ako eh." nakangusong hinawakan nito ang tyan niya. "Haha para ka kasing bata kakalaro sa mga paro-paro ayan tuloy gutom inabot mo." natatawang sabi ko sa kanya, to too naman kasi kung makangiti parang sira pero mahal ko parin siya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinulupot sa bewang ko at ngiting inalalayang lumakad papunta sa kotse, nang makapasok na kami sa sasakyan ay pinaharorot ko ito papunta sa malapit na restaurant. "Babe saan mo gusto rito?" Tanong ko sa kanya habang tumitingin sa mga restaurant, "Ahh Jack pwede bang ipabalot nalang natin at doon tayo kakain sa may dalampasigan kung OK lang sayo." tumingin siya sakin na may nagsusumamong mga mata. "OK wait for me here, I'll just buy our food." Ngumiti ako sa kanya at lumabas sa sasakyan upang bumili ng makakain.
Nasa byahe na kami papunta sa manila bay upang doon kumain, " Sana maabutan pa natin ang sunset.." sabi ni Zet na tumitingin sa may dagat, kaya pala gusto niya rito "Babe do you want to see the sunset everyday?" Tanong ko rito na ikinagulat niya, tumingin siya sakin at tumango-tango. "Wag kang mag-alala sasamahan kita araw-araw at sabay nating titingalain ang paglubog ng araw." ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang noo niya, "Jack thank you, thank you for everything saka promise mo yan huh araw-araw Jack." Tumango ako bilang sagot at iniliko ang sasakyan nagpatuloy ako sa paghahanap ng tamang lugar upang makapwesto kami ng maayos. "Andito naba tayo Jack?" napapikit ako dahil sa panay na pagtawag niya sa pangalan ko, babe kasi Zet babe..isa pa talaga." Oo bumaba ka na at kakain na tayo." "OK" sagot nito at bumaba sa sasakyan at sinundan ako sa compartment upang kumuha run ng mga pagkain, "Jack pakikuha nalang ang blanket please." tumingin ako sa kanya at naningkit ang noo dahil sa pagtawag niya sakin, hinawakan ko siya sa braso at inihilig sa likod ng sasakyan "Teka..anong ginagawa mo?" nanginginig ang kamay nito at Hindi makatingin sakin, "Alam mo bang kanina pa ako nagtitimpi sayo huh Zet Xhian Sandoval?" "Bakit na na man?" tanong nito sakin na kumunot ang noo. "Diba BABE KASI... kanina ka pa Jack ng Jack ayaw ko non kaya please Lang babe nga kasi.." Napapikit na ako dahil sa inis pero ma's napapikit ako ng halikan niya ako sa labi ng matagal, ramdam ko ang pagmamahal sa bawat halik nito sakin, naglayo ang mga naglapat naming labi at tumingin sa isat-isa. "Kahit ano pang itawag ko sayo Hindi magbabago ang tingin at nararamdam ko para sayo, Ikaw ang lalaking mahal ko kahit na loko at playboy ka ikaw parin ang nilalaman nito." At tinuro into ang dibdib niya, napangiti ako sa sinabi niya at mabilis na inangkin ang mga labi niya na kaagad naman niyang tinugunan, na nagpatalon at nagpatibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...