A|N: I'm sorry how the way I write the story. Just please continue reading if you like my story.😊Jack POV:
Maaga kami ni kuyang pumunta sa school gym para sa surpresang gagawin ko para kay Zet. Kaya wala ako kahapon buong araw dahil pinagplanohan ko ang gagawin kong paghingi ng sorry kay Zet. Kasama ko si kuya na nag-aayos sa mga bulaklak at mga balloons dito sa gym.
"Ano Jack ok na ba to?" tanong ni kuya sakin, tumingin ako sa kanya na nag-aayos sa mga balloons na kurba puso. Napangiti ako dahil ang mga balloons na yun ay may maliliit na ilaw sa loob.
"Oo ok na yan..maganda salamat." Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nito.
"Crap that thank you, of course I will help you bro." Kumindat siya sakin at ngumiti ng napakalapad, loko-loko kami kung magusap pero alam naming dalawa na important kami para sa isat-isa.
" Magmadali na tayo baka pumunta na dito yung inutosan mong magbantay sa gate." kaya bumalik na ako sa pwesto at inayos ang mga bulaklak, hindi nga nagkamali si kuya at may isang lalaking tumatakbo papunta dito.
"Jack dumating na si Zet, naguumpisa ng magbigay ng mga rosas ang mga inatasan mo papunta rito." deretsong sabi nito at hinihingal pa, biglang kumalat ang kaba at takot sa buo kung sistema.
"Sege salamat, kuya tara na at pumwesto." halata ang kaba sa mukha ko kaya ayun si kuya palihim na tumatawa.
"Bakit kasi maagang tinamaan ni kupido yang puso mo." naningkit ang mga mata ko dahil nangaasar na naman to, tumawa lang ito ng tumawa.
"Huwag kang lalapit sakin kapag ikaw ang tinamaan itaga mo yan sa bato Zack." seryoso kung sabi na may halong pananakot. Itinaas lang nito ang kanang kamay at nagpatuloy sa paglalakad.
"Whatever Zack, let's just focus on this one, kapag ito pumalpak bye bye nguso ka talaga." at nagpatuloy na kami at hinihintay na dumating si Zet sa entrance ng gym.Zet POV:
Kakapasok ko pa lang sa gate ng Lake ay may nararamdaman na ko na kakaiba. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa hallway at may isang lalaking nagabot ng isang rosas.
"Para sa akin to?" nagtataka kung tanong sa kanya, ngumiti lang ito at binigay ang rosas kaya tinangap ko nalang ang weird niya.
"Salamat." nagpatuloy ako sa paglalakad habang tinitingnan ang rosas, bakit kaya binigay to sakin?
"Ate pinabibigay po." may isang babae ang lumapit sakin halatang nasa lower grade siya at binigay rin ang isang rosas. Kumunot ang noo ko dahil nalilito ako kung bakit nila ako binibigyan ng rosas eh hindi naman araw ng puso ngayon.
"Talaga bang para sakin to?" tanong ko sa kanya, tumango lang ito at ngumiti.
"Ok salamat." Napipilitang tinangap ko ang bulaklak, anyari sa mga tao ngayon.
Nagpatuloy ang pagbibigay nila ng rosas sa katunayan ay anim na rosas ang bitbit ko galing sa mga estudyante dito sa Lake.
Dadaan na sana ako sa gym papunta sa room ko ay may isang lalaking nagbigay ulit sakin ng rosas. Na naman? sino ba ang nagpapabigay nito at bakit napakarami?
"Ate pumasok ka raw sa loob ng gym may naghahanap sa inyo kanina pa." sabi nito at inilahad ang kamay upang mauna ako sa paglalakad, ewan ko pero parang may sariling buhay ang mga paa ko dahil naglalakad na ako papalapit sa gym. Patuloy ako sa paglalakad ng maisip ko kung sino ang naghahanap sakin, at may pakulo pang ganito pag talaga hindi to importante magaaksaya lang ako ng oras dito. Lumingon ako sa likuran ko upang tanungin kung sino ang naghahanap sakin ngunit wala na ito.
"Saan nagpunta yun?" nagtatakang tanong ko sa sarili, ang weird ng mga tao ngayon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at papalapit na ako sa entrance ng gym, agad kung napansin ang kabuuan ng gym.
"Bakit parang ang tahimik at bakit may mga takip ang gym?" nagtatakang sabi ko sa sarili, napailing-iling na lang ako at pumasok sa entrance ng gym hindi pa ako nakakahakbang papunta sa gitna ay may tumugtog na gitara at kasabay non ay ang malamig na boses na nagpakilabot sa buo kung sistema. Napatingin ako sa stage kung saan napapalibutan ng mga balloons at mga bulaklak na sa tingin ko ay kurba puso, at sa gitna non ay ang lalaking napakagwapo sa puti nitong polo at black maong pants.You were just a dream that I once knew I never thought I would be right for you..I just can't compare you with anything in this world your all I need to be with you forever more..
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...