Sarah POV:Hi fellas, Sarah Labrador pala a 16 years old student and I'm the very hyper friend of Zet and Bea. And speaking of my two beautiful friends, parang may tensyon silang dalawa kahapon ko pa ito napapansin pero ayoko na paguspan baka magkainitan pa ito, at who knows baka may problema lang sa family or moodswings. "Helloooo.. my two friends earth to, saan ba kayong planeta dumako at pareho kayong wala sa mundong to?" basag ko sa tensyon at katahimikan namin dito sa may cafeteria. Pareho silang bumalik sa ulirat at tumingin sakin at inisahan ko lang ng kilay, oh taray ng lola niyo..haha. Pero seryoso na,nakataas parin ang kilay ko na nakatingin sa kanila ng galit-galitan, "Ahh..sorry Sarah marami lang kasi akong iniisip , alam mo na sa bahay , school at lalo na sa bago kung trabaho diyan sa may convenience store." sabi nito sakin na nakasimangot, hmm totoo ba talaga? "Totoo?" paninigurado ko .."Oo promise" sabay taas ng kanang kamay para mangako, ok yun naman pala kay napatango-tango ako sa kanya at binalingan ko si Bea na nakatingin lang sa phone nito. "At ikaw my friend Bea, anong rason mo at kanina ka pa tumitingin sa phone mo at pagiging tulala mo?" tanong ko sa kanya at hinihintay siyang sumagot, "Ahh nothing Sar, I'm just waiting to tita Key's call..its very important issue thats why I'm out of my mind this past few days sorry." seryoso nitong saad sakin na hindi tumitingin sa mata ko at bumalik sa pagtingin sa phone, Yun lang ba talaga ang rason Bea..or mas mahalaga pa sa sinabi mo? Kilala ko siya kapag nagsisinungaling , hindi siya tumitingin sa mga mata ko.
Pagkatapos ng pagtatapat nila sakin kanina ay pumasok na kami sa Science subject namin at napapansin kung panay ang tingin ni Zet sa orasan ..para bang hinihintay ang oras ng labasan. Dahil sa pagsulyap ko kay Zet napansin ko si JK , *yes JK close kami eh haha pinaikli ko lang ang pangalan niya na Jack Kevin kayo talaga, * back to topic yun nga, nakita ko siya na pasulyap-sulyap kay Zet na panay ang tingin sa relo nito ..hmm smell something fishy sa dalawang to. Binalik ko nalang ang tingin ko sa harapan at nagfocus baka ako pa ang mabuang sa kakaisip kung anong meron. *Kring~ Kring~* kaagad kung inayos ang gamit ko pagkarinig ko sa tunog ng bell, at nagulat ako na mabilis pa sa alas kwarto kung lumabas si Zet.
Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng magsalita si Bea na ikinatigil ko, "Sar mauuna na ako sayo huh, may kailangan pa kung puntahan text nalang kita pagkauwi ko bye." paalam nito sakin at mabilis na lumabas sa silid, napatingin ako sa pinto na nilabasan nila at napapaisip kung anong ganap ngayon at bakit ang wierd ng mga kaibigan ko..Pagkatapos kung masigurong wala akong nakalimutan ay umalis na rin ako sa room at umuwi na may palaisipan sa utak ko.
Zet POV:
Pagkatapos ng accidenteng nangyari samin ni Jack sa music room, ay pinilit ko ng isawalang bahala ang nararamdaman ko para sakanya. Tama lang ang naging desisyon ko dahil napansin kung ang lamig ng pakikitungo sakin ni Bea , naiintindihan ko naman ang rason niya kung bakit siya ganito sakin ngayon.
At yung samin ni Jack kakalimutan ko na yun, at hindi ko na siya pinapansin sa lahat ng subjects namin at tinuturing hangin lang siya. Ok na yun kaysa mabuang ako kakaisip kung ano ang gagawin ko, lalo na ngayon na natanggap ako bilang cashier diyan sa malapit na convenience store.. kaya magiging abala na ako at hindi ko na siya maiisip pa.
Pagkatapos ng unang subject namin ay dumeretso kami ni Sarah at Bea sa cafeteria para bumili ng makakain, pagkatapos naming makabili ay umupo kami sa lamesa malapit sa may field. Tahimik kaming kumakain..napapansin ko si Bea na panay ang tingin sa cellphone at malamig na pakikitungo sakin, kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain at tumingin sa kawalan dahil sa maraming pumapasok sa isip ko. Sa pagiging tahimik namin ay biglang nagsalita si Sarah na ngayon ko lang nabigyan ng pansin, "Helloooo.. my two friends earth to, saan ba kayong planeta dumako at pareho kayong wala sa mundong to?" putol niya sa katahimikang namagitan saming tatlo at tumingin samin na nakataas ang kilay.. "Ano wala kayong balak sabihin? Naglilihim na kayo sakin, ganyanan na pala ngayon sorry huh hindi ako naorient." dahil sa sinabi ni Sarah ay nakokonsensha na ako kaya sinabi ko ilang mga rason ko, maliban sa rason tungkol kay Jack.
"Ahh..sorry Sarah marami lang kasi akong iniisip , alam mo na sa bahay , school at lalo na sa bago kung trabaho diyan sa may convenience store." seryoso kung sabi sa kanya na ang mukha ay humihingi ng tawad, napabaling ako kay Bea ng tumingin rito si Sarah. "At ikaw my friend Bea, anong rason mo at kanina ka pa tumitingin sa phone mo at pagiging tulala mo?" nakatungo ako sa pagkain at hinihintay ang sagot ni Bea, "Ahh nothing Sar, I'm just waiting to tita Key's call..its very important issue thats why I'm out of my mind this past few days sorry." napakapormal na sabi nito sa kaibigan, pagkatapos ng aminan ay palihim akong tumitingin kay Sarh dahil nakokonsensha ako. *Sorry Sarah hindi pa ako handang sabihin sayo ang tungkol samin ni Jack sorry.* sabi ko sa isip ko at mabilis na inubos ang pagkain dahil malapit na ang susunod naming subject.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...