Cold Treatment (CHAPTER 8)

54 1 0
                                    

Zet POV:

       Habang kumakain ay panay ang salita ni Tita Mel tungkol sa pagiging magkasintahan namin. "Mabuti nalang at nakahanap na itong anak ko ng mamahalin, akala ko nga bakla na to eh hahah" tawang tawa na sabi nito na palipat lipat ang tingin sa amin, "Kaya nagdesisyon kaming ipaka.." "MOM!!!" nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw ni Jack at pinutol ang salita ng  ina, walang modo pati sariling ina binabastos tsk. "Jack!! wag mong tinataasan ng boses ang mommy mo!" seryosong wika ng daddy nito , napatungo nalang siya .." Sorry mom, I dont mean to shout at you sorry." nanatiling nakayuko ang ulo nito na humihingi ng tawad. Napuno ng tensyon ang buong hapag kainan ng magsalita si Tita Mel, "haha Zet iha pagpasensyahan mo na tong anak ko..saka its ok son and im sorry because I cant control my mouth to speak." nakangiting saad nito sa akin at sa anak. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na si Tita Mel upang magpahinga dahil mashadong napagod ito kakakwento kanina, naguusap si Jack at ang daddy niya na may ngiti sa mukha..napaiwas ako ng tingin sa kanya baka tumibok na naman tong walangya kong puso.
Maya't-maya ay nagpaalam na sa amin si Tito Chris dahil may kailangan pa itong puntahan, nanatili akong walang imik dahil ayokong kausapin ang lalaking to.
"Hintayin mo muna ako rito , pupuntaha  ko lang muna si mommy upang makapagpaalam." seryosong sabi nito na nakatingin sa akin na tinunguan ko lang, alam kung nahihiwagaan siya sa trato ko sa kanya ngayon,pero wala siyang magagawa ..ginagawa ko lang to para pigilan ang nararamdaman ko sa unggoy na to. Umakyat na siya sa taas.. Inilibot ko ang tingin sa buong bahay, napakaganda ng lugar may malalaking pictures sa dingding, magandang mga pintura at iba pa ..nakakamangha ang buong bahay. Maglalakad na sana ako papunta sa may veranda..ng makita ko ang isang organ sa isang gilid malapit sa mga picture frames, matagal na nong nakapagtugtug ako ng organ at kumanta. Lumapit ako don at umupo ng maayos, hinawakan ko ang takip nito at sinimulang tumugtog, " Bat hindi papatulan ang pagsuyong nagkulang sayo'y umaasang hilaga't kanluran, ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo~~ ako ang sasagip sayo..woah ~~ " nakapikit ang mga matang kinakanta ang linyang yun isa yun sa mga kanta na paborito ko, namiss ko ang tumugtog at kumanta ..sa 3 taon kong pagbabago tinigil ko ang talento ko pero hindi parin nawawala ang interes ko sa musika. "Magaling ka palang tumugtog at kumanta huh!" hindi makapaniwalang tanong nito, tumingin lang ako sa kanya at tumayo.."Aalis na ako, salamat sa pagsama dito at pakisabi kay Tita umuwi na ko." Aalis na sana ako ng pinigilan niya ang kamay ko, napatingin lang ako sa kanya na blangko ang mukha. "Ihahatid na kita Zet, sinabi ko sa nanay mo na ako ang hahatid sayo pauwi..kaya tara na!" hila nito sa akin ngunit binawi ko lang ang kamay ko na hawak niya at tumingin sa paligid kung may tao ba o wala, ng mapagtantong wala ng tao tumingin ako sa kanya, "Wala ng tao Jack , hindi ko na kailangang magpanggap pa..aalis ako ng MAG-ISA ibig sabihin uuwi akong walang kasama kaya hayaan mo na ako , ako ng bahalang magpaliwanag kay mama." tinalikuran siya at lalabas na ng bahay ng bigla niya  akong binuhat na parang bigas na ikinagulat ko."Kyaaah!!! Ano ba Jack ibaba mo ko!!! Ano ba!!" tili ko habang pinapalo ang likuran niya, "Huwag kang maingay natutulog si mommy." nagpatuloy siya sa paglalakad na parang walang  binubuhat na tao.."Huh!! FYI MR. FORD ANG LAKI NG BAHAY NIYO ESTE MANSYON, PAANO TAYO MARIRINIG NI TITA ABER? TSK HELLO MANSYON YAN HINDI KUBO." sarcastikong sabat sa kanya at pinagpatuloy ang pagpapalo sa likuran nito. Nakahinga lang ako ng maluwag ng ibaba niya ako , inayos ko ang nagusot na damit dahil sa pagkakaalsa ng hinayup na to. Tiningnan ko siya at nang makitang abalang-abala ito sa pagbukas ng pinto sa sasakyan ay tatakbo na sana ako ngunit, "Hep Hep!! at saan ka pupunta.." nakakunot ang noong iniharang ang dalawang kamay sa tatakbohan ko , huh ang galing ng tyempo ah.."Uuwi san pa ba." walang gana kung sagot sa kanya, "Alam mo kanina ka pa huh! akala mo hindi ko nahahalata ang pagiging walang imik mo at malamig na pakikitungo sa akin!" naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin.."Bakit? Ano bang gusto mo , tawagin kitang babe sa hapagkainan at susubuan pagkatapos ay sabay tayong uupo sa sofa upang magpahinga..ganon ba??" sarcastiko kung tanong sa kanya, napatigil siya dahil sa sinabi ko. "Tandaan mo Jack nagpapanggap lang ako, at saka hindi naman tayo magkaibigan..you are still a stranger to me ." At mabilis na naglakad sa may kalsada at pumara ng taksi at sumakay.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon