Jack POV:Pagkatapos ng klase ay kaagad na lumabas si Zet sa silid, alam kung kanina pa siya kating-kating lumabas dahil sa panay na pagtitig ko sa kanya. Mabilis ko siyang sinundan paglabas nito at palihim na sumasabay sa kanya sa paglalakad, mabilis akong nagtago sa may kahoy malapit sa batibot dahil bigla nalang itong huminto. "Ano bang ginagawa ng babaeng to?" bulong ko sa sarili na nanatiling nakatingin sa kanya sa gitna ng batibot. Bigla nalang itong pumikit at nilalanghap ang malamig at sariwang hangin na dumadampi sa buo nitong katawan, napatingin ako sa mukha nito..napakaganda niyang tingnan sa posisyon na yun , ngayon ko lang nakita ang halaga niya sakin natatakot akong mawala siya. Pumokaw sa aking pansin ang babaeng papalapit kay Zet, "Ano na namang eksena mo Bea?" bulong ko sa sarili at napabuntong hininga.
Lalapit na sana ako sa kanila ng magsalita si Bea na hindi ko inaasahang lalabas sa bibig nito, naningkit ang mata ko at nangunot ang noong tiningnan sila at nakinig sa usapan."Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Zet kay Bea, "Alam kong alam mo kung bakit ako narito Zet.." seryoso at may diin na ang pananalita..Bea hindi ikaw to? napailing ako dahil hindi ako makapaniwalang isang mabait at mahinhing babae may ganitong ugali. "Bea ..ayoko ng gulo at please magkaibigan tayo wag naman nating sirain yun ng dahil lang sa lalaking yun." napakunot ang noo ko sa sinabi ni Zet, bakit malaki ang epekto ng sinabi niya sakin. "Zet ang gusto ko lang naman ay huwag mong ahasin ang lalaking mahal ko..yun lang naman ang hiling ko sayo bilang kaibigan mo." gulat akong napatingin sa dereksyon ni Bea, anong inahas? hindi niya naman ko pagaari bakit kung makapagsalita ito parang nobya ko siya. Hindi ko napigilang ikoyum ang kamay ko dahil sa inis, lalapitan ko na sana sila ng marinig ang sinabi ni Zet. "Ganon ba ang tingin mo sakin Bea? Ginawa ko ang gusto mo.. nilayuan ko na siya at pinutol ko na kung ano mang meron kami, kaya huwag mong sabihing inahas ko siya dahil hindi ko naman siya inagaw sayo..at higit sa lahat hindi ko siya gusto." napatigil ako sa sinabi nito, nanghina ang tuhod ko at kinapa ang dibdib dahil sa sakit na tumagos rito..Zet bakit?
Nanatili akong nakatulala at pilit tinatangap ang sinabi ni Zet kanina. Bumalik ako sa sarili ng marinig sumigaw si Bea. "Ingat ka Zet!!" napatingin ako kay Zet na natigilan sa paglalakad at nanatiling nakatalikod dahil sa sinabi ni Bea at nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin ako kay Bea na ngumisi na parang may masamang binabalak. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at may tinawagan , at lumaki ang mata ko sa narinig ko ang sinabi niya sa kabilang linya. "Umalis na siya maghanda ka diyan sa sakayan ng texi, huwag kang papalpak kailangan mo siya mailayo kung gusto mo ay gahasain mo..naiintindihan mo ba?" at binaba niya ang tawag at malakas na tumawa, para itong baliw.
Nilapitan ko si Bea at hinawakan ng mahigpit ang siko niya. Nangangalaiti na ako dahil sa takot at galit baka kung anong mangyari kay Zet. "SAAN MO SIYA DADALHIN BEA??" galit na galit kong tanong sa kanya at bumakas sa mukha nito ng takot. "Kev..nasasaktan ako." mahina nito sabi, "WAG MO KUNG GALITIN BEA!! AT MASASAKTAN KA TALAGA KAPAG HINDI MO SINABI SAKIN KUNG SAAN MO DADALHIN SI ZET!!" mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanya, "Doon sa may kakahuyan malapit sa Kalye Sawi.." natatakot nitong bangit sakin, "KAPAG MAY NANGYARI SA KANYANG MASAMA BEA HINDI KO ALAM KUNG ANONG MAGAGAWA KO SAYO!!" at malakas siyang binitiwan upang mapaatras ito na bakat ang takot at pagsisisi sa mukha.
Pagkatapos kung kausapin si Bea ay nagmamadali akong pumunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko hindi ko alintana ang malakas na buhos ng ulan. Pinaharorot ko ang kotse at nanginginig ang mga kamay na tumitingin sa daan, napakalakas ng buhos ng ulan halos hindi ko na makita ang daan papunta sa lugar na itinuro ni Bea. "Hold on Zet..please be strong" nagaalalang sabi ko at tinitigan ang relo ko..alas 6 na pero parang ang lalim na ng gabi dahil sa dilim na dulot ng ulan.
Napahinto ako ng makitang may kahoy na nakaharang sa kanto kung saan papunta sa kakahuyan, mabilis akong lumabas wala akong pakialam kung mabasa man ako ng tuloyan..tinabig ko ang kahoy na nakaharang sa daan , babalik na sana ako ng marinig ang pamilyar na sigaw ng babae. "TULONG!! TULONGAN NIYO KO!!" napalingon ako sa lugar kung saan nanggaling ang sigaw at umapaw ang galit ko ng maalala ang sigaw na yun. "Zet hold on please." mabilis akong bumalik sa sasakyan at pinahaharorot ito hanggang sa marating ko ang lugar nayon, pagkababa ko ay kaagad kung nakita ang isang sasakyan at sa gilid non ay nakita ko si Zet na umiiyak habang pumapalag sa paghalik ng isang matanda. "HAYOP KA!!" Hindi ko na napigilang sumogod sa lalaki at pinagsusuntok ang matandang bumaboy kay Zet, mas umapaw ang galit ko ng marinig ang hagulgol ni Zet.Nang kontento na ko sa pagsususontok sa matandang to na halos maligo sa dugo ang mukha..ay kaagad kung nilapitan si Zet na hubad ang pangitaas at kaagad ko siyang pinuloputan ng suot kung jacket na basa. Sinakay ko siya sa kotse at pinunasan ko ang mukha nito na basang-basa, napatitig ako sa mukha niya na makikita ang sakit na nararamdaman. "Huwag kang magalala ako ng bahala sa mga taong gumawa sayo nito Zet..dahil mahal kita mahal na mahal." sinabi ko sa kanya habang walang malay, mabilis kung kinuha sa bulsa niya ang telepono nito upang tawagan ang magulang nito pero hindi na magagamit dahil sa pagkabasa nito. Inayos ko ang pagkakahiga niya at pinaandar ang sasakyan , mabilis akong huminto at ginarahe ang sasakyan sa bahay..oo dinala ko siya sa bahay upang maasikaso siya ni mommy hindi ko siya pwedeng iuwi sa kanila ng ganyan.
"MOM!!" tawag ko rito sa itaas, karga-karga ko si Zet na walang malay. Narinig ko ang yabag ni mommy sa hagdan, "OH MY GOD.. anong nangyari?" gulat nitong tanong sakin, expected ko na ganyan ang magiging reaksyon niya. "Mom please take care of her , I have a important thing to do." Pakiusap ko Kay mommy, "Ok.. Iakyat mo NA siya sa taas ako ng bahala sa kanya..ano ba lasing nangyari son?" Ulit nitong tanong "Mom I will explain it later but for now take good care of her please." At nilapag so Zet sa kama ko, hiniga ko siya ng maayos at hinalikan ang noo niya bago umalis. "Mom I need to go thank you ..bye" at mabilis siyang hinalikan sa pisngi at patakbong binaba ang hagdan. Nakasakay na ako sa kotse na kumokuyom ang mga kamao dahil sa galit na nararamdaman ko, mabilis kung kinuha ang telepono ko at tinawagan ang isang taong maaasahan ko. "Hello.." sabi ko sa kabilang linya.."Jack anong maipaglilingkod ko sayo?" napangiti ako sa tinugon nito." I need your help, pwede bang itrace mo ang plate number na to ARM 143 asap!" seryoso kung sabi sa kanya, "Ok wait for my email in 10 minutes bye." "Bye thank you." At binaba ko na ang telepono ko at pinaandar sa sasakyan papunta sa bahay nila Zet, kailangan kung ipaalam sa pamilya upang hindi into magalala.
Pagdating ko sa bahay nila ay kaagad akong kumatok sa pinto, habang naghihintay ako na buksan ang pinto ay tumingin tingin ako sa kabouang bahay nila. Katamtaman Lang ang laki..malinis ang pagkakasemento ng buong paligid at maganda sa mga mata ang kulay ng pintura nito. Napatigil ako sa pagliliwaliw ng may bumukas sa pinto, "Magandang gabi po Mrs. Sandoval" magalang kung sabi at nagmano rito. "Oh iho anong ginagawa mo rito? Halika pumasok ka muna malamig diyan sa labas." Binuksan niya ng maluwang ang pinto at pinapasok ako, "Pasensha ka na wala pa kasi si Zet may trabaho pa kasi yun sa may Convenience store." bumalik sa utak ko ang tunay na pakay ko kung bakit ako pumunta rito. " Mrs. Sandoval narito po ako kasi gusto ko pong sabihing nasa amin po si Zet." Nakatingin sa mata nitong sabi, "Huh! Bakit siya naroon sa inyo? May nangyari ba huh iho?" Sunod-sunod nitong tanong sakin na may halong pagaalala, "Ah..wala po ako sa posisyon na magsabi sainyo, kung maaari ay si Zet nalang po ang bahalang isiwalat yun." Deretso kung tugon sa kanya, " Wag po kayong magalala maayos na po ang lagay niya, nagpapahinga napo siya sa bahay pangako po sa oras na magising siya ay ihahatid ko siya rito " nangangakong tumingin sa mga mata ni Mrs Sandoval. "Ganon ba iho..salamat dahil naglahad ka pa ng oras na pumunta at sabihin sakin to. Napakabuti mong tao ." nakangiti nitong tugon sakin at hinawakan ang kamay ko..gumaan ang loob ko sa ginawa niya nawala ang kaba at takot na naramdaman ko kanina bago pumunta rito. "Ahh sage po kailangan ko na pong umuwi, gumagabi na rin po eh." Paalam ko sa kanya na may kasamang ngiti, "Sige iho salamat sa pagaalaga sa anak ko, magingat ka sa byahe at wag mo na kung tawaging Mrs Sandoval..Tita Carrie nalang." Nakangiti nitong ani sakin na ginantihan ko rin ng matamis na ngiti. Tumalikod na ko at lumabas ng bahay , napatingala ako sa langit dahil sa malakas na ulang sumalubong sakin Hindi ko man lang naramdamang malakas pala ang buhos ng ulan. Nagmamadaling tinakbo ko ang sasakyan sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Pagkapasok ko sa kotse ay kaagad kung kinuha ang tuwalya sa likod ng sasakyan at pinahid sa basang parte ng katawan. Habang nagpatuloy sa pagpapatuyo ng katawan ay napatigil ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko, kaagad ko itong pinulot sa tabing upuan at sumeryoso ng mabasa ang text .
0987~
*Jack ang may ari ng sasakyang nakaregestered ay nagngangalang Bea Gonzales isang 16 taong gulang pero ang driver niya ang gumagamit non *Nangangalaiti ang panga ko sa galit na nananalaytay sa buo kung sistema, Mabilis kung pinaandar ang sasakyan at pinaharorot papuntang bahay.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...