The Deal is Over (CHAPTER 11)

52 1 0
                                    

Jack POV:

       Nagising ako sa malakas na tunog ng bell, inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang isang pamilyar na likod. "Zet.." mahina ko lang itong tinwag at alam kung hindi rin niya ito narinig, mabilis kung kinuha ang gamit ko at susundan ko sana siya ng humarang si Bea. "Kev please pabayaan na muna natin siya.." seryoso pero hindi kumbinsidong sabi niya, tiningnan ko lang siya ng masama at tinabig ang kamay niya sa pagkakaharang at mabilis na umalis at hinanap si Zet.. "San naman ba nagpunta ang babaeng yun? Zet please huwag ganito." mabilis kung tinakbo lahat ng exit sa paaralang ito pero hindi ko makita maski yung likod niya, Kung hindi lang sana ako hinarang ni Bea hindi ito mawawala sa paningin ko. Hindi ko inaakala na ganito na ka disperada sa Bea na ikasal kami tsk..yun ang hindi ko papayagan lalo na at nandito na si Zet. Pupunta na sana ako sa exit kung saan ako dadaan para kunin ang sasakyan ko , pero may nakita akong nakaawang na pinto tiningnan ko ang pangalan ng kwarto sa itaas ng pinto.." Music Room" mahina kung basa, meron pala to rito akala ko ay inayos natong lugar na to hindi pa pala. Tinulak ko nang mahina ang pinto upang hindi makagawa ng ingay, ng makapasok ako sa loob ay namangha ako sa laki ng silid..humanap ako ng lugar na pwedeng pagtulugan habang hinihintay ang susunod na klase. "Pwede na don." patungkol ko sa isang sofa na malapit sa may organ, mahirap akong makita dito kung may papasok man dahil madilim ang parteng ito hindi katulad don sa mataas n bahagi ng studyo.

Nakapikit ako habang nagiisip sa babaeng gusto ko, saan ba kasi ito nagsususuot gusto ko na siyang makausap kailangan kong magpaliwanag. Nabigla ako ng biglang tumunog nag organ na malapit sa akin, nagmamadali akong bumangon upang makita kung sino ang nagpatugtog nito. Bigla na lamang akong napangiti ng makita ko ang babaeng kanina ko pa hinahanap. "Nandito ka lang pala.." mahinang saad ko upang hindi siya madistorbo sa pagtutugtog. Nagsimula itong kumanta at sinasabayan ang mga tipa niya sa organ, " I never thought someone like you would ever come along, the big question was where ..where did I belong~ I wanna sit in next to you singing you this song~ please notice me cause I've been here all day long" Nagulat ako ng biglang mamasa ang mga mata niyo, ang kantang yun napakasakit ang dinudulot na emosyon. Nanatili akong nakatingin sa kanya at pinipigilan na lapitan siya at yakapan, "I never really knew what I wanted or needed, you came in all this fear in sadness ended~I thought to my self maybe its right or maybe its wrong but hope you like me too.. cause I think I just realize ~ I have falling for you woah~ oh.." mas lalong tumayo ang mga balahibo ko sa braso ng marinig ang sinod nitong kinantang linya, at  lalong kumoyom ang kamao ko ng makitang umiiyak ito. Napatingin ako sa baba ayokong makita siyang umiiyak ng dahil sa nalaman nito galing kay Bea, napatingin ako sa kanya na nakatingin sa kawalan habang patuloy ang pagiyak. "Gusto mo rin ba ako?" mahina kung tanong na ako lang mismo ang nakakarinig, "Bakit ang kaibigan ko pa? at bakit yung lalaking yun pa.." umiiyak na tanong nito sa kawalan , ayokong makita siyang ganito . Tatayo na sana ko para lapitan siya ng may kasunod pa itong sinabi, "Bakit naging complikado naman ang buhay ko...gusto ko lang naman na normal na pamumuhay bakit ako napasok sa gusot na to!!" at yumuko ito sa organ at doon humagolgol ng iyak at hindi ko na kinaya pa na nakikita itong ganito, oo alam kung malaki ang pinagbago ko isang playboy pero ng dahil s babaeng to nabago ang motto ko na * Walang muwang sa puso ko ang mga babae dahil laruan lang sila.*

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat nito upang humarap sa akin, hindi naman ako nabigo dahil humarap ito sakin na mugto ang mata at may bahid pa ng luha . Hindi ko kinayang nakikita siyang ganito kay mabilis ko siyang hinila patayo at niyakap siya ng mahigpit, "Zet Im sorry..Please let me explain" mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya at hinalikan ang tuktok ng ulo nito, na dahilan kung bakit ito malakas na umiyak. "Bakit mo yun nagawa? Bakit hindi mo sinabi sakin ang dahilan..bakit?" nanatili akong nakayakap sa kanya ng mahigpit habang ito naman ay pumipiglas, "Alam mo bang kaibigan ko ang nasaktan ko dahil sa pinagagawa mo huh!!" pinapalo niya ako sa dibdib habang yakap ko siya, wala akong maramdamang sakit sa pagsususuntok niya pero nasasaktan ako dahil sa nangyayari samin. "Zet sorry.. please makinig ka muna sa akin." humiwalay ako sa pagkakayakap upang punasan ang mga luha nito na patuloy parin sa pagtulo. Nakatingin ito sakin ng seryoso habang pinupunasan ang pisngi niya at umiwas ng tingin ng tumingin ako sa kanya. Hinila ko siya sa sofa kung saan ako natulog kanina at nagpahila naman ito, "Zet sorry about Bea, at tungkol sa dahilan ko kung bakit tayo nagpapanggap ay ipapakasal sana kami ng both parents namin, pero dahil kapatid lang ang turing ko kay Bea ay tumanggi ako sa kasal. Nung time na yun, doon ko lang nalaman na hindi pa pala tapos ang kasal dahil pinilit ni Bea ang mga magulang namin dahil mahal raw niya ako." nakita kung ngumiwi si Zet ng marinig niya ang huling linya, hindi ko lang yun pinansin dahil hindi siya nakatingin sakin ng gawin niya yun. "Kaya nakipagsundo ako sa parents ko na sa isang buwan kung wala akong maipapakilala sa kanilang nobya ko ay tuloy ang kasal, pinayagan ako na gawin ang kasunduan kaya ko to ginawa Zet sana naiintindihan mo ko." tumingin ako sa mukha niyang seryoso na nakatingin sakin, hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ang noo niya at nagsusumamong tumingin rito. "Jack.. naiintindihan kita, pero nasira na kami ni Bea sila lang ni Sarah ang kaibigan ko rito ayoko na pati sila mawala dahil sa gulong ito." sabi nito na ikinatigil ko, No! hindi maaari. "Sorry Jack pero hindi ko na ata kayang ituloy pa to sorry" ng tatayo na ito ay pinigilan ko ang kamay niya, "Zet please huwag" umiiling na sabi ko rito na ikinatulo ng luha niya.

Nagtitigan kami ng biglang tumunog ang pinto at sumara. Nabigla kami at ang sumunod na nangyari ay narinig namin ang tunog ng kadena na ginamit sa paglock ng pinto NO!!. Mabilis akong tumakbo doon upang makagawa ng ingay pero wala na atang mga tao sa labas dahil oras na ng klase, Nagulat nalang ako ng sumunod pala si Zet sakin at malakas na pinupokpok ang pinto at sumisigaw ng tulong. "Tulong!! may tao po rito..TULONG!!!" tinitingnan ko siya habang sumisigaw, maganda naman pala to eh bakit hindi ko yun napansin nung una at dumako ang mata ko sa mapupula at maninipis nitong
labi. "Anong tinitingin mo diyan, Kung tulungan mo kaya ako dito para makalabas tayo tsk." natawa ako sa pagsusungit niya haha, "Oo na sorry na po ..babe." mahina kung bulong sa huli kong sinabi, "Ano?" tanong nito sakin. "Wala, sege na sumigaw ka na diyan ako ang pupukpok." at ngumingiting tinuonan ang pinto, alam kung nakatingin ito sakin dahil nakikita ko sa gilid ng aking mata. Tumingin ako sa kanya at mabilis naman itong umiwas na mas ikinangiti ko Mahal ko na ata tong babaeng to eh. "TULONG!!! MAY TAO PO RITO TULONG!!" malakas nitong sigaw n parang nakalunok ng megaphone.
Lumipas ang ilang minuto ng pagpupukpok at pagsisisigaw namin ay wala maski isa ang nakarinig samin kaya umupo ako sa may upuan sa gilid ng pintuan at kinuha ang isa pa at tinabi sakin, "Halika dito" seryoso kung sabi na may otoridad, "A..ako?" pagsisigurado niya sa sinabi ko.. "Ay hindi yung katabi mo, halika dito kaibigan tumabi ka sa gwapo kung mukha." sarcastiko kung saad sa kanya na ikinanguso nito at lumapit sakin at tinapik ng noo ko ng malakas. "Aray!!" sigaw ko dahil masakit talaga, "hahahaha" tumatawang umuupo sa tabi ko na ikinatigil ko at hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sakanya. "Bakit?" tanong nito na ikinagulat ko at nagkunwaring masakit ang noo na sa totoo ay kanina pa nawala ng makitang tumawa siya. "Aray!! ang sakit mong mamitik ng noo, babae ka ba huh! araaay..." kunwaring hinahawakan ang noo dahil sa sakit, nagulat ako ng bigla na lang niya itong kinuha at hinipan na dahilan ng malakas na pagtibok ng puso ko. *Dug Dug Dug~* hindi ko napigilang tumingin sa kanya at hinawakan ang mukha nito at siniil ng halik ang labi nito, nagulat siya dahil sa ginawa ko pero tinugunan niya ang halik na mas ikinagulat ko pero hinalikan ko siya ng puno ng emosyon at pagmamahal. Humiwalay siya sa halik at mabilis na tumayo at tinungo ang pinto na parang may bumubukas, napatitig ako sa kanya grabe baliw na ako sa babaeng to dahil nitong nakaraan panay ang tingin ko sa kanya . Tumayo ako ng marinig na bumukas ang pinto at iniluwa nito ang sinag na mula sa labas napapikit kami dahil sa sinag na yun. "Ano ba naman kayo.. mga batang to talaga ano bang ginagawa nito dito." sabi ng gwardya "Sorry Po manong nakita ko po kasing bukas ang pinto kaya pumasok ako." tumingin sakin ang gwardya at nangunot ang noo. "At ikaw ano ang ginagawa mo rito, magkasama ba kayo na pumasok dito?" tanong nito sakin, "Hindi po..natutulog po ako rito kanina tapos ng marinig kung sumara ang pinto ay doon ko lang nalama
v  hn na andito po siya." pagsisinungaling ko, sorry lord kung nagsinungaling ako kailangan lang po. "Oh sha..lumabas na kayo at tumungo sa sunod na klase." sabay kaming lumabas na walang imik, ng bigla itong magsalita "Jack Were done, tigilan na natin to maraming tao ang masasaktan lalo na ang mga magulang mo." nakatalikod na naglakad ito pagkatapos niyang magsalita. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko mahal ko siya walang halong pagpapanggap. Pagkatapos kung makabawi sa sinabi niya ay dumeretso ako sa kotse at mabilis iyong pinaandar.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon