The Truth (CHAPTER 37)

34 0 0
                                    


Xia's POV:

Zet...I love you babe..I'm sorry I'm so sorry ..please please forgive me babe. Please come back to me Zet.

Napabalikwas ako matapos kung mapanaginipan ang isang misteryosong boses ng lalaki na pamilyar sakin. Ngunit hindi ko makita ang mukha nito ni isang parte lang wala.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid ng silid.
"Andito pa pala ako sa hospital, bakit mag-isa lang ako dito asan yung boss ko tsk." bumalik ako sa pagkakahiga at nag-iisip tungkol don sa larawan na pagmamay ari ni Jack.
"Bakit magkamukhang magkamukha kami? Sino pa siya? Bakit ganon ang epekto sakin matapos kong makita ang larawang yun.." nasa malalim akong pag-iisip ng biglang may nagsalita.
"Hi gising ka na pala eto may dala akong prutas." nilapag niya ang mga prutas sa may lamesa.
"Ay hindi tulog pa ako..nakadilat na nga diba." mahina kong ani na alam kong hindi niya maririnig.
"Ano? May sinasabi ka ba Xia?"
nakakunot ang noong sabi nito sakin. Napatitig ako sa kanya at inirapan, bwesit kang lalaki ka iniwan mo pa talaga ako dito tapos babalik na parang wala lang palapa kita sa buwaya eh.
Hindi ko alam na napakatalim na pala ng tingin ko sa kanya ng hindi ko namamalayan.

"Woah..hep! hep! bakit ka pa ganyan? may nagawa ba akong hindi mo nagustohan, ito bang prutas ayaw mo o may gusto kang iba teka ibibili kit--"
hinawakan ko ang kamay niya at nilapit papunta sakin, at ang hindi ko alam niyayakap ko na pala siya.
"Ahh Xia are you alright?" hindi ko siya sinagot bagkos mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya at hindi ko alam kong bakit ko to ginagawa, para bang natural lang sakin na gawin ito sa kanya.

Naramdaman ko ang kamay niyang bahagyang yumayakap sakin. Napapikit ako at sumandal sa matipuno niya dibdib.
"Jack yung babae don sa larawan na nakita ko..girlfriend mo ba siya?" kinapalan ko na ang mukha ko gustong gusto ko na talagang malaman kung sino yun. Naramdaman ko ang pagkalas ng yakap niya kaya humiwalay ako kaagad ngunit nakatingin parin ako sa kanya.
" Xia How many times do I have to tell you that you need to rest. You need to recover at kapag magaling ka na siguro sasabihin ko na sayo." hindi ko tinangal ang tingin ko sa kanya hanggang sa siya na ang umiwas.
"Kailan? Sa oras na makalimutan ko yun at umaktong wala lang.
Jack malaking epekto ang nangyari sakin dahil don at ang nagpapakaba sakin eh bakit kamukhang-kamukha ko siya Jack.." may namomoong luha sa mga mata ko dahil sa emosyon, parang tinutulak ako na alamin kung sino siya o baka sino ako.
Ako kaya ang babaeng yun kaya madali akong natanggap sa trabaho, magandang pakikitungo niya at pag-aalaga sakin.

"Yung babaeng yun, ako ba yun?"

At napako sa kinatatayuan si Jack at hindi maka imik.

Jack POV:

Yung babaeng yun, ako ba yun?..
Yung babaeng yun ako ba yun?..
Yung babaeng yun ako ba yun?..

Paulit-ulit ang mga salitang yun sa isipan ko, kumakabog ng malakas ang puso ko at parang huminto ang paghinga ko matapos niyang banggitin yun.

"Jack sagutin mo ako? Ang babae bang yun ay ako? Isang sagot lang naman ang gusto ko Oo o Hindi lang." nagsimula ng tumulo ang mga luha na kanina pa namoo sa mga mata niya. Umiwas ako ng tingin dahil ayokong nakikita siyang ganyan ng dahil sakin, ayoko siyang nakikitang nasasaktan.
" JACK ANO BA SAGOTIN MO NAMAN AK--" napapikit ako at hindi ko napigilang magsalita.
"Hindi..Hindi ikaw ang babaeng nakita mo." nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya, dahan dahan niyang pinahid ang mga luha at malamig ang matang tumingin sakin.
"salamat" at bumalik siya sa pagkakahiga at tumalikod sakin.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon