Zet POV:
Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko, bumangon na ako at inayos ang higaan ko at kumuha ng tuwalya para maligo.
Tatlong minuto akong naligo at nag-ayos ng sarili bago ako bumaba sa kusina upang magagahan. Naabotan ko ang kapatid ko na kumakain at si mama na nagaayos ng baon namin, "Ate bat ang aga mo ata ngayon?" nagtatakang ani ni Crezet kapatid ko. "Oo nga nak..may kailangan ka bang puntahan ngayon?" tanong sa akin ni mama, "Ah..kasi ma may pupuntahan akong restaurant mag aapply po ako bilang cashier." umuupo na nagsalita kay mama, oo isa yun sa dahilan bakit ako maagang papasok pero ang plano ko ay mamayang hapon ko na yun gagawin ..kailangan kung pumasok ng maaga upang hindi ako maabotan ng mga studyante ayoko ng eskandalo gusto kung lumayo sa kanila. "Bakit mo kailangan gawin yun nak? Marami ka bang babayaran sa paaralan gagawan ko na lang ng paraan nak." mahinahong tugon ni mama, "Ma hindi po..gusto ko lang po to gawin, para makatulong sa inyo hayaan mo na ako ma please" hinawakan ko ang kamay ni mama ang nagsasalita .." Oh sha basta sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan mo ok? wala ka ba talagang babayaran huh?" tanong nito sa akin.." Opo, saka wala po may natira pa naman akong pera ma ako ng bahala don" sabay ngiti at kumain. "Tapos na po ako..mauna na ako sayo ate , ma aalis na po ako" ngumiti siya sa akin at nagmano kay mama bago umalis.
Umalis na ako sa bahay pagkatapos kung kumain at magpaalam kay mama. Alas 7 na ng makarating ako sa paaralan, nakahinga ako ng maluwag ng makitang malimit lamang ang mga estudyanteng nasa paaralan at malaya akong naglakad papuntang classroom. Papasok na ako sa room ng may tumawag sa akin, "Zet!!" lumingon ako at ngumiti ako ng makitang si Bea pala iyon, "Oh hi Bea goodmorning" lumapit ako sa kanya dahil mukhang seryoso siya, nakakailang ang pagtitig niya sa akin. "Ahh..Bea ok ka lang? bakit ganyan ka tumingin sa akin?" nagugulohang tanong ko sa kanya, nagulat ako ng bigla na lamang itong umiyak at hinawakan ang kamay ko." Bea anong problema bakit ka umiiyak?" nagtataka akong niyakap siya dahil unang beses kung nakita si Bea na ganito, talagang nagaalala ako. "Zet please may sasabihin ako sayo , maaga talaga akong pumasok upang makausap ka sob~" humihikbi nitong sabi sa sakin, " Oo tara sa loob don tayo magusap huwag dito baka may makakita tara" hinawakan ko siya at hinala papunta sa upuan ko upang don kami mag-usap, "Tungkol saan ba Bea?" tanong ko sa kanya. Nagpunas muna siya ng luha bago magsalita," Zet alam ko na ang tungkol sa inyo ni Jack, na nagpapanggap lang kayo sa mga magulang niya." napatigil ako sa sinabi niya, bakit niya nalaman yun?" Ah..kasi Bea ano kasi.." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, bakit niya sinasabi sa akin to? "Hindi mo na kailangan na magpaliwanag Zet , Kev told me everything about the both of you." nanatili akong nakatingin sa kanya, at hindi ko napigilang magsalita. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin Bea? Boyfriend mo ba yung unggoy na yun este si Jack" tumingin ako ng deretso sa kanya, "Zet I want to be honest with you, ako yung dahilan kung bakit ginagawa ni Kev to. Ipapakasal kami ng mga magulang namin ngunit inayawan ni Kev dahil kapatid lang ang turing niya sa akin. Zet gusto ko sanang kumbinsihin mo si Kev na itigil na ang pagpapanggap niyo , kasi nahihirapan ako sa ginagawa niyo..mahal ko siya Zet mahal na mahal." tumingin siya sa akin na nangingilid ang mga luha sa mata, Pinipigilan kung wag siyang pagsalitaan ng mga masasamang salita, alam pala nito eh bakit nung una hindi niya man lang sinabi sa akin, at ako pa talaga ang mangungumbinsi sa lalaking yun huh!! "Bea sorry kung ako yung dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon, hindi ko kasi alam ang dahilan niya kung bakit niya ako pinagpapanggap. Wag kang mag-alala hindi na ako mangugulo pa." pinipigilan ko na maiyak sa harapan niya, mabilis akong tumayo at naglakad palabas ng magsalita siya. "Salamat Zet ang bait mo talaga salamat." tumulo ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon, nagmadali akong lumabas sa silid at tumakbo papamasok sa cr upang doon ibuhos ang sakit na nararamdaman ko. Kaya pala ganon na lang siya kung magpayo sa akin na layuan ko ang lalaking yun, kaya pala ganon ang mga reaksyon niya sa twing paguusapan namin ang tungkol kay Jack. Huh!! hindi ako makapaniwala na nangyayari sa akin to, " Hindi ako masasaktan ng ganito kung hindi kita minahal gunggong ka!! " nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa sink na patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. "Oo inaamin ko mahal ko na siya..pero mali to hindi to tama ayokong manira , kaibigan ko si Bea at ayokong masaktan siya." tumitig ako sa salamin at pinunasan ko ang mga bakas ng luha sa pisngi ko, Simula ngayong araw na to titigilan ko na ang pagpapanggap na to bahala na yung pabuya niya isaksak niya sa mukha niya yun . Nakapagdesisyon na ako hahanap na ako ng trabaho upang matostosan ko ang pambayad sa school , hindi ako aasa sa unggoy na yun .. lumabas na ako sa cr na maayos ang mukha at dumeretso sa classroom para sa unang subject ko.
Jack POV:
Nandito na ako sa room dahil napaaga ang gising ko dahil sa tuwa at excited na makita si Zet.
Pero hindi ko siya makita sa room kahit ang upuan niya wala man lang bag na nakalagay, maaga pa Jack mamaya pa yun maghintay ka lang..bulong ko sa isip ko. "Kev.."lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Bea na nakaupo sa upuan niya sa harapan, hindi ko man lang siya napansin at nakita dahil si Zet ang nasa isip ko ngayon. Ngumiti ako sa kanya at tinungo ang upuan ko katabi ng upuan ni Zet, at ihihiga ko na sana ang ulo ko ng magsalita si Bea na ikinagulat ko. "Sinabi ko sa kanya kung bakit kayo nagpapanggap at lalo na yung tungkol sa atin." seryoso nitong sabi na nakatingin sa harapan. Nanigas ako sa inuupuan ko at napako ang tingin sa desk, "Bakit Bea?? BAKIT MO YUN GINAWA!!" hindi ko napigilang masigawan siya dahil sa galit at takot na nararamdaman ko." Kev hindi naman kayo bakit ganyan ka kung magreact ?" tanong niya sa akin na galit ang tono ng pananalita, tiningnan ko siya na galit ang mga mata. "Wala kang karapatan Bea , Hindi mo ko pagaari!! KAYA PLEASE LANG TIGILAN MO NA ANG PAGHAHABOL SAKIN!!" tumayo ako pagkatapos ko siya sigawan dahil sa galit na namutawi sa dibdib ko. Mabilis kung hinanap si Zet sa buong palapag pero ni anino ay wala akong makita, "Nasaan ka na ba Zet..magpapaliwanag ako." napaupo ako sa isang monoblock na upuan malapit sa canteen at hinilot ang noo dahil sa sakit na idinulot ng mga pangyayari..at bumalik ako sa classroom ng makitang marami ng mag-aaral ang pumasok doon, ayokong makasama si Bea baka ano pang masabi ko sa kanya. Pagkapasok ko dumeretso ako sa upuan ko para ipahinga ang utak ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...