Te Amo (CHAPTER 14)

39 1 0
                                    

Zet POV:

      Nagising ako dahil sa sikat ng araw, paunti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ng makita ang hindi pamilyar na silid. Bumangon ako at napangiwi ng maramdamang parang binibiyak ang ulo ko dahil sa subrang sakit, "Good morning" napatingin ako sa pinto at nakita ko si Jack na nakasando at shorts na bitbit-bitbit ang tray ng pagkain. Napatingin ako sa buong silid at nasapo ko ang noo ko dahil sa hiya, "Kumuxta ang pakiramdam mo?" nagaalalang tanong nito sakin, napatitig ako sa gwapo niyang mukha at matipunong katawan. Jack mahal kita pero kailangan kung ipaubaya ka dahil hindi na man kita pagaari. "Starring is rude Zet" nakangiti nitong tugon sakin .."Ah sorry ok Lang ako medyo masakit Lang ang ulo ko." Napatango ako dahil sa hiya at nanumbamalik ang mga ala-ala ko ng gabing yun, nagsimula ng mamasa ang mata ko ng maalala kung paano ako binaboy ng lalaking yun. "Zet come here." Sabi ni jack sa paanan ng kama, napailing-iling ako..ayaw kung makita niya ang mukha ko. Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sakin..iiiwas ko na sana ang mukha ko pero huli na ako dahil hinawakan na nito ang magkabilang pisngi ko na dahilan ng pagkatingala ko. "Jack Ano ba!!" Mahina kong singhal sa kanya, "Sorry kung nahuli ako , sorry kung nababoy ka ng matandang yun sorry Zet.." Seryosong nakatingin sa mga mata ko..para akong nahipnotismo sa mga titig niya ni hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa itim nitong mga mata. "Hindi mo yun kasalanan..kung sino man ang nag-utos sa lalaking yun ay makakarma rin siya." muling namasa ang mga mata ko at sunod-sunod na tumulo sa pisngi ko."Bakit nangyari sakin yun? May nagawa ba akong masama? May nasaktan ba ako? Bakit!! *sob*" himihikbing tanong ko sa kanya, "Shh~ everything will be alright Zet trust me." Hinawakan ko ang  kamay niya na nanatiling nasa pisngi ko at tumango."Jack hindi mo kailangang gawin yun, wala kang obligasyon sa kin kaya hayaan mo na yun bahala na ang diyos ang magparusa sa kanila." Sinabi ko na nasa kama ang mga mata, "Zet look into my eyes.." hinawakan niya ang panga ko at nagpatuloy sa pagsasalita."Simula ngayon obligasyon na kita.." "Jac~" napahinto ako sa pagsasalita ng ilagay niya ang isang daliri sa labi ko, "Hep! magsasalita pa ako kaya itikom mo muna yang bibig mo." inalis niya ang daliri at hinawakan ang dalawa kung kamay. "Obligasyon na kita Zet kasi ipinagkatiwala ka sakin ng Tita Carrie." "SI MAMA?" malakas na tanong ko sa kanya, "Aray naman Zet." daing niya hawak-hawak ang dalawang tenga. "Ay!! Sorry hahaha" hindi ko mapigilang matawa dahil sa naging reaksyon niya at mabilis na nanuyo ang mga luha sa mga mata ko, ngayon ko lang siya nakitang ganito umasta. "Oa mo, saka oo yung mama mo at Zet sana bawiin mo na yung sinabi mo sakin sa music room." Bigla siyang nanlumo matapos ang kanyang sinabi. Napatingin ako sa gilid ng kama..hindi ko kayang makitang siyang ganyan baka bumigay ako at hindi ko mapigilan na yakapin siya, kailangan mong panindigan Zet. "Jack alam naman nating pagpapanggap lang yun, ayokong masaktan si Bea." sa sinabi kung yon ay nagbago ang reaksyon niya, naging seryoso ito at hindi maipinta ang mukha. "Anyari sayo?" nagtatakang tanong ko sa kanya, ang weird niya. "Wala..Zet wala akong relasyon o maski ugnayan Kay Bea noon yun, hindi ko na man alam na hahantong sa ganito." tumingin siya sa kamay naming pareho habang nagsasalita. "Jack bakit mo ba to ginagawa?" tumingin ako sa kanya na nanatiling nakatungo sa mga kamay namin. "Jack please kailangan ko ng sagot, kasi kapag hindi mababaliw na ako kakaisip Sayo!!!" hindi ko napigilan ang bibig ko at nasabi ko ang mga salitang yun, nakita ko kung paano siya nabigla at dahan-dahang  tumingin sa akin . Napayuko ako sa hiya ng maramdamang ko ang titig niya, ano ba naman yan Zet..yang bibig mo hindi mo mapigilan, naiilang na ako dahil sa subrang tahimik at alam kung nakatingin parin si Jack sakin kaya hindi pa ako tumingala. "Jack?" tawag ko sa kanya pero hindi parin ito umiimik, naman eh.. Hindi ko na kinaya ang kaya tumingala na ako at nilagay sa mukha nito ang mga kamay ko at doon na tumawa si Jack, parang musika ang tawa niya kaya napangiti ako dahil don.
"Zet pwede bang pakiulit ng sinabi mo?" tanong niya sakin na hinawakan ang kamay ko at binaba  iyon upang makita ang mukha ko. "Jack naman eh..tumigil ka nga kakainin ko na yung pagkain na dala mo." iniba ko ang topic baka mabuko na ako, aalis na sana ako pero hinapit niya ang bewang ko at niyakap doon na ako nanghina. "Jack.." mahina kung bulong, " Please Zet kasi mas mababaliw ako kakaisip sayo, alam mo ba yun?" nahihirapan na akong huminga, totoo ba tong naririnig ko oh hindi pa ako nagigising?  " Jack totoo ba to oh panaginip lang?" tumingin ako sa mga mata niya na humihingi ng sagot, "haha Zet oo totoo to ano ka ba." doon na namasa ang mga mata ko dahil sa saya na naramdaman ko, "So..mahal mo nga ako Zet?" Nakangisi nitong tanong sakin, napayuko ako at tumango-tango. Nabigla ako dahil bigla niya lang akong niyakap ng napakahigpit at tumatawa , "Ja..ck hindi ako makahinga" sabi ko sa kanya habang pinipilit kumawala sa yakap niya. "Sorry" at humiwalay ito sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang dalawang pisngi ko, "Zet alam mo bang naghintay ako sa araw na mahalin mo rin ako, at ngayon dumating na ako ang pinakamasayang lalaki sa mundo ngayon..Te Amo Zet." at hinalikan niya ako sa noo ko, napapikit ako sa sensashon na niidulot nang ginagawa ni Jack..ngunit bigla akong nagmulat at nilayo siya sa akin, napakunot ang noo nito nagtatanong kung bakit. "Anong Te Amo? Hoy Jack kung minura mo na ako ngayon palang wag ka ng magpakita sakin!!" dahil sa sinabi ko bigla siyang ngumiti at kasunod non ay isang halakhak na nagging dahilan ng pagnguso ko, "Zet ano kaba..hindi ganon yun, ang ibig sabihin ng Te Amo ay I love you." seryoso nitong sabi lalo na sa huling salitang binigkas nito, tumingin ako sa kanya at naluha ulit ang mga mata ko na kaagad naman nitong pinahiran ng dalawa nitong kamay. "Jack thank you , I love you too." sa wakas nasabi ko na ang tatlong salita at walong letra na matagal ko ng tinatago dahil sa takot na masawi ako. Dahil sa tuwang naramdaman ko at umapaw na pagmamahal ko sa lalaking kaharap ko ngayon ay nahalikan ko siya na kaagad naman nitong ginawaran ng isang matamis na halik, hinawakan niya ang bewang ko na naging dahilan ng pagdikit ko sa kanya at mas tinugunan pa nito ang halik na pinagsaluhan namin..kumurba ng ngiti ang mga labi ko dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon sorry Bea pero hindi ko maibibigay ang hinihiling mo sorry. Habol-habol namin ang hininga matapos naming humiwalay sa halik, nanatiling magkadikit ang mga noo namin at parehong tumingin sa isat-isa makikita ang saya at puno ng pagmamahal ang mga mata. "Zet mahal kita mahal na mahal." Sinabi niya yun habang nakatingin sa mga singkit kung mata na napangiti sakin at ninakawan siya ng halik sa pisngi at dali-daling tumayo upang kainin ang dinala  niyang pagkain. "Hehe sorry gutom na kasi ako." at sinimulan ko ng kumain habang tumitingin sa kanya na may ngiti sa labi, napailing-iling itong tumatawa at lumapit sakin at ginawaran ng halik ang tuktok ng buhok ko."Kumain ka muna babe , I'll be right back I just need to get your meds." napakunot ang noo ko dahil sa endearment na ginamit niya, kami na ba? "Jack tayo na?" Inosente kung tanong sa kanya habang ngumunguya, "Hmm bakit hindi ba?" balik nitong tanong sakin, "Sira! Ano nga kasi.." Naiinis kung sabi nito, na ikinangiti niya. "Ang cute mo babe, oo tayo na wag kang mag-alala kasi araw-araw kitang liligawan." sinabi niya yun pagkatapos ay kumindat, nabuang sa halik si Ford..saka ikaapat na halik na namin to pero ito ang halik na may pagmamahal kaya napangiti nalang ako sa iniisip ko. " Yes babe thank you for the food." sinakyan ko na ang kalokohan ng lalaking to, doon ko nasilayan ang ngiti na nagpapagwapo sa kanya lalo. "Wag kang ngumiti dyan Ford, kunin mo na ang gamot kasi malapit na akong matapos kumain. Saka wag kang ngingiti ng ganyan sa iba ayos ba yun?" Tumango Lang siya at mabilis na lumabas sa kwarto nito. "I love you Jack Kevin Ford, at lahat ng kaya kung gawin para maging masaya ka sa piling ko ay gagawin ko, kasi ganon kita kamahal." sabi ko at tumingin sa pintong nilabasan niya, binalik ang tingin sa pagkain at sumubo.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon