Lets the Game Begin (CHAPTER 5)

68 1 0
                                    

Zet POV:
   
     Late na ako ng dumating sa school dahil sa nahirapan akong sumakay . Pagdating ko sa classroom wala ng tao. " San naman nagpunta ang mga yun? Wala bang pasok?" nagtatakang inilibot ko ang mata sa buong paligid ng maalala ko na PE pala namin ngayon, kaya mabilis kong tinungo ang Locker ko at nagbihis sa Cr. Nagsisimula na sila ng makarating ako sa gym.
"Zet!!Dito.." kumakaway na sigaw sa akin. Napangiti ako ng makita ko silang dalawa ni Bea ngunit napawi rin ang ngiti ko dahil nakita ko ang bwesit na unggoy na nakangiti sa akin at kumakaway. " Huh.. ganyan pala ang gusto mo , ede lets the game begin." pabulong kong sabi at nakangiting lumakad papalapit sa kanila. Pagdating ko sa pwesto ay nagpito na si Sir Makabayan . Lumapit ako kay Bea at Sarah at nagtanong. " Oi anong gagawin? sorry nalate kasi ako hehe" nahihiyang tungo ko. " haha ikaw talaga sasayaw lang naman tayo ng hiphop ngayon girl " nakataas ang noong sinabi ni Sarah yun. "Ano? solo ba yan oh tayong lahat?"  wag naman sana nahihiya akong sumayaw kapag nag-iisa , " No Zet we will dance by group at kagroup tayo " nakangising ani nito sa akin , bilib talaga ako kay Bea halata talagang anak mayaman at napakahumble niya. "Ahh .. pwede niyo ba akong turuan kung ok lang sa inyo?" nakangiting tugon ko sa kanilang dalawa. "Oh yes ikaw pa , sure naman akong fast learner ka lets go!!" nagmamadaling lakad at halatang excited , hahah hyper mashado si Sarah. " Pagpasensyahan mo na Zet ganyan lang talaga yan si Sarah napakaisip bata haha" natatawang nakatanaw kay Sarah, at nakitawa narin ako sa kanya totoo naman kasi ang hyper niya.

Natapos na kami sa pagpapractice ng sayaw , at pawis na pawis na ako bakat na sa likod ko ang pawis . Pupulutin ko na sana ang tuwalya ko ng may kamay na kumuha non at pinahid sa mukha ko. Tiningala ko ang tingin at nanlaki ang mga matang tinitigan siya." Ano ba!!" tinabig ko ang kamay niya at inagaw ang tuwalya sa kanya at pinahid sa mukha ko. Napa feeling ng lalaking to..oo gwapo siya , boyfriend material nga patapon naman ang ugali tsk. "Babe bakit ba may nagawa ba akong mali? sorry na kung meron man." sabay yakap sa akin na ikinagulat ko. *Tug~Tug~* anak ng.. bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Zet tumigil ka hindi pwede yan , dahil lang yan sa pagod . Tinulak ko siya ng malakas at tinitigan siya .
" AYYYIIIIIEEEEE~~ oh my god...sila nga kyaahahh~~" napakalakas na tili ng mga kaklase namin , kasali sila Sarah at Bea . Argg!! bwesit ka talagang lalaki ka .. nakangiti pa talaga at bakit ang gwapo niya? " Ano ba Zet tumigil ka.." iling-iling na kinausap ang sarili, tiningnan ko siya na nanglilisik ang mga mata dahil sa galit kaya hindi ko mapigilang sumigaw sa galit. " JACK KEVIN FORD BWESIT KA TALAGA!!" nanginginig ang kamay na tinuro sa kanya. " Haha babe alam kung gwapo ako at sayo lang ako kaya hindi mo na kailangang isigaw pa ang pangalan ko." ngiting ngiti na nagsalita at tumitig sa mga mata kung galit na galit. Gusto mo talaga ng laro huh tingnan lang natin ngayon. Patuloy na nanonood ang mga kaklase namin at makikita ang selos , kilig at galit sa mukha ng ibang babae na may gusto sa unggoy nato. Naglakad ako papalapit sa kanya na nakangisi , at nakita kong napawi ang ngiti sa labi niya at sumeryoso. "A..nong gina..gawa mo?" nauutal na ani nito sa akin, ngumiti lang ako at yumakap sa kanya." Gusto mo ng laro huh Jack Kevin Ford my babe" nakangiting binulong ko sa tenga niya habang nakangiti, at alam kung nagulat siya dahil napa ayos siya niyang tindig at napatikhim." Lets the game begin Jack.." at mabilis na umalis sa pagkakayakap sa kanya at naglakad papalapit sa upuan upang magpatuloy sa pagpahid ng pawis ko at ipapahinga ko ang puso ko na malakas parin ang tibok. " Hala grabe nakita niyo ba yon?" nagugulat na sabi ng hindi ko kilalang kaklase, " Haha oo naman , alam mo bagay sila kaso lang playboy ang lalaki eh imposibleng magkatuluyan sila." natatawang ani nito sa kaibigan. " Hmm I think so, pero grabe nangyari ba talaga yun kyaah~~ nakakakilig sila." masayang tumitili ang babae. Hay Zet ano ba tong napasok mo? Napakalaking gusot to, kailangan ko na sigurong makipagkaibigan sa kanya . Tiningnan ko siya na naglalakad papalayo sa gym , na nakapamulsa ang dalawang kamay sa PE pants niya. " Zet friend.. ano yun? anong eksena yun girl?" excited na tanong sa akin ni Sarah, napailing lang ako bilang sagot . " Zet payo lang huh bilang kaibigan mo, tigilan mo na ang pakikipaglaro sa lalaking yun." seryosong saad ni Bea at napakunot ang noo ko sa sinabi niya, sino ba siya? " Sino ba siya? bakit parang takot na takot kayong lapitan siya?" nagtatakang tanong ko sa kanya. " Isa siyang playboy sa school nato Zet at hindi mo magugustuhan ang mga mangyayari kung ipagpapatuloy mo pa yan trust me." seryoso ang mukhang nagsalita." Yes friend Zet were just saying that huwag mo sanang ibigay ang loob mo sa lalaking yun." wika ni Sarah sa akin, napako ang tingin ko sa lalaking naglalakad papalapit sa gym. Sana mali lang ang iniisip ko sayo Jack baka hindi ko mapigilang mahulog sayo ng hindi oras. "Salamat, sege na tinatawag na tayo ng guro.. yun lang ba ang sasayawin natin ?"  tumingala ako sa kanila at ngumiti bago tumayo. " Yes friend Zet sorry sa mga nasabi namin." sabay yakap sa akin , na ikinagulat ko.

Papunta na ako sa center ng gym ng may humatak sa akin at dinala ako sa isang abandonadong gusali na nasa likod ng gym. "Bitawan mo ako!!Sino ka ba?" tanong ko sa taong humatak sa akin , ikanagulat ko nalang na si Jack pala ang humatak sa akin. " Zet please kausapin mo ako ng maayos kasi ibinaba ko na ang pride ko para kausapin ka ..kaya please lang." naiiritang sabi nito na seryoso parin ang mukha. " Wow!! haha grabe ka rin kung makasalita noh?" hindi makapaniwalang nilingon ko siya at isang dangkal nalang ang agwat ng mga labi namin dahil sa ginawa ko. Napatingin ako sa labi niyang mapupula at napatikhim. * Ahem~~* " Ahh.. bakit mo ba to ginagawa sa akin huh Jack?" napaatras na sabi ko sa kanya at napatungo. "Hep Hep lang huh!! Jack? close ba tayo Miss bungangera?" nakangising tugon niya na humahakbang papalapit sa akin. Napaatras ako dahil sa ginawa niya, hanggang sa mapasandal ako sa isang semento at nakatingin sa isang kamay niyang nakasandal sa gilid ng aking  balikat. "Anong ginagawa mo?" lumunok ako habang nakatingin sa maninipis niyang mga labi at mamasa masa.

Diyos ko naman , hindi ko naman hiniling na mahalikan ng pangalawang beses nakuha na niya ang una pati ba naman pangalawa. Please lang lord gumawa ka ng himala kundi di ko na alam ang gagawin ko, nanginginig na ang tuhod  ko na nakatingin sa kanya at nagiisip ng gagawin. Napangisi ako ng may maisip.

"Gusto mo siguro ako noh!!" nakangiting tumingin sa kanya at humawak sa balikat nito. Napakagat labi ako ng hindi man lang natinag sa ginawa ko. "Paano kung sabihin kung oo, gusto kita." mas lalong lumapit ang mukha nito na nagpalunok sa akin ng tudo, ano ba tong nangyayari  bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan ngayon ko pa lang to naramdaman. " May proposal ako sayo, kung hindi ka papayag hahalikan kita ..higit pa sa inaakala mo Zet." seryosong ani nito na ikinasingkit ng mata ko. Ano naman kaya yun? Kung kalokohan lang naman mas mabuti pang wag nalang. " A..no?" nauutal na sabi ko at nakatingin sa gilid upang maiwasan ang labi nito, tulong naman please ayoko makasama ang bwesit na toh. " Be my fake Girlfriend ..and I will take all the responsibilities here in school. " hindi parin umaalis sa posisyon niya, hindi ba siya nangangawit? kasi ako ngawit na ngawit na. Saka ano raw..FAKE GIRLFRIEND? huh no way Im not stupid. "Ano ?? Deal or No Deal!!" mas lumapit pa ang mukha niya sa akin, dahil don mas isiniksik ko ang sarili sa semento. "O..oo Na!!" napasinghap ako at nagulat ng magtagpo ang mga labi namin.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon