Again? (CHAPTER 32)

32 0 0
                                    


Jack POV:

Ilang araw na ang lumipas at naayos ko na ang gusot ng companya. Nang nakipag meeting ako ang sakit ng ulo ko sa mga ibat-ibang dahilan ng mga members ng Site lalo na ang President nito. Paano natatagalan ni Daddy ang mga taong at empleyadong kagaya nila? Tsk pero mabuti nalang at tapos na ang problemang yun.

Nakaupo ako ngayon dito sa opisina ko at tinitingnan ang mga papeles na nakapatong sa mesa ko. Bakit ba kasi wala pa akong secretarya, sa dami ng trabaho ko kailangan ko na ng kanang kamay. Speaking of kanan kamay yung dati kong secretarya puro na lang kalandian ang inaatupag, hindi na nito naaayos ang trabaho at may lakas pang manghingi ng sweldo na mataas tsk mga babae nga naman.

Napaayos ako ng upo ng kumatok at pumasok si Mark.
Kumunot ang noo ko ibig sabihin non ay bakit, alam na yun ni Mark kasi 2 taon na yang nagtratrabaho sa akin.
"Sir may dumating na pong nag-a-apply bilang secretarya niyo po." napatigil ako at parang nabunutan ng tinik sa sinabi ni Mark. Tumayo ako sa harap ng mesa, "Let her in Mark." seryoso kong ani rito na kaagad namang umalis. Hindi nagtagal bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng nagpatigil ng Mundo ko.
Paanong siya yan? Bakit nasa harapan ko ang babaeng mahal na mahal ko at pinapanalangin na dumating muli sa akin. Parang pinako ako sa sariling lugar ng makita ko ang buo nitong mukha, napakaganda niya parin ngunit ang katawan nito mas makurba ito at napakaganda ng tindig. Paano? Totoo ba talagang patay ka na Zet o ginago lang ako ng mga taong nakapaligid sakin.

Xia's POV:

Huminga ako ng malalim at inumpisahang lumakad palapit kay Mr. Ford na hanggang ngayon ay nakatulala parin at nakakailang na ang titig nito kaya tumikhim ako para makuha ang atensyon nito.

"Ahem Sir?" nanatiling wala pa rin itong kibo at parang napakalalim ng iniisip.
"Mr. Ford hello andito po ako hello.." winawagayway ko ang kamay ko sa mukha nito pero wala parin ano ba to. Hindi ka talaga babalik sa sarili mo huh tingnan na lang natin ngayon.
"SIR FORD HELLO ANDITO PO AKO!! YOHHOO EARTH PO TO HELLO SIR!" sumigaw na ako sa pagkabagot, Ganon na ba ako kaganda para matulala siya ng ganyan tsk. Umiling ako at bumalik sa pagkalma ang mukha nakakahiya bakit ko siya sinigawan.

Napatingin ako sa kanya at nabigla ako na walang emosyon siyang nakatitig sakin at nakakunot ang noo nito. Patay na talaga baka hindi ako tangapin wag naman sana.
"Ahh..sorry po hindi ko po sinasadya..nakatulala po kasi kayo Pasensya na po wag niyo po sana akong palayasin sorry po sir." mabilis kong paghingi ng tawad rito na nakayuko, Xia naman kasi ano ba kasing naisip mo bat mo nasigawan aish!
"Who are you to shout at me..
And by the way you can leave now. Get out of my sight." sabi nito sakin na napakalamig pero ang Bose's niya bakit parang yun yong Bose's sa panaginip ko. Napailing ako sa naisip at napakurap-kurap sa kanya.
"Sir..sorry po hindi ko po sinasadya patawad po. Kailangan ko po ang trabahong to sir naman eh." Nagapapadyak na humihingi ako ng tawad sa kanya na ngayon ay nakatalikod sa akin akmang babalik na sa upuan nito.
"Sir naman eh please gagawin ko po lahat.. ay!!" nagulat ako ng bigla nalang itong lumapit sa akin at ilang dangkal na lang ang mukha namin maliit na galaw lang maghahalikan ko na siya.
"At sino ka para magpapadyak dito sa opisina ko.." Ani nito na nakatingin sa mga mata ko kaya hindi ko naiwasang mapalunok.
"And who told you that your not hired?" Napatingin ako sa mata nito at ayon na naman nakaka hipnotismo nitong titig.
"Ka..yo po Sir ahem!" sagot ko at hindi ko napigilang tumukhim kaya napalabi ako sa tinuran ko.

Narinig kong mahina itong natawa bago niya ako layoan at naglakad papunta sa upuan nito.
Tumingin ako sa kanya dahil nagtitimpi na ko sa lalaking to. Ini-english English pa ako akala hindi ko naiintindihan Arrg nakakainis.. Kailangan ko yung trabaho ipaglalaban ko to bwesit!
"Sir Ford ano ba talaga ang punto niyo pwedeng diretsohin niyo na ako! Kasi PO kailangan ko PO ang trabahong to, kaya sana naman PO sabihin niyo na PO kung tanggap na PO ba ako o hindi PO ang dali lang naman PO diba?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at ayon sumabog na nga ako. Nakakabwesit na kasi may pa  who told you that your not hired, eh sino pa ba eh siya lang naman ang kausap ko arrg nakakainis.

"Shut up and cut that PO of yours kasi nakakarindi, at wag ka ngang talak ng talak diyan eh kung simulan mo na kaya ang trabaho mo. Here trabahoin mo lahat ng yan kasi may mas importante pa akong gagawin kaysa makinig sayo." at napahiya na naman ako pero tama ba ang narinig ko..magtratrabaho na ako ngayon? Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa sinabi nito kaya heto si Xia kinuha lahat ng papeles baka bawiin pa nito eh. Pero saan ako magtratrabaho?
"Ahh Sir saan ko po to tatrabahoin?" nahihiyang tanong ko rito. Tumingin ito sakin at tinuro ang isang mesa na glass din at parang komportable ako don ah.
"Salamat po Sir at saka sorry po kung naging bungagera man po ako.." at naglakad na ako papunta sa mesa na hindi hinintay ang sasabihin nito.
Inayos ko ang mga gamit ko at handa na sanang mag trabaho ng magsalita ito.

"I have a important meeting to attend ikaw na ang bahala sa opisina. Pupuntahan ka ni Mark dito para sa ibang schedules at informations are we clear?" Napatango nalang ako sa sinabi nito at sinundan ng tingin hanggang maka labas ito.
"Haay..grabe anong klaseng tao yun napaka bipolar. Pasalamat siya at gwapo slash gwapo nga pero yung boses niya bakit napaka pamilyar? Nagkita na ba kami..pero impossible nasa probinsya ako tapos nasa Manila siya. Ahh Ewan ang mahalaga may trabaho na ako at napakasaya ko!!" tumayo ako at nagsimulang tawagan si nanay para ipaalam na tanggap na ko.
Pagkatapos kung ipaalam kay nanay at tatay ay kaagad akong tumingin sa mga papeles na nasa mesa ko nakapatong.
"Haay..pagod ang abot ko nito ngayon hooo! bahala na kaya ko to. Kaya mo to Xia kayang kaya!!"
At nagsimula na akong magpapagod sa bago kong trabaho.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon