Zet POV:Kagabi ay tumawag si Sarah sakin sinabi nito na may outing kami kasama ang iba pa naming kaklase. Nabigla ako noong una pero kaagad namang nakabawi ngayon ito sinabi kasi malimit ang tao sa may Clarity Resort sa Laguna kaya doon kami mananatili ng ilang araw at tinawagan ko si Jack kagabi at sinabi ang tungkol sa outing, natagalan ang tawagan namin dahil kakulitan ng nobyo ko.
Nandito na ako sa labas ng bahay namin hinihintay si Jack dahil sabay kaming pupunto ron. Nakasuot lang ako ng simpleng T-shirt at short hindi ko type ang mga seksi na damit naiilang ako. Hinahanda ko ang mga gamit ko ng may bumusina sa harapan ko napangiti ako at dahan-dahang isinuot ang bag at nakangiting lumingon kay Jack.
Malalaki ang hakbang nito papunta sakin at kaagad na humalik sakin, ang aga-aga ito talagang lalaking to. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay napakalapad ng ngiti ng mokong nato.
"Good morning babe" malambing na bati nito sakin, ngumiti lang ako sa kanya. "Good morning babe" bati ko rin sa kanya at hinawakan ang kamay niya at naglakad papunta sa kotse. " Excited ka no? Haha babe ganyan nga para masolo kita." pangaasar na sabi nito sakin, kaya humarap ako sa kanya na nanlilisik ang mga mata.
"Hindi ko yun hahayaan babe, mabibighani ako ng dagat at ng paligid kaya baka wala akong oras sayo." pangaasar ko ring sabi sa kanya nakita ko kung paano nalukot ang noo nito at ngumuso.
"Babe nangaasar lang naman ako eh, sorry na " sabi nito na may pagmamakaawa sa mukha haha talo ka Ford.
"Oo na matitiis ba naman kita Tara na baka maabotan pa tayo ng traffic at ayoko non." matapos kung sabihin yun ay kaagad niyang kinuha ang mga bag ko at inilabay sa back compartment ng sasakyan at sabay kaming sumakay sa kotse at umalis.Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nagbyabyahe, ginising lang ako ni Jack ng makarating kami sa resort. Kaagad naman kaming bumaba at kinuha ang mga gamit namin at sasakyan ng may tumawag sa pangalan ko.
"Zet Girl!" sigaw ni Sarah habang papalapit sakin, naramdaman kung nilingon ito ni Jack kaya sumunod ako ng tingin na may ngiti sa labi.
"Hey Sarah" bati ko rin rito at humahanga sa ganda ng kurba ng dalaga. "You look dazzling" kasunod kung sabi na dahilan ng pagkinang ng mata nito haha nakakatuwa.
"Babe mauna na ako ilalagay ko pa to sa cottage sumunod ka huh at yang mata mo sakin lang humanda ka kapag lumihis yan Sandoval." pagbabanta nito sakin na ikinatawa ko lang ito talaga minsan Bipolar.
"Oh yes Mr. Ford sayo lang to sayong sayo." sagot ko na may ngiti sa labi na nagpangiti sa gwapo kung nobyo. "Ok I love you." at nagsimula ng maglakad bitbit ang mga gamit namin hindi man lang ako hinayaan sumagot.
"I LOVE YOU TOO FORD" sigaw ko rito na malayo na sa kinaroroonan ko, lumingon ito at halos mapunit ang labi nito sa ngiting ipinakita sakin gwapo parin tsk.
"So...official na talaga kayo ulit girl?" nanunudyong tanong nito sakin na ikinangiti ko, tumango lang ako bilang sagot.
"Kyaaah seriously Zet, kailan pa?
OMG pwede na akong cupid dahil sa payo ko sayo." tumitiling sabi nito, kinuha ko na ang mga gamit na natira at nagsimulang maglakad na kaagad naman nitong sinundan.
"Pero Zet kailangan mong bantayan at ingatan si boyfriend of yours dito." ani nito sakin kaya nilingon ko siya na may pagtataka.
"Bakit?" hindi ko napigilang magtanong sa kanya, "Zet nakakalimutan mo ba na kasama rin si Bea dito..hello." deretso nitong sabi sakin na nagpabuhay sa kaba ko. Baka ano na namang gagawin nito, kilala ko si Bea basta makahanap ng tyempo susugod ito subukan mo lang Bea subukan mo lang hindi ko alam ang magagawa ko kapag nangyari yun.
"Maghaharap kami kung ganon Sarah " malamig kung sagot at mabilis na naglakad papunta sa cottage kung saan si Jack.Gabi na ng tawagin kami ng organizer sa resort siya ang inatasan ng head teacher upang magbantay samin. Pinapunta niya kami sa may tabing dagat dahil doon nito sasabihin ang mga activities, rules and regulations at kung sino ang makakasama sa cottage. Kasabay kung lumabas ng cottage si Bea tiningnan ko siya na walang bahid ng galit o ano man. "What's wrong Zet?" mataray nitong tanong sakin na ikinataas ng kilay ko, please lang Bea wag ngayon.
"Please Bea ayoko ng gulo." mahinahon kung tugon sa katarayan niya, Ibang-iba na ito hindi ko na kilala ang dating Bea na kaibigan ko. Nanlilisik ang mata nito na tumingin sakin, "oh Zet haha your like a pathetic loser right now haha." pangiinsulti nito sakin, ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. "Kung nakikita mo lang ang sarili mo ngayon Bea, mas bagay sayo ang pathetic loser at hindi sakin." at tinalikuran ko siya papalapit kay Jack na halatang kanina pa ako hinahanap, pasimple along tumingin sa gawi ni Bea at nakikita ko ang panlilisik at pagkuyom ng mga kamao nito na nakatingin sa buhangin kaya bago pa nito makitang tumingin ako ay tinungo ko na ang direction ni Jack na ngayon ay nakangiti ng matamis."Hi good evening ladies and gentleman I'm Jason Guerera and I'm your outing organizer sa madaling salita tagabantay at taga ayos ng inyong mga kinakailangan."
kumikinang ang mga mata ko dahil ang gwapo ng organizer namin may girlfriend na kaya to gosh mapapatay ako ni Jack nito. "Get off your both naked eyes on that man babe." natigilan ako dahil sa malamig na boses na bumulong sa tenga ko, patay na Zet hindi ka nga
nagkamali. " Sorry I didn't mean to babe." at hinigpitan ko ang yakap sa kanya para hindi na ito magtampo, habang yakap-yakap si Jack ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Bea na nangangalaiti tsk.
" And for this evening I'm going to Introduce my co-organizer, this is Ellaine Santos and Erick Herares we will be the one to manage and keep you comfortable and safe during your outing here." at nagsitilian ang mga kasamahan naming babae at kumikislap ang mga mata ng mga kalalakihan ng bangitin nila ang last co-organizers ni kuya Jason at sinimulan na ang activity na binuhay ang buong gabi.A|N: hey guys sensya na kung ganito ang flow ng sorry. 👐 I promise marami tong twist kaya sa mga nagbabasa please continue reading☺
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
General FictionPROLOGUE: "Zet!! Please makinig ka muna sa akin!!" Humahabol na umiiyak kay Zet. "Ano pa ba ang gusto mo? Sinaktan mo na ako, nakuha mo na ang gusto mo..Tapos na kaya tumigil ka na !!" sabay tulak at lumayo sa kanya. "Ano!! ANONG SASABIHIN MO JACK...