Jealous (CHAPTER 33)

30 0 0
                                    

Jack POV:

"Bro baka kamukha lang niya yun..impossible na buhay siya eh napalibing na nga natin diba nakita natin ang katawan nito na natatabunan." napatingin ako kay kuya matapos nitong magsalita. "Oo nga Kuya nakita natin pero baka hindi si Zet yun? Baka may gumago sakin ng mga oras na yun paano Kuya?" hindi ko napigilang magtanong, kasi gulong-gulo ang utak ko matapos ang pangyayari kanina sa opisina. Napailing iling si Kuya na tumayo at tinapik ang balikat ko, "Bro kung ano ang nasa isip at puso mo sundin mo..pero kung ipipilit mo talagang buhay siya eh yun ang gawan mo ng imbistigasyon." Matapos nitong sabihin ang mga katagang mas nagpagulo ng isip ko ay umalis na ito at naiwan akong mag-isa dito sa coffee shop.

Sana nga mali lang ako ng hinala kasi kung malalaman ko na tama ang hinala ko hindi ko talaga alam kung ano ang magagawa ko sa gumawa nito sayo Zet sana mali ako sana. Tumingin ako sa relo at quarter to 12 na pala hindi ko namamalayan, kumain na kaya yun babaeng yun at ano nga bang pangalan niya..tsk pati pangalan nito hindi ko natanong dahil sa pagkabigla. Inubos ko muna ang kape ko at umalis na ako sa coffee shop at dumeretso sa opisina.

Pagkabukas ng elevator ay kaagad kong narinig ang tawanan at pag-uusap ng dalawang tao at sigurado akong si Mark yun pero sino ang kausap nito? Bahagya akong lumapit kung saan nagmula ang mga boses na narinig ko at parang may pumiga sa puso ko ng makita ko si Mark at ang bago kung secretarya na sabay na kumakain ng tanghalian. Hindi ko alam bakit ko ito nararamdaman at bakit naguusap sila ni Mark dapat nasa loob ito ng opisina ko kumakain at hindi sa dito tsk. Hindi ko napigilang lumapit sa kanila at sinadyang tumikhim upang mapansin nila.
"Ahh Sir andiyan po pala kayo..good afternoon." bati ni Mark sa akin tsk anong maganda sa afternoon.
Hindi ko siya pinansin kundi tumingin ako sa bago kung secretarya nakakainis hindi ko man lang alam ang pangalan nito at si Mark alam.
"Hoy babae tapusin mo na yang pagkain mo at marami ka pang gagawin. At sa susunod na kakain ka sa loob hindi dito naiintindihan mo ba?" napalabi ito at napayuko, huhulaan ko magbubunganga na naman to mamaya. Tumingin ako kay Mark na nagliligpit ng kinainan,
"Mark bring me the resume of my new secretary ayokong kumuha ng empleyado na hindi ko alam ang backgrounds." at bago ako umalis tumingin ako kay babae na ngayon ay hindi maipinta ang mukha tsk buti nga sayo.

Tumalikod nako sa kanila at nagsimulang maglakad ngunit bigla nalang nagsalita ang secretarya ko..heto na nga ba eh.
"Sir hindi po HOY ang pangalan ko kundi XIA MARQUEZ at bakit po ba kayo inis na inis na dito ako kumain eh Malay ko ba na pwede pala sa loob. At kung iniisip niyo na masama ang balak ko sa pagtratrabaho eh basahin niyo ng paulit-ulit ang resume ko na hinihingi mo nakaka gana po kayo tsk." at nilampasan ako at ang opisina ko , aba may gana pa siyang sagot-sagotin ako..at san pupunta yon? Tinatanaw ko ang papalayong bulto nito at Xia pala ang pangalan niya bakit nakikita ko sa kanya si Zet bakit?

Zet Xhian Sandoval ikaw ba yan?
Kung oo wag mo kong pahirapan ng ganito patawad.

Xia's POV:

"Nakakainis!! Bwesit yung lalaking yun wala akong pakialam kung boss ko pa siya..
Ano bang gusto niya kumain akong mag-isa sorry siya pero hindi ako sanay bahala siya hindi ko siya papansinin." nanghilamos na ako at pagkatapos pinunasan ko ang mukha at lumabas na sa Cr at nagtungo sa opisina ng hinayupak kong boss.

Pipihitin ko na sana ang pinto ng tinawag ako ni Mark.
"Xia.." lumingon ako at ngumiti sa kanya, ngayon ko lang napansin na gwapo rin pala si Mark at napakaganda ng ngiti nito. "Oh anong kailangan mo Mark?" lumapit ako rito dahil napakalayo nito sakin.
"Pasensya ka na sa tinuran ni Sir kanina, ganon lang talaga yun pero sa lahat ng secretary niya ikaw lang ang ginanyan niya kaya naninibago ako." nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pagkakunot ng noo.
"Tsk wag mo ng intindihan yun ako dapat magpasensya sayo kasi ako naman ang sumalo sayo eh." Ngumiti lang ito at ganon rin ako. " Sege mauuna na ako baka lalong magwala ang lion sa loob niyan." Tinuro ko ang pinto na ikinatawa naming dalawa.

"Bakit ngayon ka lang? Reminder Miss Xia oras ngayon ng trabaho at hindi ang pakikipag-usap sa labas naiintindihan mo.." Inirapan ko lang siya at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa mesa ko. Manigas ka diyan hindi kita kakausapin kahit na boss kita wala akong pake ako kaya ang dehado dito PSH.
"Xia" tumaas ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang hininga niya.
"Jack..este Sir" napatayo ako habang sinasabi yun.
"Pa--ano mo nalaman ang pangalan ko?" nauutal nitong tanong sa akin.
"Diba pinadalhan mo ko rito ng mga Informations at schedules kay Mark.." "Mark na naman isang Mark pa talaga Xia isa na lang talaga." at umirap pa ito hanep rin eh at bakit ang init ng ulo nito kay Mark.
"Bahala ka..yun nga nagtanong ako tungkol sayo..hep wag ka munang magsasalita ako muna Pasensya kong nagtanong eh sa gusto ko eh pake mo ba Sir. Kaya ayon alam ko buong pangalan mo Sir Jack Kevin Ford." matapos kung magsalita bigla-bigla niya nalang akong niyakap at napugto ang hininga ko at hindi na rin normal ang tibok ng puso ko.
Sana hindi niya napansin nakakahiya Xia tumigil ka boss mo yan.
"I miss you" doon na ako mas nabigla sa sinabi niya bakit ganito ang nararamdaman ko bakit parang nagiiba ang pintig ng puso ko,sino ka ba talaga at anong koneksyon mo sakin Jack.
"Sorry may naalala lang ako just forget it at please wag ka ng kakain kasama si Mark simula bukas ako na ang palagi mong kasama, so just go on continue your work." At tuluyan na siyang bumalik sa sariling mesa at heto ako pugto pa rin ang hininga at mabilis ang tibok ng puso na umuupo at binaling ang intensyon sa mga gawain.

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon