Big Lost (CHAPTER 18)

35 0 0
                                    


Jack POV:

     
"Zet mahal kita ..mahal na mahal patawad.." nakaluhod na bangit ko dahil nanghihina ang buong sistema ko dahil sa huling sinabi niya, tinatanaw ko ang bulto ng babaeng nasaktan ko ng subra subra.

Nanatiling nakaluhod ako sa kalsada at tinatanggap ang mga sinabi ni Zet, ang sakit sakit na nakikitang nasasaktan ang babaeng mahal ko ng dahil sakin.
Gago ako eh, hindi ko man lang naisip na masasaktan siya kapag inilihim ko at lalo na at sa ibang tao niya pa nalaman. Nasapo ko ang noo ko dahil sa subrang daming iniisip. Napatingin ako sa taas ng maramdamang may tumulo doon, napapikit ako at hinihintay ang pagbuhos ng ulan. Ang lamig ng bawat patak nito, wala akong naramdamang ginaw siguro dahil sa nararamdaman kung sakit ngayon. Hindi ko parin matanggap na iniwan ako ni Zet, hindi ko naman siya masisisi dahil kasalanan ko naman kung bakit siya nagkaganon.

" Hihintayin kita Zet, palalamigin ko muna ang ulo at sakit na nararamdaman mo at sa panahong mangyari yun ipapakita ko sayo na talagang mahal kita at alam ko ang salitang mahal ." at uminit ang mga mata ko at sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko dahil sa subrang sakit. Tumayo ako at naglakad papunta sa kotse, pagkapasok ko ay hindi ko na inabalang punasan ang katawan ko nagpatuloy ako sa pagpapaandar ng makita at pinaharorot iyon papunta sa bahay.
Mas lumakas ang buhos ng ulan ng papunta ako sa bahay, halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko.
Laking pasasalamat ko at maayos akong nakauwi sa kabila ng malakas na ulan. Mabilis akong pumasok sa bahay at iniwan ko ang kotse sa labas dahil sa pagod na naramdaman ko. Dumeretso ako sa kwarto ko upang maligo at magpalit ng damit dahil nakakaramdam na ako ng matinding lamig. Mahigit dalawang minuto akong nasa banyo dahil hindi ako makakilos ng maayos dahil sa nanghihina kung sistema. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin, baka hindi ko mapigilan ang sarili kung yakapin siya dahil sa pananabik. Sumampa ako sa kama ng matapos akong magbihis, tumingin ako sa kisame at huminga ng malalim at pumikit. Pagod na ako mashado kailangan ko ng lakas para harapin si Zet bukas.

Zet POV:

     Umiiyak at basang-basang ang damit na umuwi ako sa bahay dahil nagpaulan ako kasi hindi ko kinaya ang nangyayari saming dalawa ni Jack.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay
Ay si mama agad ang bumungad sakin, mabilis na namasa ang mga mata ko at yumakap kay mama kahit basang basa ako.
"Nak..bakit anong nangyari?" alalang tanong into sakin at hinahagod ang likuran ko.
"Ma bakit pag nagmamahal ka dapat ka ring masaktan, *sob* hindi po ba pwedeng masaya nalang kasi ang sakit ma eh, subrang sakit sa puso. *sob*" umiiyak na sabi kay mama, ang sakit sakit na subra.
"Nak tahan na, umakyat ka muna at magbihis dadalhan kita doon ng makakain at doon ko sasagutin ang tanong mo." humiwalay ito sa yakap at pinatahan ako, tumango ako bilang sagot at umakyat sa kwarto upang maligo at magbihis.
Nakaupo na ako sa gilid ng kama gabang nagsusuklay at bigla nalang pumasok sa isip ko ang nangyari samin ni Jack kanina kaya hindi ko napigilang mapaiyak.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok , alam kung si mama yun kaya mabilis kung pinahid ang mga luha ko at binuksan siya ng pinto.
"Pwede ba akong pumasok anak?" tanong nito sakin na mabilis ko namang tinangohan at iniawang ang pinto upang makapasok ito.
Tahimik akong bumalik sa pagkakaupo sa kama at nakatangin sa kawalan.
"Zet tungkol ba yan sa nobyo mong si Jack?" mahinang tanong ni mama at lumapit sakin at umupo.
"Ma anong gagawin mo kapag may naglihim sayo at dahil sa lihim na yun nasira ang pagsasama niyo." tanong ko kay mama na nanatiling nakatingin sa kawalan, parang gripo ang mga mata ko dahil sunod-sunod iyong tumulo.
"Ma bakit kailangan pang maglihim kung *sob* alam mo namang may masasaktan ka?*sob* hindi na niya ako mahal hindi.." umiiling na humagolgol ako dahil sa sakit na nanumbalik sa puso ko, hindi ko kinaya ang mga nangyayari samin ngayon at lalong hindi ko kinaya na wala na kami ni Jack.
"Alam mo nak, ang pagmamahal ay hindi nasusukat kung paano kayo nagpapakita ng pagmamahal sa isat-isa. Kailangan niyo ring masaktan paminsan-minsan dahil nak hindi mo mahal ang taong yun kung hindi ka nasasaktan ngayon, lalong siya ang mas nasasaktan sa inyong dalawa dahil siya ang naglihim at hindi ikaw." paliwanag ni mama sakin dahilan para harapin ko siya at nagtanong.
"Ma kung mahal niya ako hindi niya ako sasaktan ng ganito, hindi siya maglilihim sakin na dahilan ng paghihiwalay namin." hindi ko na napigilan at nasabi ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Jack.
"Wala na kayo?" gulat na tanong ni mama sakin, kaya yumakap ako sa kanya at doon umiyak ng umiyak.
"Bakit umabot kayo sa ganito nak? Nagpaliwanag naman na siya?" sunod na tanong ni mama na hinahagod ang lukuran ko upang tumahan.
"Hindi ko siya pinaliwanag kasi *sob*  napuno ang puso ko ng galit at sakit non ma ..*sob* kaya pinagtabuyan ko siya at nakipaghiwalay." sabi ko na umiiyak sa balikat nito, hindi ko nakalimutan kung paano lumuha ang mga mata niya.
"Nak hindi tama ang ginawa mo, dapat ay pinaliwanag mo siya at hindi mo dapat inuunahan ng galit ang relasyon niyong dalawa. Kasi nak unang kita ko sa batang yun alam kung mahal ka niya at gagawin niya ang lahat upang hindi ka masaktan, nak sana hindi humantong sainyong dalawa ang pagkawasak ng puso dahil hindi madaling bumalik sa dati ang magagawa ng ngayon naiintindihan mo ba?" abiso nito sakin at tumango bilang sagot sa kanya, pabalik-balik sa utak ko ang huling sinabi ni mama napapikit ako dahil sa pagkagulo ng isip ko ngayon. Tama si mama kailangan kong narinig ang side niya, mahal ko si Jack hindi ako papayag na basta-basta nalang matatapos ang lahat ng samin. Jack magpapaliwanag ka sakin bukas na bukas at humanda ka sakin.

A|N: Oh My gosh what will happen next? Ay sira ako pala yung author hahah continue reading my story guys love yah😘

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon