Left (CHAPTER 27)

33 0 0
                                    


Jack POV:

     "Ano bang nangyari huh Iho? Bakit siya nasa hospital!" pagaalala na ani ng mama ni Zet, nakakuyom ang kamao ko dahil sa subrang gulo ng isip kung sasabihin ko ba na nasaktan ko siya or malubha ang kalagayan niya. "Tita, I'm sorry I didn't mean to I'm sorry" hindi ko alam
kung bakit yun ang nasabi ko pero gumaan ang loob ko.

"Jack Iho ipalipat mo ang anak ko dito sa Manila, gusto ko siyang makita nagmamak--aawa ako nag-aalala ako sa anak ko." nagsimulang pumiyok ang pagsasalita nito. "Opo bukas na bukas andyan napo siya aasikasohin ko po muna ang paglipat niya sa Manila." ani ko na walang tigil sa pagkuyom sa kamao, "Oh cge iho maraming salamat sana ok lang ang anak ko." "Cge ho mauuna na po ako."
pagbaba ko sa cellphone kaagad namalisbis ang luha sa mga mata ko at napaupo sa buhangin .

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawawala si Zet sakin, alam kung kasalanan ko dahil isa akong walang kwentang nobyo. Nabiktima lang rin ako sa kabaliwan ni Bea, kung sana alam ko kung ano ang ginagawa niya sana hindi to nangyari sana hindi ko nasaktan si Zet. Maraming sana ang nasa isip ko ngayon hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas upang harapin ang mga taong nagmamahal sa babaeng mahal ko at kung paano ko haharapin ang babaeng nasaktan ko ng subra-subra. "Sana hindi mo ko Iiwan Babe mahal na mahal kita patawad patawad dahil nasaktan kita pata--wa-d" pumipiyok na ani ko habang tumitingin sa maalong karagatan.

Ilang oras akong nanatili sa dalampasigan ng biglang tumunog ang telepono ko.
"Tapos na." Ani sa kabilang linya,
bahagya akong napangiti dahil sa sinabi nito. " Maraming salamat tatawagan kita ulit kung may kailangan pa ako." narinig kung mahinang natawa ang nasa kabilang linya bago ko patayin ang tawag. Nanlilisik ang matang tumingin ako sa dagat, "Bea patawad pero hindi ko na papalampasin ang ginawa mo sa babaeng mahal ko, walang kaikaibigan at walang kapakapatid." Tumayo na ako at tinungo ko ang silid na tinutuluyan ni Zet at kinuha ang mga gamit nito.

"Anong ginagawa mo Jack? Bakit kinukuha mo ang mga gamit ni Zet?" may pag-aalalang tanong ni Sarah, lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat bago magsalita.
"Sarah kailangan ko ang tulong mo..Nasa delikadong kalagayan si Zet ngayon at kailangan ko siyang bantayan nasa hospital siya ngayon at ililipat ko siya bukas sa Manila." mahinang sabi ko sa kanya na ikinagulat nito dahilan para mamutla siya.
"Paano?Bakit? Sino ang may gawa non kay Zet?" wala sa sariling tanong niya sakin na kaagad ko namang sinagot.
"Bea."binitawan ko na siya at muling binalikan ang mga gamit ni Zet, akmang kukunin ko na ang panghuling bag ay may humawak nito. " Sasama ako hintayin mo ko sa labas kukunin ko lang ang gamit ko." sabi ni Sarah at naunang lumabas sakin dala-dala ang bag ni Zet na hindi naman kalakihan. Napailing nalang ako at tinawagan si Kuya.

Bea's POV:

"Bilisan mo baka dumating na si Kev dito at baka maabutan tayo!" Mahinang singhal ko sa lalaking pinadala ng uto-uto kung Ex. "Opo Ma'am pasensya na po marami kasing nakakabit na tubo sa kanya." ani nito na ikinasingkit ng mga mata ko at nagpakulo ng dugo ko.
"Wala akong pakealam! Walang kwenta Bilis!" singhal ko dahilan para mabilis niyang nailagay sa wheelchair si Zet at maingat naming inilabas sa kwarto ng hospital na to. Tumingin ako sa walang malay na mukha ni Zet,
"Pasalamat ka binuhay pa kita haha mapapa sakin din si Jack ngayong ipapatapon kita sa malayo malandi ka." Ani ko habang maingat na tinungo ang exit ng hospital papunta sa sasakyan na pagdadalhan kay Zet papunta sa hindi ko alam.
"Oh yan itapon mo na yan! Wag na wag ka ng magpapakita sa akin ulit nabayaran na kita at saka siguraduhin mong hindi na makakabalik ang babaeng yan sa Manila." Seryoso kung ani sa Ex ko at bahagyang itinulak ang wheelchair ni Zet.
"Tsk hanggang ngayon baliw ka parin Bea at wag kang mag-alala makakarma karin." at pumasok sa sasakyan ganon rin ang lalaking utosan nito na sinakay sa sasakyan si Zet. Kumoyom ang kamao ko dahil sa inis bwesit na lalaking yun may gana pa siyang magsalita ng ganun sakin sino ba siya sa inaakala niya. Pero ngayon wala ng aagaw pa kay Kev sakin na siya simula ngayon sakin lang.

A|N: Pasensya na po kung natagalan ang update ko nawalan po kasi ako ng gana magsulat pero heto na po tatapusin ko po to salamat sa mga nagbasa 😊😘

Unexpectedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon