❤❤Nagising si CELINE na mabigat ang pakiramdam. She looked at her bedside clock. It's past 7am in the morning. Napabangon sya bigla ng makita ang isang tangkay ng rosas ang nasa tabi ng relo. Kaagad nyang dinampot ito nang mapansin ang papel na nakarolyo sa stem.
"Gosh! Pati rito sa bahay nakarating ang bulaklak na ito." takang kausap nya sa sarili. Sa shop lang kasi sya nakakatanggap nito. Kaagad nyang binuklat ang papel.
Maria,
I'm really sorry baby. Please don't hate me. I missed you already.
Nicholo.
"Nicholo?"
Wait! Wala naman syang kakilala na Nicholo. Binasa nya ulit ang nakasulat sa papel. Iisang tao lang ang naisip nya. Si Nix lang naman ang tumatawag sa kanya ng Maria.
"No! Imposible! Nakaalis na yon ng bansa Maria Celine! wag mo ng paasahin amg sarili mo." nalungkot na naman sya ng maalala ang binata. Malamang lumipad na yon pabalik ng Greece.
Bigla na namang kumirot ang puso nya. Bakit ba nya naiisip pa ang lalaking paasa na yon! Hahalikan sya at paasahin na sa kanya nakasalalay ang pagtatagal nito sa bansa then the other day iba na ang ihip ng hangin! Magpapaalam bigla na aalis.
Bitbit ang isang tangkay ng rose lumabas si Celine sa kwarto. Kahit na mabigat ang pakiramdam nya at parang lalagnatin sya. Kailangan nyang tapusin ang isang natitirang gown na gagamitin para sa fashion event nila sa Friday.
"Saan galing yan Maria Celine?" boses ng Ama nya ang nagpatigil sa kanya sa paglalakad. Nakasalubong nya ito papasok sa kusina. Nakauniporme na ito at mukhang papasok na ng trabaho. Nakatingin ito sa rosas na bitbit nya.
"Ha? Ah.. Ky Ella po Dad. May sakit po ako. She sent flower for me." agad syang umiwas ng tingin. Parang hindi yata naniwala ang Dad nya. May duda ang mga titig nito sa kanya at sa bulaklak.
"I think I saw that rose somewhere." napaisip ito. "Nevermind! Eat your breakfast and go visit hospital Princess. Ipasasamahan kita ky Nanay Mesing. I will call you time to time." nag aalala na sabi nito. Nanay Mesing is her yaya simula pagkabata.
"Dad I'll be fine. Pahinga lang po ang katapat nito. Ingat po kayo sa work." yumakap sya sa ama at humalik sa pisngi nito bago tuluyang pumasok ng kusina.
Kaagad syang dumeretso sa ref at kumuha ng isang box ng fresh milk.
"Princess gising kana pala anak. Ay sya maupo kana. Ako na ang maglalagay ng pagkain mo. Narinig ko ang usapan nyo ni Mike. May sakit ka pala." kaagad sya nitong pinaupo sa mesa. Ang nanay Mesing talaga masyado syang inaalagaan na parang bata.
"Nanay kaya ko na po." Pero kahit na araw araw nya itong sabihin. Pag sisilbihan pa rin sya nito kaya hinayaan na lang nya.
"Anak. Umiyak ka ba kagabe?kaya ba sumama ang pakiramdam mo? namimiss mo na ba ang mommy Clara mo? namumugto yata ang mga mata mo." usisa ng matanda. Halata ba nito ang mugto nyang mga mata?
"Nay. Uuwi din po si Mommy pag magaling na si Lola. Si Kuya Bernard at Kuya Jared kasi hindi rin makakabantay kay lola." akala siguro ng nanay nya namimiss na nya ang mommy nya. Totoong namimiss nya ito pero tumatawag naman. At baka makahabol raw ito sa event nila sa school.
BINABASA MO ANG
TBSBook3:Seductive Pleasure(complete)
General FictionMatured Content (R-18) Alexander "Nix" Montecillo - a handsome interpol agent. Ang alam ng lahat ordinaryong agent lang sya sa Pilipinas. But the truth is, he had a big mission. His boring wealthy life in Greece sent him off to go home in his mother...