Chapter 30- Faded memories

10.7K 279 11
                                    

❤❤

She is two weeks pregnant?! Kaagad nyang kinuha ang papel na nasa bag at tiningnan ang result ng sinabi sa kanya ng nurse na buntis sya. Hindi nya mapigilan ang sarili na maiyak ng makita na positive ang result.

This is a blessing for her and Nix!

"E--lla. . I'm pregnant!." hindi sya makapaniwala.

Mabilis naman tumango ang kaibigan na tulad nya ay nagulat rin.

Napalingon sya sa ginang na umalalay sa kanya kanina. Mukhang asawa nito ang lalaki na tumawag sa kanya kanina. The old woman is so beautiful. Mestiza ito at napakaputi. Kahit may edad na ay maganda pa rin ang pangangatawan at halata na mayaman.

"I'm okay na po. Sorry po sa abala." mukhang naabala pa nya ito.

"Okay lang iha. Makakapaghintay ang anak ko. Sesermonan pa yon ng ama nya." nakangiting sabi nito.

Nangiti sya sa sinabi nito. Baka naka confine rin ang anak nito sa hospital.

"O ayan Em okay kana ha. Haist! kinabahan ako don. Baka masakal ako ni Nix pag may nangyaring masama sa inyo ni baby." ana ng kaibigan.

"Nix?" mukhang nagulat ang ginang sa sinabi ni Ella.

"Tita asawa nya po." kaagad namang sagot ng kaibigan.

"Your are my son's wife iha?!" gulat na naibulalas ng ginang.

"Ano ho?!" gulat na sambit ni Ella.

Son? Mommy ba ito ni Nix? Ang asawa ba nya ang tinutukoy nitong anak?

"Ho? a-nak nyo po si Alexander?" hindi nya alam. Pero bigla syang kinabahan. Baka magalit ang ginang pag nalaman ang nangyari kay Nix.

Mahigpit na hinawakan nito ang mga kamay nya at ngumiti.

"Nakuha ang attention ko kanina ng tawagin ka ng nurse. Pamilyar ang mukha mo at ngaun ko lang napagtanto na ikaw nga ang pinakasalan ng anak ko." saad pa ng ginang. Kinuha nito ang cellphone sa bag at pinakita sa kanya ang picture na kuha nila ni Nix ng araw ng kasal nila. Mommy nga sya ni Nix.

"Tumawag sya sa akin ng araw na yan iha. Pagkatapos ng kasal ay nag send kaagad ito ng pictures nyo." nakangiti na kwento ng ginang.

"T--ita. I'm so sorry po sa nangyari kay Alex. ." hinging paumanhin nya. Panigurado na magagalit ito pag nalaman na ang Daddy nya ang dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay ni Nix.

"Bakit ka umiiyak? Tahan na iha." alo nito sa kanya. "Puntahan na muna natin ang anak ko ha." nakangiting sabi ng ginang at inakay na sila ni Ella patungo sa ICU.

Hindi nya malaman kung ano ang mararamdaman nya sa ngaun dahil kasama nya ang mommy ni Nix.

"Honey anong problema?!"

Napatingin si Celine sa matangkad na lalaki na tinawag ng ginang. He looks so bothered and worried. Nagulat sya ng mag angat ito ng mukha. Kamukha ni Nix. Posible na ito ang Daddy nya.

"Our son had an amn-" natigilan ito ng makita sya. "Is she our son's wife?" takang tanong nito sa ginang na ikinangiti ng isa. Kilala ba sya nito?

"Iha, ang asawa ko si Anton. Si Maria Celine asawa ng anak natin. At si Ella kaibigan nya. My good news kami honey!" biglang na excite ang ginang at hinimas ang flat nyang tyan na ikinagulat nya. "Magiging lolo kana!" natutuwang sabi nito.

Kinabahan sya sa naging reaksyon ng Ama ni Nix. Bigla naging seryoso ang mukha nito na kaagad naman napalitan ng malapad na ngiti ang mga labi.

Lumapit ito sa kanya at bigla na lang sya niyakap. Hindi alam ni Celine kung paano ikalma ang sarili sa sobrang pagkagulat sa mga nangyayari at reaksyon ng mga magulang ni Nix.

TBSBook3:Seductive Pleasure(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon