❤❤
Pagkatapos nyang bumisita kay Nix sa ICU. Kaagad na nagtungo si CELINE sa Daddy nya nasa private room na.
"Daddy!!" hindi nya napigilan ang sarili na umiyak habang nagmamadaling lumapit sa Ama at yumakap rito.
"Princess. . I'm so sorry baby!" gumanti ng yakap ang Dad nya.
May nakabenda sa balikat nito dahil siguro sa natamong tama ng baril.
"Daddy. . Thank God at ligta po kayo. I miss you. ." lalo syang napahagulgol.
"Buhay pa ako baby. Why are you crying like that?" biro nito at mahinang tumawa.
Bumitiw sya ng yakap at naupo sya sa tabi ng Daddy nya.
"Tse! You kept a secret from me Admiral Mc Arthur!" sumbat nya sa ama. Tumawa ito ng malakas.
"Okay ka na ba baby? Nahimatay ka raw sabi ng kuya Vander mo? Alam na ba ni Nix ang nangyari sa Dad mo?" nag aalalang tanong ny Mommy nya. Siguro ipinaalam ng mga kuya nya rito ang nangyari kaya kaagad na sumunod ito sa Manila.
"Okay lang ako Mommy. . Sumama lang ang pakiramdam ko dahil sa kinain ko kaninang umaga." marami syang gustong itanong sa Dad nya tungkol sa nangyari kagabe pero pinigilan nya ang sarili. It will break her Mom's heart. Mukhang walang alam ang Mommy nya na nag-agaw buhay si Nix dahil sa pagligtas sa Ama nya. " Si Alex-. ." naputol ang sasabihin nya sa Ina ng biglang bumukas ang pinto.
"Tito. ." napalingon silang lahat sa pintuan ng biglang pumasok si Ella her bestfriend. "I heard the news Tito. Okay na po ba kayo? Hello po Tita." nagbeso ito sa Mommy nya at iniabot ang isang basket ng prutas.
"I'm fine iha. . Samahan mo muna itong si Princess umuwi ng makapagpahinga ha?" napatayo sya sa sinabi ng Ama.
"I will stay here Dad. Aalagaan kita." at hindi sya aalis hanggat di pa nagigising si Nix.
"Tara na Em. Babalik na lang tayo mamaya okay? You looked so pale. May sakit ka ba?" puna ni Ella sa kanya. Namumutla pa rin ba sya? hindi nga pala sya nakakain ng tanghalian.
"Tama ang Dad mo baby. Umuwi kana muna ako na mag babantay rito. Sobrang putla mo nga. Sleep more at bumalik ka na lang rito pag okay na ang pakiramdam mo." sabi ng Mommy nya.
"Ihahatid ko na kayo Princess!" alok ng kuya Vander nya.
"Ah.. No need na kuya. May dala akong sasakyan e. Ako na ang bahala kay Celine." sabat ni Ella.
"Okay. Ako na muna at si Mama Clara ang bahal rito Princess." ngumiti lang sya ng tinapik nito ang balikat nya.
Tumingin ng makahulugan ang Daddy nya sa kanya kaya napapilitan syang sundin ang utos nito.
"Pagaling ka Daddy. Babalik po kami ni Ella rito mamaya." yumakap sya sa mga magulang bago tuluyang lumabas sa kwarto.
"Friend nga pala. Nakasalubong ko si Kuya Jared sa pasilyo kanina. May kausap na tatlong lalaki. Mukhang mga bigtime bodyguards. Yung tipong ala James Bond ang dating. Naka suit at ang popogi ha. Mga foreigners." kinikilig na kwento nito. "Sino kayang VIP na nakaconfine rito?mukhang kilala ng mga kuya mo." takang tanong ng kaibigan nya. Kahit sya ay nagtataka rin. Base sa sinabi ni Ella mukhang mga bodyguards ng high profile person.
"Tara na. Mamaya kakausapin ko ang Kuya Jared." kumapit sya sa braso ng kaibigan at hinila na ito.
"Mrs. Montecillo sandali ho?" marahas syang lumingon sa nurse na nagmamadaling lumapit sa kanila ni Ella at may bitbit itong isang papel.
BINABASA MO ANG
TBSBook3:Seductive Pleasure(complete)
General FictionMatured Content (R-18) Alexander "Nix" Montecillo - a handsome interpol agent. Ang alam ng lahat ordinaryong agent lang sya sa Pilipinas. But the truth is, he had a big mission. His boring wealthy life in Greece sent him off to go home in his mother...