🎵Magmula ng nagkalayo.🎵
Araw gabi nalulungkot.
Di matanggap ng damdamin,
Na ikaw ay hindi na akin.🎵Pa'no ang gagawin ko.🎵
Nasana'y na sa piling mo.
Sana'y hindi tayo nagkalayo.🎵Sana'y naririnig mo.🎵
🎵Hindi ko kaya ang limutin kita.🎵
Masdan mo lumuluha
ang aking mga mata.🎵Pilitin ko man ako'y nasasaktan.
Ang katotohanan ay mahal parin kita.🎵❤❤
"Can we talk about us?" pormal na tanong ni Nix.
Marahas syang lumingon sa binata.
"Can you give me some time to spend with my family?! We just arrived. Kung tungkol sa kasal ang gusto mong pag usapan. Send me your address. Ako na mismo ang magpapadala ng annulment papers." inis na sambit nya at mabilis nyang tinalikuran ang binata. Padabog na pumasok sya sa loob ng bahay.
Nabw'sit sya bigla! Kakarating lang nila at gusto nito kaagad na mag usap sila tungkol sa annulment. Ganito ba talaga ka atat ito na ma annul kaagad ang kasal nila? Napailing sya. Wala itong ipinagbago six years ago! Lalo lang nadagdagan ang sama ng loob na naramdaman nya.
"Princess!! Welcome home!" masiglang bati ng mommy nya pero hindi nya ito pinansin at deretsong umakyat sa kwarto nya. Pinahid nya kaagad ang mga luha na nag uumpisa na naman tumulo sa mga pisngi nya. Bakit sobra pa rin syang nasasaktan at apektado sa binata? Bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat? Anim na taon na ang lumipas at akala nya ganon na sya ka tatag at handa na harapin si Nix. Pero nag kakamali sya.
Deretso syang pumasok sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Kaagad nyang tinakpan ang mukha ng unan. Panigurado na susunod ang anak nya. Ayaw nyang makita nito ulit na umiiyak sya.
She needs to control her feelings! Maapektohan ng husto si Chan pag ganito ang inasal nya sa harap ng anak. Ilang minuto syang tahimik na umiiyak ng dalawin sya ng sobrang antok.
------
Mahinang katok ang narinig nya kasunod ng malalaking hakbang papasok.Nakatulog pala sya. Ilang minuto ba syang naka idlip? Ang mommy nya siguro ito at si Chan. Nanatili syang nakapikit. Parang sumama nga talaga ang pakiramdam nya. Bigla syang nagutom ng maamoy ang pagkain na dala ng dalawa.
"Mhie gising kana ba? okay na ba pakiramdam mo?" nag aalalang tanong ng anak. Akma syang babangon ng marinig ang kasunod na sinabi ng anak.
"Thank you po Tito Nix. Pakilapag na lang po ang tray sa bedside table." magalang na sabi ng anak nya.
Bakit nandito pa rin si Nix?! at talagang sumama pa sa loob ng kwarto nya kasama si Chan. Hindi man lang ba ito pinigilan ng Mommy nya?!Ganito ito ka welcome sa bahay nila?!
"Your Mom is still mad at me baby. Can you take care of her?." malambing na tanong nito ky Chan.
"Yes po. Tito Nix. Bakit po ba mag kagalit kayo ni Mommy?" pang uusisa ng anak nya.
Walang alam si Chan tungkol sa mga nangyari noon.
Kaagad syang gumising at mabilis na naupo sa kama ng hindi tumitingin sa dalawa.
"Mhie! Nagising ka ba namin? Here! Have some soup." lumapit kaagad sa kanya ang anak at yumakap ng mahigpit.
"Lalabas na muna ako baby. If you need anything sa baba lang ako." paalam ni Nix.
BINABASA MO ANG
TBSBook3:Seductive Pleasure(complete)
General FictionMatured Content (R-18) Alexander "Nix" Montecillo - a handsome interpol agent. Ang alam ng lahat ordinaryong agent lang sya sa Pilipinas. But the truth is, he had a big mission. His boring wealthy life in Greece sent him off to go home in his mother...