Chapter 33- Untold Secret

12K 283 5
                                    


❤❤

Gusto sana ni CELINE na kausapin si Ella tungkol ky Nix pero hindi na nya nagawa dahil dumating ang mga pinsan bago mananghalian at kasama ng mga ito ang asawa't mga anak. Natutuwa sya at finally nag settle down na rin ang mga ito. Like her kuya Paul na tumigil na bilang SEAL. Her kuya Vander na si Amara ang nakatuluyan. Her kuya James had a wife also. Nakilala nya daw ito sa Cebu. Ang kuya Jared at Bernard na lang ang natitirang bachelor.

Naging masaya naman ang salo salo nilang mag anak at natutuwa ang mga pinsan na makilala si Chan. Pero hindi nag tanong  ang mga ito tungkol sa Ama ni Chan. O kahit mag kwento tungkol sa nangyari noon. Walang alam ang pamilya nya tungkol sa Ama ni Chan.

Ang Daddy naman nya ay hindi nya rin nasumbatan tungkol sa pagkuha nito ky Nix bilang bodyguard nila. Agent Nix ang pakilala nito ky Chan. Ibig bang sabihin hindi tumigil sa trabaho ito kahit na ilang beses ng nanganib ang buhay nito? Kahit mismong mga magulang nya ay hindi sya tinatanong tungkol sa Ama ni Chan.

She is hoping na baka makasalo nila ito sa haponan pero walang Nix na dumating.

Malalim na napabuntong hininga sya at inilibot ang paningin sa buong kwarto nya. Six years had past at pakiramdam nya walang nag bago. She is still the same Maria Celine who fell in love and got married at 18. Napangiti sya ng makita ang mga notes nakadikit sa wall nya. Kung hindi kaya sya lumayo noon makikilala nya kaya ang wierdong si Nicholo? Lumapit sya sa mga notes at kumuha ng isa at binasa ito.

Sometimes there might
be a second chance
because time was'nt ready
for the first one.

Second chance? meron pa bang darating na ganon para sa kanila ni Nix? E may girlfriend na ang binata!

"Haist! bat ko ba naiisip ang lalaki na yon!" napasabunot sya sa sariling buhok.

Mabilis syang bumalik sa kama at nahiga katabi ni Chan. Napangiti sya ng makita na mahimbing na natutulog ito. Kahit papaano ay nawala ang inis nya ky Nix. Marahan nyang hinaplos ang mukha ng anak. Nang isinilang nya ito lahat ng sakit at sama ng loob na ikinimkim nya ng mahabang panahon ay naglaho kagaad. She is the happiest Mom on earth dahil nag silang sya ng isang napagandang batang babae.

Tama si Ella. Habang lumalaki si Chan ay nagigin kamukha nito ang Ama.

"Sleep tight my baby Chandria.. Mommy loves you so much." yumuko sya at hinalikan ang anak sa nuo.

Umayos sya ng higa para matulog na rin ng biglang tumunog ang cellphone nya.

Numero lang ito. Kaagad nyang binuksan ang message baka isa sa mga kaibigan nya.

Gising pa ba si Chan?

Nangunot ang nuo nya. Sino naman ito at ang anak ang hinahanap? Hindi nya pinansin ang text. It's already past 9. Maaga nya laging pinapatulog si Chan.

Papatayin na nya sana ang ilaw ng tumunog ulit ang phone nya.

It's me. Alexander. Pwede ko bang yayain si Chan mag mall bukas?

Napasinghap sya sa nabasa. Alexander? Si Nix ba ang nagtetext sa kanya? paano ito nag karoon ng number nya? Kaagad syang nag type ng reply nya sa binata.

Tulog na si Chan.

Bwsit na lalaki to at talagang ipapamukha pa yata sa kanya na mas interasado ito sa anak nya.

TBSBook3:Seductive Pleasure(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon