❤❤
Kanina pa humahaba ang leeg ni CELINE kakasilip sa pintuan ng condo unit ng kaibigang si Kaizer. Hindi nya alam kung bakit bigla na lang ito sumulpot sa bahay nila at sinundo sya. Pumayag na man kaagad ang mommy nya dahil kilala naman nito ang kaibigan. Halos mag hahating gabe na pero hindi pa rin dumarating si Nix. Sa Palawan pa kaya ito manggagaling at ang tagal dumating? Napasimangot na naman sya ng maalala na my babae itong kasama. Narinig nya kasi ang boses ng babae sa kabilang linya ng makausap nya ito sa cellphone kanina. Kaya ba sya narito dahil utos ni Nix yon sa kaibigang si Kaizer?
"Celine you take a nap. Kami na ang mag hihintay ky Montecillo." untag sa kamya ni Kaizer.
"He's here and-" nabitin sa iri ang sasabihin ng isa sa mga lalaki na kasama nya rito. "He's with someone." napalingon sya sa lalaking maputi at singkit ang mata. Nakatingin ito laptop habang nag sasalita.
Napahalukipkip lalo si Celine sa narinig. Lalo lang nag init ang ulo nya. Mabilis syang humiga sa mahabang sofa at nagkunwaring tulog ng marinig ang pag click ng pintuan. She closed her eyes tightly and cover it with her both arms. Narinig pa nyang mahinang tumawa si Kaizer sa inakto nya.
"Now pretending to be asleep!" tumawa pa ang kaibigan sa inakto nya. Sasagot sana sya ng marinig ang malalaking yapak papasok kasabay ng nag aalalang boses ni Nix.
"Where is Maria?!" bungad na tanong ni Nix sa mga kaibigan. Pero wala syang narinig na sagot mula sa apat na lalaki.
"Whoah! May chix ka pang kasama." biglang basag ni Kaizer sa katahimikan. Lalong nayamot si Celine sa narinig at sumipol pa talaga ng nakakaloko ang kaibigan.
"Shut up!" malakas na singhal ni Nix. Jusko! Mukhang papalapit ang binata sa kanyang pwesto.Ipinikit nya lalo ang mga mata at pinigilan ang hininga.
"I know your not sleeping Maria Celine. Get up now." malumanay ngunit my awtoridad na sabi ni Nix ng makatapat sa kanya.
No! Hindi tayo bati may babae kang kasama! lihim na kausap nya sa sarili. At lalong ipinikit ang mga mata nag maramdaman nyang yumuko ng kaunti si Nix para silipin ang mukha nya. Gosh! Ang bango ng hininga nito na tumatama sa pisngi nya.
"Get up now baby before I kiss you in front of them." banta pa nito sa kanya.
Kaagad na iminulat nya ang mga mata at umayos ng upo sa sofa. Mukhang hindi pa naman nag bibiro si Nix at totohanin ang banta nito. Sumalubong sa kanya ang nag aalalang mukha nito. Humalukipkip sya at umirap. Napangiti ng bahagya si Nix sa inakto nya kaya lalo syang nainis.
"Miss Celine are you okay?" Napatanga sya sa nag salita mula sa likuran ni Nix. Kilalang kilala nya ang boses ng babae.
"A-te Raine?." sumilip sya ng kaunti. Laking gulat nya ng mamukhaan ito. Ito ba ang kasama ni Nix na babae? Hindi nya kailanman makakalimutan ito kahit isang beses lang nya nakita at nakausap. Humanga kasi sya ng husto sa kaangasan na taglay ng dalaga at ang astig nito kung gumalaw.
Nagulat si Celine ng bigla na lang tumabi sa kanya si Nix at niyakap sya ng mahigpit.
"Thank God your safe!" marahang bulong nito sa kanya. Bakit nag aalala ang mga ito sa kanya? Bigla syang nailang sa higpit ng pagkakayakap sa kanya ni Nix at panay pa ang halik sa nuo nya.
"I'm fine. Why is that both of you looked so worried about me? Ate magkakilala ba kayo nitong si Alexander?" takang tanong nya ky Raine. Ito ang nag abot sa kanya noon ng isang basket ng prutas ng magkasakit sya. Galing daw kay Agent Light. Bumitaw ng yakap si Nix sa kanya at mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay nya.
BINABASA MO ANG
TBSBook3:Seductive Pleasure(complete)
General FictionMatured Content (R-18) Alexander "Nix" Montecillo - a handsome interpol agent. Ang alam ng lahat ordinaryong agent lang sya sa Pilipinas. But the truth is, he had a big mission. His boring wealthy life in Greece sent him off to go home in his mother...