Prologue

117K 1.5K 56
                                    

(a/n: ito na po ang book 4 ng Bachelor's Pad series. out pa po sa mga bookstore ang series na ito kaya sana po makabili kayo ng book version. marami pong salamat at enjoy reading!)


Few years ago

"HI, JAY!"

Na-freeze ang ngiti ni Jay sa babaeng nakilala lamang niya sa dance club nang marinig ang pamilyar na tinig ng isang babae. Sa isang iglap ay nasiguro niya na hindi magiging maganda ang kahahantungan nang gabing iyon.

"Jay!" muling tawag ng tinig.

Na-distract na ang babaeng nilalambing niya at lumampas ang tingin sa kanya. Pasimpleng napabuntong-hininga si Jay at nanghihinayang na pinukol ng huling tingin ang babaeng balak sanang karinyuhin sa gabing iyon bilang reward sa sarili dahil may naipanalo siyang kaso. Matapos ang ilang linggong halos pagtira na niya sa opisina sa law firm ay ngayon lang siya may oras para mag-relax.

'Looks like tonight is not a good night for me, naisip ni Jay bago nilingon ang babaeng tumawag na naman sa kanya.

Crazy Ana.

Maganda at sexy si Ana. Kung tutuusin ay ang babae ang tipo ni Jay. In fact, they had a one-night stand months ago. Subalit may personal rule na mahigpit niyang sinusunod—never sleep with a woman twice. Dahil aasa ang babae na may mas malalim na patutunguhan ang nonexistent relationship nila. Kaya palagi niyang nililinaw ang tungkol sa kanyang rule sa lahat ng babaeng nakikilala. Pumapayag naman ang mga ito. Katunayan, nagiging kaibigan pa niya ang mga babae na para bang walang isang gabing namagitan sa kanila.

Pero ang isang ito, may problema, frustrated na naisip ni Jay nang lumampas ang tingin ni Ana at napunta sa babaeng kasama niya sa bar counter. Nawala ang ngiti ni Ana at tumalim ang tingin na para bang may karapatang magalit kung may iba siyang kasama. At nang makalapit sa kanya ang babae ay kumapit pa ito sa braso niya.

"Who are you?" gigil na tanong nito sa babaeng kasama niya.

Tumiim ang mga bagang ni Jay at kumalas sa hawak ni Ana. "It's none of your business," usal niya bago sinulyapan ang kasama niya. "Sorry, Lovely, let's meet next time."

Nanghihinayang na pinukol siya ng tingin ng babae bago umalis. Sinaid niya ang laman ng baso at tinawag ang bartender upang magbayad. Mabuti pang umalis na siya. Ayaw niyang magtagal doon ngayong naroon na naman si Ana. Hindi pa naman niya kasama si Charlie dahil ang kaibigan naman niyang iyon ang nagkukulong sa opisina nito sa law firm.

"See you around." Pilit na tinapunan ni Jay ng tingin si Ana bago nagtungo sa entrada ng dance club. Subalit bago pa siya makalayo ay nakakapit na naman sa braso niya ang babae.

"Wait. Ngayon lang uli tayo nagkausap nang ganito, aalis ka na agad? We're closer than that, right? Or do you want me to go home with you?" bulong pa ni Ana sa kanyang tainga. Mapang-akit ang tinig nito pero mariin na nakakapit sa kanya na para bang hindi siya binibigyan ng ibang pagpipilian kundi ang pumayag sa gusto nito.

Shit, shit, shit! This woman is really scary. Noong una silang nagkakilala ni Ana ay ni hindi sumagi sa isip ni Jay na mangyayari iyon. Bago magtungo sa hotel ay matino ang naging usapan nila na hanggang isang gabi lang sila. Subalit sa mga sumunod na gabi ay palagi silang nagkakasalubong kahit saang club siya magpunta at palagi itong umaakto na para bang may relasyon sila. Palagi niyang sinasabi kay Ana na hindi mangyayari ang pinapantasya nito pero tila hindi tumitimo sa isip ng babae ang tungkol doon. At dahil hindi siya ang tipong gumagamit ng pisikal na puwersa para magtaboy ng babae ay iniiwasan na lang niya. Pero ngayon ay mukhang kailangan niya ng himala para makalayo kay Ana.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon