Part 33

37.2K 852 13
                                    

PAGSAPIT ng Linggo ay hindi mapakali si Jay. Hindi niya kailangang magtungo sa law firm sa araw na iyon at noon ay palagi siyang may pinupuntahan kapag ganoong araw. Subalit mula nang magdesisyong talikuran ang nightlife at kung ano-ano pang kalokohan ay natagpuan niya ang sarili na wala namang magawa sa araw na iyon. Lalo na at wala namang tao sa common area kapag araw dahil lahat ng residente ay may pinagkakaabalahan.

Si Keith ay tulog sa umaga. Ang maiingay naman na sina Brad at Art, sa pagkakaalam niya ay may shooting para sa kani-kanilang proyekto. Ang kaibigan niyang si Ryan ay nagtatrabaho kahit Linggo dahil hindi naman marunong mag-off ang taong iyon. Ganoon din ang iba pang residente na may mga negosyo at kompanyang pinapatakbo. Si Draco, kapag nasa Pilipinas, madalas ay nagkukulong sa unit nito na nagsisilbing studio rin dahil gumagawa ng disenyo para sa mga tattoo at tribal paintings. At ang mga lalaking may kasintahan ay lalabas naman kasama ang mga nobya.

Plano sana ni Jay na lumabas kasama sina Cherry at Justin kapag Linggo mula sa araw na iyon pero tinanggihan naman siya ng babae noong tumawag siya rito. Bigla na naman niyang naalala ang kaseryosuhan sa tinig nito nang mag-usap sila. Masaya siya na sa wakas ay handa nang buksan ni Cherry ang sarili sa kanya. Ngunit sa kabilang banda ay hindi niya maiwasang mag-alala. At may palagay si Jay na kapag nanatili siya sa loob ng kanyang unit maghapon ay wala siyang aatupagin kundi ang bumuo ng iba't ibang senaryo patungkol sa gustong sabihin sa kanya ni Cherry.

Bumubuntong-hiningang lumabas si Jay ng kanyang unit para magtungo sa coffee shop o sa kung saan, basta makalabas lamang. Nagkagulatan pa sila ni Charlie na kalalabas lang din ng unit nito. Sa iisang floor kasi sila nakatira.

"Magkikita kayo ni Jane?" tanong niya sa kaibigan.

"Oo."

Mabilis na gumana ang kanyang isip at ngumiti. "Iistorbohin ko kayo sandali, puwede ba?"

Nalukot ang mukha ni Charlie. "No."

Natawa si Jay at tuluyang lumapit sa kaibigan. "Sandali lang. May kailangan lang akong itanong sa kanya tungkol kay Cherry."

Lalo pang kumunot ang noo ng lalaki. "Bakit hindi mo na lang sa akin itanong kung ano man 'yan?"

"Dahil sigurado akong hindi mo alam. Best friends sila ni Jane, hindi ba? May mga sinasabi ang mga babae sa matalik nilang kaibigan na hindi nila sinasabi sa pamilya nila."

Umangat ang kilay ni Charlie pero saka lamang muling nagsalita nang makasakay na sila sa elevator pababa.

"Akala ko ba hihintayin mo ang kapatid ko? Bakit gusto mong magtanong kay Jane?"

Napabuga ng hangin si Jay at napahawak sa batok. "Because she's acting weird. Dapat magkikita kami ngayon pero bigla niyang sinabi na may kailangan siyang gawin. Bago iyon ay ilang beses ko siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot. She told me the night we talked that she would tell me everything the next time we meet. Pero hindi ako mapakali. Pakiramdam ko, hindi lang basta sekreto ang gusto niyang sabihin sa akin. Hindi siya magiging ganoon ka-tense kung hindi. Kaya gusto kong magtanong kay Jane kung may alam siya kahit kaunti."

Ilang sandaling tila nag-isip si Charlie bago bumuntong-hininga at tumango. "Fine. Pero sandali ka lang. And then you will leave us alone."

Ngumiti siya at tinapik ang balikat ng kaibigan. "Salamat, pare."

Napailing si Charlie. "Just don't hurt my sister or our friendship will be over."

"I won't do that," seryosong sagot ni Jay. And he mean it.

SA ISANG coffee shop sa Makati raw magkikita sina Charlie at Jane. Pagkatapos niyon ay may pupuntahan daw ang dalawa. Dahil gusto naman ni Jay na bigyan ng privacy ang dalawa ay hinayaan niya na si Charlie na lang ang pumasok sa loob. Nanatili siya sa parking lot at nakapamulsang sumandal sa gilid ng kanyang kotse.

Ilang minuto ang nakalilipas nang mapalingon si Jay sa glass door ng coffee shop at makitang palabas na mula roon sina Charlie at Jane na magkahawak-kamay. Napaderetso siya ng tayo at hinintay na makalapit sa kanya ang magkasintahan.

Base sa alanganing ekspresyon sa mukha ni Jane ay mukhang nasabihan na ito ni Charlie tungkol sa kanyang pakay. At kung pagbabasehan din niya ang pagkakangiwi ng babae ay mukhang tama siya ng hinala na may alam itong hindi sinasabi kahit kanino.

"Jay, kung ano man ang gusto mong malaman, kay Cherry mo na lang itanong, please?" agad na sabi ni Jane hindi pa man siya nakakapagsalita.

Napabuntong-hininga si Jay at akmang magsasalita nang lumampas ang tingin niya sa magkasintahan patungo sa kabilang bahagi ng kalsada, sa entrada ng ospital na katapat lamang ng coffee shop. Malayo iyon sa puwesto nila at sa ibang pagkakataon ay baka hindi iyon pagtutuunan ni Jay ng pansin. Subalit naging likas na sa kanya ang matalas na pakiramdam at mabilis na rekognisyon lalo na kung tungkol kay Cherry. At kahit malayo ay sigurado siya na ang babaeng nakikita niya sa entrada ng ospital ay si Cherry.

Ano ang ginagawa nito sa ospital? Iyon ba ang sinabi ni Cherry na gagawin nito kaya hindi sila puwedeng lumabas sa araw na iyon?

Naningkit ang mga mata ni Jay at napaderetso ng tayo nang mapagtanto na hindi nag-iisa si Cherry. May lalaki sa tabi nito at nag-uusap ang dalawa habang nakahawak ang kamay ng lalaki sa siko ni Cherry.

"Jay, what's wrong with you?" nagtatakang tanong ni Charlie nang marahil ay mapansin na wala na sa mga ito ang atensiyon niya.

Tumiim ang mga bagang niya at sumulak ang pagrerebelde sa dibdib nang biglang iharap ng lalaki si Cherry at niyakap.

"Shit! Sino ang lalaking 'yon?" gigil na bulalas ni Jay.

Gulat na napalingon din sa tinitingnan niya sina Charlie at Jane.

"Si Cherry 'yon, ah," komento ni Charlie.

"Yes. At may kasama siya. Sino 'yon?" tanong ni Jay na matiim pa rin ang tingin sa eksena sa entrada ng ospital.

Naalis lang ang tingin niya roon nang mapasinghap si Jane at sa wakas ay nagsalita.

"Oh my, si Jomari 'yon! Ano'ng ginagawa niya sa Pilipinas? Ang alam ko, matagal na siyang nasa Amerika."

"Jomari who?" tanong ni Jay, subalit nang makita ang pagdilim ng mukha ni Charlie at ang namumutlang mukha ni Jane ay parang alam na niya ang sagot bago pa man magsalita ang babae.

"Cherry's ex-boyfriend."

Marahas na napamura siya sa isip at naikuyom ang mga kamay. "So siya ang nakadisgrasya kay Cherry at basta na lang siya iniwan. At ngayon, bigla siyang sumulpot at kung umakto ay parang walang ginawang masama? Ang lakas ng loob na lumapit uli kay Cherry!" galit na bulalas niya, pagkatapos ay hindi na nakatiis na naglakad papunta sa dalawa.

"Wait, Jay! Mali ka ng iniisip!" mabilis na bulalas ni Jane at tinangka pa siyang hawakan sa braso subalit hindi siya naabot. "Charlie, sundan natin siya," narinig pa niyang tarantang sabi ni Jane subalit hindi niya binagalan ang kilos.

Lalo na at nakita niyang ngumiti si Cherry sa kung ano mang sinabi ng Jomari na iyon. Para bang hindi nararamdaman ng babae ang presensiya niya gayong siya ay nakita ito kahit malayo sila sa isa't isa.

Ganoon ba kasaya si Cherry na makita si Jomari? Sinabi na ba ng babae sa dating kasintahan ang tungkol kay Justin at nagdesisyon na makipagbalikan? Iyon ba ang gustong sabihin sa kanya ni Cherry kapag muli silang nagkita? Kaya ba sobrang seryoso ng tono nito? Like all the people he cared for, was she planning to leave him, too?

I won't allow that, determinadong naisip ni Jay nang makatawid na siya at mas malapit na kina Cherry at Jomari. Naririnig na niya ang pag-uusap ng dalawa.

"Salamat sa pagsama mo sa akin ngayon," sabi ng lalaki.

"Wala 'yon. Masaya ako na kahit papaano ay napanatag si Lolo Felix. At masaya ako para sa 'yo na mukhang tanggap ng pamilya mo ang totoo," sabi naman ni Cherry.

"Yes. They were thankful that you agreed to go with me. Masaya si Lolo na malamang may fiancée ako."

Fiancee? Parang sinipa si Jay nang ilang beses sa sikmura sa narinig. At nang makitang pinisil ng lalaki ang kamay ni Cherry ay tila lumobo ang kanyang ulo.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon