Part 9

44.4K 1K 22
                                    

SANDALI lang na tila nabigla ang lalaki pero mukhang agad ding naramdaman na higit na malakas si Jay kaysa rito kaya tumalikod na lamang at lumayo.

Subalit hindi kasimbilis ng lalaki ang recovery ni Cherry dahil kahit wala na ang lalaki sa paningin niya ay parang hindi pa rin siya nakabawi sa pagkabigla na tinulungan siya ni Jay. Akala talaga niya ay magkukunwari na naman ang binata na hindi siya nakita. Tuloy, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon.

Hindi pa rin inaalis ni Jay ang pagkakaakbay sa kanyang balikat at halos nakalapat na ang likod niya sa katawan ng binata. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso at pakiramdam niya ay nanayo ang mga balahibo sa batok. It had been a very long time since she last felt like this just by being near a man. At kay Jay pa niya iyon nadama. Nilukob siya ng takot at pagkataranta.

Tumikhim si Cherry nang sa wakas ay mahamig ang sarili. Subalit bago pa makapagsalita ay naramdaman na niyang yumuko si Jay hanggang halos dumikit na ang mga labi nito sa tainga niya.

"Nasaan ang mga kaibigan mo? Hindi ka dapat humihiwalay sa grupo mo kapag nasa ganitong lugar ka," usal ng binata na may bahid ng paninita ang tinig.

Subalit hindi doon natuon ang atensiyon ni Cherry. She was momentarily dazzled by his low and husky voice that was mixed with the scent of mint and brandy.

Alam niya na imposibleng sinasadya ni Jay na gamitin ang tonong iyon. Subalit hindi niya maiwasang isipin na marahil kung ibang babae lamang siya, may pakiramdam siyang ginagamit ng binata ang tonong iyon upang mang-akit. Marahil, iyon ang tono ni Jay kapag nakikipag-usap sa mga babaeng interesado ito. Kung ganoon ay hindi na siya nagtataka kung bakit hindi nahihirapan si Jay na kumuha ng babae o kung bakit baliw na baliw pa rin si Jamie sa lalaking ito.

Medyo umepekto kay Cherry ang mapang-akit na tinig ni Jay. Tila may mga paruparong nagwala sa kanyang sikmura nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang tainga. Huminga siya nang malalim upang kalmahin ang nagwawalang hormones na inakalang matagal nang hindi gumagana.

Matapos niyang ipanganak si Justin ay hindi na niya naramdaman ang tila maliliit na boltahe ng kuryenteng gumagapang sa katawan dahil lamang nadikit ang kanyang balat sa isang lalaki. O sa sitwasyong tulad ngayon na may lalaking bumulong sa kanyang tainga.

"Abala sila sa pagsayaw. May mga partner sila kaya hindi naman nila ako hahanapin. Isa pa ay pauwi naman na talaga ako," usal ni Cherry at lakas-loob na nilingon ang binata. Agad din niyang pinagsisihan iyon dahil hindi pa pala inilalayo ni Jay ang mukha sa kanya. Halos maglapat ang kanilang mga labi nang lumingon siya.

Sabay pang nanlaki ang mga mata nila ni Jay at tila pareho nilang nahigit ang paghinga sa labis na pagkakalapit ng mga mukha nila.

Nag-init ang mukha ni Cherry at parang napasong umatras upang magkaroon sila ng distansiya. Lumuwag ang hawak ni Jay sa balikat niya hanggang tuluyan na nitong ibaba ang braso.

Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. "I have to go now." Tumalikod na siya at akmang maglalakad na nang muling maramdaman ang kamay ni Jay na humawak sa braso niya. Nagtatakang napalingon siya.

"Sasamahan na kitang lumabas. I'm about to go home, too."

Kumunot ang noo ni Cherry at bago pa makapagsalita ay hinatak na siya ni Jay palayo sa bahagi ng club na siksikan ang mga tao. Mariin niyang itinikom ang mga labi at pinigil ang mga salitang nais sabihin. She would save it until they were outside.

"Nasaan sina Ross? Hindi mo ba sila kasama?" bulalas niya nang sa wakas ay nakalabas na sila ng club.

"Umalis na sila kanina pa," sabi ni Jay na hindi tumitingin sa kanya. Hawak pa rin nito ang braso niya kahit pa bumagal na ang paglalakad nito hanggang huminto na sa sidewalk.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon