Part 36

41.9K 980 54
                                    

Nang dumating si Cherry sa malaking bahay ng pamilya ni Jamie ay marami nang tao. Dim na rin ang ilaw sa loob at sumasayaw ang strobe lights. Malakas ang tugtog at ni hindi niya makita ang kanyang mga kaibigan pero binale-wala niya iyon. Hindi naman iyon ang unang beses na nagpunta siya sa bahay ni Jamie at dumalo sa house party kaya kabisado na niya ang pasikot-sikot doon. Madali siyang nakarating sa kusina na walang katao-tao.

Binuksan ni Cherry ang malaking refrigerator at naglabas ng apat na bote ng beer. Pagkatapos ay sumalampak siya ng upo sa isang stool, binuksan ang mga bote, at nagsimulang uminom. Hinayaan niyang humagod sa lalamunan at sikmura niya ang init ng alak para pawiin ang sakit na nararamdaman sa pagtataksil ni Jomari.

Subalit kahit ano ang gawin niya, kahit naubos na ang laman ng mga bote ay matindi pa rin ang pait at hapdi sa kanyang puso. Mayamaya pa ay umiiyak na siyang mag-isa. Lalo na nang balikan niya ang ilang buwang relasyon nila ni Jomari.

Pinapahid ni Cherry ang kanyang mga luha nang biglang may pumasok sa kusina. Napaigtad siya at gulat na nag-angat ng tingin. Namilog ang mga mata niya at tila dagling nawala ang epekto ng alak nang makitang si Jay ang dumating.

"Don't mind me," langong usal ng binata na katulad ng dati ay hindi man lang siya inabalang tingnan.

Nakalimutan na ni Cherry ang madalas na hindi pagpansin sa kanya ni Jay mula nang makilala niya si Jomari. Pero biglang dumagdag sa mga sama ng loob niya ang tungkol doon dahil sensitibo ang kanyang broken heart.

"Where did you get that?" tanong pa ni Jay na nakatingin sa mga boteng nasa harap ni Cherry.

Itinuro ni Cherry ang refrigerator. Kumuha roon ang binata ng maraming bote ng alak. Napaigtad siya nang ilapag nito ang mga iyon sa mesa at umupo sa stool na katabi ng kinauupuan niya. Pagkatapos ay binuksan nito ang mga bote at nagsimulang uminom.

Nakikita niya sa mukha ni Jay na may mabigat itong dinadala sa kalooban. Inalis niya ang tingin sa binata at tahimik ding uminom. Hindi niya alam kung gaano katagal silang ganoon. Nagulat lang siya at muling napatingin kay Jay nang isubsob nito ang mukha sa mesa at umungol.

"This is the worst night of my life," usal ng binata.

May bumikig sa lalamunan ni Cherry at muling namasa ang mga mata dahil damang-dama niya ang paghihirap sa tinig nito. Bago pa niya mapigilan ang sarili ay bumuka na ang kanyang mga labi. "Mine too."

Lumingon si Jay sa kanya pero hindi dumeretso ng upo. He was looking up at her with a daze look in his eyes. Patunay na lasing na lasing talaga ito at baka nga hindi pa siya nakikilala.

"Why are you crying?"

Nakagat ni Cherry ang ibabang labi. "My boyfriend cheated on me." Nahigit niya ang hininga nang umangat ang isang kamay ni Jay at suklayin ng mga daliri ang mahabang buhok.

"He must be a loser for cheating on you," usal nito.

Mapait siyang napangiti. "Ako yata ang loser. Because I wasn't able to make him love me."

Noon dumeretso ng upo si Jay at umiling. "Don't ever think that you lack something when some bastard fails to love you. A woman must never feel inferior just because of that. Someday, someone will see your true worth and he will do anything just to make you happy." Hinawakan na naman nito ang wala pang bawas na bote at nakangiting inangat. "Let's just drink. Bukas, wala na 'yan." At sinaid na naman ang laman ng bote.

Sa kabila ng lahat ay nabagbag ang damdamin ni Cherry sa sinabi ni Jay. Kahit pa may pakiramdam siyang hindi nito matatandaan ang pag-uusap nilang iyon kinabukasan. So they drank and talked about nothing in particular. Habang ang mga nagpa-party naman sa loob ng bahay ay mukhang nagsipaglipat sa pool area dahil napunta na roon ang ingay.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon