MATAGAL nang wala ang sasakyan ni Cherry ay tila nakapako pa rin si Jay sa kinatatayuan niya. Inaanalisa niya sa isip ang mga nangyari sa gabing iyon. At kahit anong gawin ay isa lamang ang kanyang konklusyon: he was no longer on the edge of breaking one of his personal rules, he already broke it.
Sinubukan niyang dumistansiya kay Cherry. Even when he felt he was being unfair by ignoring her in front of her friends, he still did. Dahil iyon lamang ang paraang alam niya para huwag mapalapit sa babae. Ang kaso ay nakikita naman niya sa gilid ng kanyang mga mata ang bawat kilos ni Cherry at naririnig ang lahat ng sinasabi nito kahit nagkukunwari siyang hindi interesado. At nang magdesisyon sila nina Ross, Ryan, at Draco na umalis na ay parang may pumigil kay Jay na lumabas ng club.
Natagpuan niya ang sarili na nakapuwesto sa bar counter at kahit pinipigilan ang sarili ay nakasunod pa rin ang tingin sa bawat galaw ni Cherry. He was amazed to learn that she laughed heartily when she was around her friends.
Sa kabila ng dilim ay nahuli ni Jay ang kislap ng kapilyahan sa mga mata ni Cherry habang nagsasalita. It made him curious about what they were talking about. Ni hindi niya namalayan ang oras dahil abala siya sa pagmamasid sa babae. Kaya nasaksihan niya ang pagharang dito ng isang lalaki. He was actually following her with his gaze. Pero wala siyang balak ipaalam iyon kay Cherry.
Nang sandaling pumaikot ang braso ni Jay sa balikat ni Cherry at maramdaman ang katawan nito ay nasiguro niya na hindi niya ito kayang iwasan. Hindi niya kayang tuparin ang planong dumistansiya. Dahil paano niya magagawang umaktong indifferent sa kauna-unahang babae sa buong buhay niya na naging interesado siya?
At kapag nagpatuloy pa ang interes niya kay Cherry na sa totoo lang ay patindi nang patindi, malamang hindi lang isa ang rules na malalabag niya. Malamang ay lahat. And it was going to be his downfall.
KAHIT nasa loob na si Jay ng sariling unit sa Bachelor's Pad ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga nangyari sa club. Lalong hindi pa rin nawawala ang imahe ni Cherry kahit nang nakapikit na siya at nakahiga na sa kama.
Naitakip ni Jay ang dalawang kamay sa mukha at huminga nang malalim nang maalala ang naging pag-uusap nila nina Ryan at Ross bago umalis ng club ang dalawa. May nakitang kakilala si Draco at kasalukuyan nilang hinihintay ang lalaki nang ma-corner siya ng dalawa.
"Kahit kailan ay hindi pa kita nakita na hindi namamansin ng babae," komento ni Ross.
"Oo nga. Even when we were in high school, you charmed even the most annoying girl. Bakit ganoon ang pakitungo mo kay Cherry?" kunot-noong dagdag naman ni Ryan.
Tila suntok sa sikmura ni Jay ang guilt na naramdaman nang sabihin iyon ng mga kaibigan. Tama ang mga ito. Kilala siyang accommodating sa lahat ng babae. Malamang ay nakakahalata ang mga ito sa naging akto niya dahil na-realize din niya nang mga sandaling iyon na kay Cherry nga lang siya nagkaganoon.
"I was trying to keep my distance." But even to his ears, his reason sounded so lame. Sa tagong bahagi ng kanyang isip ay alam niyang may ibang dahilan kung bakit iba ang pakitungo niya kay Cherry.
Nagkatinginan sina Ross at Ryan, pagkatapos ay sabay na tinitigan siya na parang nababasa ang kaloob-looban niya.
"I get it," bulalas ni Ross na tila may nadiskubre.
Napangiwi si Jay dahil parang ayaw niyang marinig ang sasabihin nito.
"Kahit noong teenager pa si Cherry, palaging lumalampas ang tingin mo sa kanya at hindi mo siya masyadong pinapansin dahil alam mong off-limits siya dahil kapatid siya ni Charlie. Iyon ang paraan mo ng pagdistansiya. Pero alam mo ba, Jay, na sa tingin ko, ang rason kung bakit malamig ka kay Cherry at mas matindi ang pagnanais mong lumayo sa kanya ay dahil iba ang nararamdaman mo para sa kanya kompara sa ibang mga babae. Hindi lang dahil alam mong off-limits siya kung hindi dahil natatakot ka. Because there is something about her that affects you the way no one can," litanya ni Ross.
Si Ryan naman ay nanatiling mataman ang pagkakatingin sa kanya. Lalo siyang kinakabahan sa sasabihin nito. After all, he knew Ryan even before Ross did. Mas tame na siya noong nasa kolehiyo kaysa noong high school. May alam si Ryan tungkol sa kanya na hindi alam nina Ross.
Huminga nang malalim si Jay at iginala ang tingin sa paligid. Agad na huminto ang tingin niya sa mesang iniwan nila, kung saan masayang nakikipag-usap si Cherry sa mga kaibigan nito. Bumalik lang ang tingin niya sa mga kaibigan nang lumapit na sa kanila si Draco.
"Mauna na kayo. I will stay here for a while," nasabi ni Jay. Isang tingin pa lang niya sa tatlo ay nasiguro niyang alam ng mga ito ang dahilan kung bakit gusto niyang manatili.
Tinapik ni Ryan ang kanyang balikat at mahinang nagsalita na siguradong silang dalawa lang ang nakarinig. "Don't worry, Jay. I don't think she's like your parents. She's not going to betray you. At sa tingin ko ay panahon na para bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong mapalapit kahit sa isang tao lang. It's time for you to finally care for someone. Don't run away like you always do."
Nagitla si Jay sa sinabi ni Ryan. Nakalayo na ang tatlo bago niya nagawang kumilos. Napabuntong-hininga siya at naglakad patungo sa bar counter...
Matapos ang naging pag-uusap nila ni Cherry bago siya umalis ng club ay naamin ni Jay na tama sina Ross at Ryan. Sa tagong bahagi ng kanyang isip, kahit ayaw niyang aminin ay iyon nga ang mga dahilan kung bakit idinistansiya niya ang sarili kay Cherry mula pa noong mga bata sila.
Noong unang beses pa lamang na ipinakilala ni Charlie sa kanila ang dalagitang kapatid nito ay may kung ano na kay Cherry ang labis na nakaapekto sa kanya. Lalo na nang magtama ang kanilang mga mata. Nang mga panahong iyon ay estranghero kay Jay kung ano ang emosyong binuhay sa kanya ng dalagita. Subalit nang maramdaman uli niya iyon nang unang beses na makausap ang anak ni Cherry ay nabigyan din niya iyon ng pangalan kahit lampas dekada na mula nang una niya iyong maramdaman para kay Cherry.
He felt a pure and heart-wrenching tenderness. He had a prominition that if he lowered his guard, he would end up caring for her too much. At natakot siya sa mga emosyong iyon. That was why he backed off.
Subalit ngayon ay malakas ang pakiramdam ni Jay na hindi na niya iyon magagawa. Sa susunod na magkita sila ni Cherry, malakas ang kutob niyang hindi na kakayanin ang magkunwaring hindi aware sa babae. May palagay siya na kahit si Charlie ay hindi siya mapipigilang lumapit sa kapatid nito. Because just a short moment of touching her made him realize that he wanted so much more.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN
RomanceIsang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siy...