Part 14

37.6K 950 66
                                    

MUNTIK nang mapanganga si Cherry sa labis na pagkagulat sa malakas na deklarasyon ni Jay. Pero sa tingin niya ay mukhang mas nagulat ang babaeng nasa harap nila.

Nabigla siya kanina nang marinig ang babaeng tumawag sa pangalan ng binata. At nang makita niyang niyakap ng babae si Jay ay muntik nang sumulak ang pagrerebelde sa loob niya kahit kung tutuusin ay wala naman siyang karapatang magalit kahit sino pa ang yumakap kay Jay.

Pero ngayon ay ipinapakilala siya ng binata na asawa raw nito! Hindi niya masundan ang takbo ng isip ni Jay.

"Married? Ikaw?" hindi makapaniwalang tanong ng babae na humakbang pa palapit sa kanila.

Naramdaman ni Cherry na humigpit ang akbay ni Jay sa kanya habang ang isa pa nitong braso ay umakbay kay Justin. His stance suddenly looked and felt protective. Napatingala tuloy siya sa mukha ng binata. Nagkataon naman na niyuko siya nito kaya nagtama ang kanilang mga mata. Nagulat siya sa nakitang pakiusap sa mga mata ni Jay. Kahit hindi sila mag-usap ay nakuha niya agad na humihingi ito ng tulong.

Sakyan mo na lang ako, parang iyon ang sinasabi ng tingin ni Jay.

Nararamdaman din ni Cherry ang tensiyon ng binata sa higpit ng pagkakahawak nito sa balikat niya. Mukhang kung sino man ang babae ay desperado si Jay na itaboy. Hindi siya komportable na magpanggap na asawa nito pero sasakay na rin siya bilang pasasalamat na pinagbigyan ng binata ang kahilingan ni Justin na makasama ito sa araw na iyon.

Isa pa, matapos ibahagi ni Jay ang tungkol sa kabataan nito ay lalong lumaki ang puwang sa puso niya para sa binata. Kahit alam niyang kapiraso lamang ng napakalaking misteryo ng buhay ni Jay ang sinabi nito sa kanya ay nabagbag pa rin ang kanyang damdamin na pinagkatiwalaan siya nito. May pakiramdam kasi siya na hindi basta-basta sinasabi ng binata ang tungkol sa buhay nito.

No, actually she knew he never talked about his past with just anyone. Dahil palaging sinasabi ng kaibigan niyang si Jamie at ng iba pang kilala na nagkaroon ng koneksiyon sa binata na hindi raw ito nagbabahagi ng kahit anong tungkol sa pamilya.

"Cherry?" nakangiting untag sa kanya ni Jay pero nahuli niya ang himig ng pakiusap sa tinig nito.

Sa sandaling iyon ay nakapagdesisyon si Cherry na sakyan ang palabas ni Jay. Pinaikot niya ang isang braso sa baywang ng binata at lalong idinikit ang katawan sa tagiliran nito. Naramdaman niyang nanigas sa tensiyon ang katawan ni Jay subalit hindi naman tinangkang lumayo. And then she smiled at him in the most intimate way.

"Kakilala mo siya, love?" malambing na tanong niya.

Kumislap sa amusement ang mga mata ni Jay at gumanti ng ngiti. Ang kamay nitong nakaakbay ay bumaba sa braso niya at nagsimulang humaplos doon na para bang palagi silang nagpa-public display of affection. Mabuti na lang at hindi sila binubuko ni Justin na tahimik lamang sa tabi nila.

"Kakilala ko siya years ago," sabi ni Jay at tumingin uli sa babaeng ngayon ay namumula na ang mukha... sa galit. Katunayan ay matalim ang tingin nito sa kanya. "She's Ana. Ana, this is my wife Cherry," pakilala ng binata sa kanila.

Bahagya lang ngumiti si Cherry pero malamig na tiningnan ang babae para ipaalam dito na pag-aari na niya si Jay at wala na itong karapatang yakapin ang binata. "Hi. I hope next time you stop hugging my husband whenever you see him," sabi pa niya.

Lalo lang naging mabalasik ang hitsura ni Ana. "I didn't know you got married, Jay. My friends told me you're still single and still playing the field."

"Akala lang nila iyon," mabilis na sagot ni Jay.

Pinakatitigan ni Ana ang binata na para bang hindi naniniwala. Hindi naman masisi ni Cherry ang babae. Kahit siguro siya, kapag narinig na nag-asawa na si Jay ay baka hindi rin siya maniniwala agad.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon