Part 35

39.1K 802 9
                                    

HALOS mabingi si Cherry sa bilis ng tibok ng kanyang puso nang matagpuan ang sarili na nasa loob ng isang hotel room kasama si Jay.

Nang sabihin ng binata habang nasa biyahe sila na kailangan nila ng privacy ay hindi niya naisip na doon sila pupunta. Napayakap tuloy siya sa sarili at hindi umalis sa pagkakatayo sa gilid ng pintuan habang si Jay naman ay dere-deretso sa loob ng silid na para bang sanay na sanay ito.

Of course he is. He was a ladies' man, remember? buska ng isang bahagi ng isip niya.

Napalingon sa kanya si Jay at mukhang napansin ang pag-aalinlangan niya. Inilahad nito ang kamay na para bang inuudyukan siyang abutin iyon.

"Mag-uusap lang tayo. Wala tayong ibang puwedeng puntahan na magkakaroon tayo ng privacy maliban dito. Kapag nagpunta tayo sa restaurant, baka may makarinig sa atin," seryosong sabi pa ng binata.

Kunsabagay, masyadong nakakahiya ang aaminin niya kay Jay para marinig ng ibang tao. Huminga siya nang malalim at humakbang palapit sa binata hanggang maabot na niya ang kamay nito. He held her hand firmly and she felt her heart beating faster. Lalo na nang magtama ang kanilang mga mata at hatakin siya ni Jay hanggang sa pareho na silang nakaupo sa gilid ng kama.

"If he was gay, bakit ka nakipagrelasyon sa kanya?" biglang tanong ni Jay.

Mariing napapikit si Cherry. Ito na talaga. Kailangan ko na talagang sabihin. "Hindi ko pa alam noon na ganoon siya. Akala ko, soft spoken at conservative lang siya kaya kahit ilang buwan na ang relasyon namin ay hanggang pisngi lang siya humalik. I even loved him more because of it. Siguro kung umamin siya sa akin at kinausap niya ako nang masinsinan, baka hindi ako masyadong nasaktan. But I learned the truth in a painful way and it really broke my heart," litanya niya na hindi tumitingin sa binata.

Humigpit ang hawak ni Jay sa kanyang kamay. "Tell me," udyok nito.

Nakagat ni Cherry ang ibabang labi at binalikan sa isip ang nakaraan. Mula noong gabing iyon na nalaman niya ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Jomari, sa gabi na nagpabago sa kanyang buhay. Huminga siya nang malalim. "It was actually our monthsary..."

INTENSIYON ni Cherry na sorpresahin si Jomari bilang selebrasyon ng kanilang monthsary. Noong nakaraang buwan kasi ay ibinigay ng kasintahan sa kanya ang susi ng apartment nito bilang regalo sa monthsary nila. Kaya balak niyang ipagluto si Jomari habang wala pa ito. Ang sabi kasi ni Jomari ay busy raw ito sa araw na iyon kaya bukas pa talaga sila lalabas.

Nagdesisyon pa nga si Cherry na tanggihan ang imbitasyon ni Jamie para sa birthday party ng kaibigan para lamang magpunta sa apartment ni Jomari kahit pa tinutudyo siya ng mga kaibigan na ipinagpapalit niya ang mga ito para sa pag-ibig.

Bitbit na niya ang grocery bags sa isang kamay at akmang bubuksan na ang pinto ng apartment nang may marinig na ingay mula sa loob. Tila nagtatalo na sinundan ng lagabog. Nagitla siya at biglang nag-alala na baka may nangyayaring masama sa kanyang kasintahan. Mabilis niyang binuksan ang pinto at patakbong nagtungo sa direksiyon ng silid kung saan niya narinig ang ingay. Nakaawang ang pinto kaya naririnig niya ang impit na boses ni Jomari. Tumakbo siya palapit sa pinto at marahas na binuksan.

"Jomari!" bulalas ni Cherry. Subalit tumambad sa kanya ang eksena sa loob ng silid na nagpabikig sa kanyang lalamunan sa labis na pagkabigla. Nabitawan niya ang grocery bag at tumapon sa sahig ang mga pinamili.

May kasama si Jomari sa kama at sabay na napalingon ang mga ito sa kanya. Namutla ang kasintahan na nakahiga sa kama habang nakakubabaw rito ang isang.... lalaki. Kapwa wala nang pang-itaas ang dalawa at nakabukas na ang zipper ng mga pantalon.

"C-Cherry..." usal ni Jomari.

"A-ano'ng ginagawa mo?" garalgal na usal din niya.

Bumakas ang guilt sa mukha ni Jomari at namasa ang mga mata. Nagpumilit itong bumangon at akmang lalapit sa kanya. "M-magpapaliwanag ako—"

Hindi natapos ni Jomari ang sasabihin dahil bigla itong inakbayan ng lalaking kaulayaw kanina bago sinalubong ng huli ang tingin niya.

"Jomari doesn't really love you, Miss. Dahil ako ang gusto niya. We have been doing this for months now, you see. Hindi lang niya alam kung paano sasabihin sa iyo ang totoo. He doesn't like women."

Namutla si Cherry at pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Namanhid ang buo niyang katawan. Kahit ang utak niya ay biglang bumagal sa pagproseso.

Napatingin siya kay Jomari na bakas ang guilt sa mukha. "T-totoo ba ang sinabi niya? You... you're gay? You've been doing this behind my back for months already?" halos hindi makahingang tanong niya.

"I-I'm sorry, Cherry. God, I'm sorry..." paulit-ulit na bulalas ni Jomari. Humigpit ang yakap dito ng lalaking mukhang playboy. Ni wala man lang bakas ng guilt sa mukha ng lalaki na para bang hindi siya pinagmukhang katawa-tawa. Na para bang walang pakialam kung nasasaktan siya sa ginawa ng mga ito.

Bigla ay napagtanto ni Cherry na mas intimate pa talaga ang dalawa kaysa sa kanila ni Jomari. Na mas nagmukha siyang third party. Pagak siyang natawa at napailing nang ma-realize na nakakatawa ang sitwasyon nila. Subalit mayamaya ay nakaramdam siya ng galit. Matalim na tinapunan niya ng tingin ang dalawa, pagkatapos ay ibinato sa mga ito ang susing hawak. Wala siyang pakialam kahit na napaigik sa sakit si Jomari nang matamaan.

"Pinagmukha mo akong tanga! Sa tingin mo madali lang tanggapin ang sorry mo?" sumbat ni Cherry. Pinulot niya ang mga natapong laman ng grocery bag at namamasa ang mga matang isa-isang binato sa dalawa. "How dare you! How dare you!" paulit-ulit na sigaw niya.

"Hey, stop it!" sigaw ng lalaking karelasyon ni Jomari pero hindi siya tumigil hanggang wala na siyang maibato.

"C-Cherry, I'm sorry. I'm sorry... Please don't tell this to anyone. Walang nakakaalam. Not even my family. I beg you, don't tell anyone..." paulit-ulit namang pakiusap ni Jomari na lumapit sa kanya at hinawakan siya.

Pumiksi siya at sinampal ito. "Ayoko nang makita ka pa. I hate you! Pero huwag kang mag-alala, hindi ako ang tipo ng babaeng maninira ng kapwa kahit pa nasaktan ako nang husto. You can have sex with anyone you want but I don't want to see you again! Huwag mo ring isiping basta mapapatawad kita," puno ng galit at sama ng loob na sabi ni Cherry. Tumalikod na siya at patakbong umalis ng apartment.

Nasa loob na siya ng taxi nang bumagsak ang kanyang mga luha. Humagulhol siya at kahit mukhang naiilang na ang taxi driver ay hindi siya tumigil.

"M-Ma'am, saan ho tayo?"

Sandaling hindi nakasagot si Cherry. Kung magpapahatid siya sa bahay nila ay makikita ng kanyang pamilya ang pag-iyak niya. Ayaw niyang mangyari iyon.

Natagpuanniya ang sariling ibinibigay ang address ni Jamie. Doon na lang siya sabirthday party ng kaibigan. At least, kahit maraming tao ay walang masyadongmag-aabalang pagtuunan siya ng pansin. Lulunurin na lang niya sa alak angkabiguan.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon