Part 34

38.1K 945 60
                                    

"What the hell are you doing?" malamig na tanong ni Jay nang ilang hakbang na lamang mula sa dalawa.

Gulat na napalingon ang mga ito sa kanya. Namilog ang mga mata ni Cherry at umawang ang mga labi.

"Jay! Ano'ng ginagawa mo rito?" manghang tanong ng babae, pagkatapos ay lumampas ang tingin sa kanya at lalong bumakas ang pagkagulat. "Jane? Kuya Charlie?"

"Bakit kasama mo ang lalaking 'yan? Pagkatapos ng ginawa niya sa 'yo noon?" galit na tanong ni Jay at matalim na tiningnan ang lalaking bumitaw naman sa kamay ni Cherry at halatang nagulat din. "Nadisgrasya ka na niya at iniwan ang responsibilidad niya sa 'yo, bakit hinahayaan mo siyang yakapin ka?"

Kumunot ang noo ni Jomari at bumakas ang inis sa mukha. "What are you talking about? What do you know?" sikmat ng lalaki na para bang si Jay ang may mali at hindi ito.

Tumiim ang mga bagang ni Jay. "Sinaktan mo siya noon."

"Jay, stop this..." saway ni Cherry sa nag-aalalang tono at pumagitan sa kanila.

Natigilan si Jomari na para bang may kung ano sa sinabi ni Cherry na nakakuha sa atensiyon nito. Maging ang paraan ng pagtingin ng lalaki kay Jay ay naging iba, nagkaroon ng rekognisyon. Na para bang may alam ito tungkol sa kanya na hindi niya alam.

Pagkatapos ay nagkaroon na rin ng iritasyon sa mukha ng lalaki. "Alam ko na nasaktan ko siya noon at nagkapatawaran na kami. Pero hindi ko siya nadisgrasya," inis na bulalas ni Jomari.

Nagpantig ang tainga ni Jay. "Itinatanggi mo hanggang ngayon ang ginawa mo?!" Hindi na siya nakatiis at umigkas ang kamao sa mukha ng lalaki.

Napatili sina Cherry at Jane nang mapaatras at muntik na matumba si Jomari.

"Charlie, pigilan mo siya!" sigaw ni Jane.

"Actually I also wanted to punch that bastard for getting my sister pregnant and leaving her behind," mapanganib ding sabi ni Charlie na humakbang na rin palapit sa lalaking sapo na ang mukha.

"Stop it! Hindi siya ang ama ni Justin, okay?" inis nang bulalas ni Cherry na iniharang ang katawan kay Jomari.

Hindi naiwasan ni Jay na masaktan sa reaksiyon ni Cherry. "Hindi mo siya kailangang pagtakpan!" frustrated na bulalas niya.

"But it's true," giit ng babae.

"Walang ibang puwedeng maging ama si Justin dahil siya lang naman ang nakarelasyon mo," galit na sabi naman ni Charlie, dahilan upang takasan ng kulay ang mukha ni Cherry.

"Charlie, nagsasabi ng totoo si Cherry..." usal ni Jane na tila inaalo ang kasintahan.

Kumuyom ang mga kamay ni Jay nang makitang nakatayo na nang maayos si Jomari. Hahakbang na sana uli siya palapit sa lalaki nang magsalita ito.

"Walang nangyari sa amin kahit kailan. Because I'm gay."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jay at napahinto. "What?" manghang bulalas niya.

"Jomari..." frustrated na bulalas ni Cherry na para bang sinasaway ang lalaki.

Bumuntong-hininga si Jomari at nakangiwi pa ring sinapo ang gilid ng labing dumugo dahil sa suntok ni Jay.

"It's okay, Cherry. Sa tingin ko, hindi sila maniniwala kung hindi ko aaminin ang totoo. I'm gay. That's why our relationship didn't work out. I tried to resist and deny my sexual orientation but I failed. Iyon ang pinakamalaking kasalanan ko kay Cherry. Dahil nasaktan ko siya. Pero hindi ako ang ama ng anak niya."

Napatingin si Jay sa babae. "Cherry?"

Nakagat nito ang ibabang labi at marahas na bumuntong-hininga. "Puwede bang huwag nating pag-usapan dito ang tungkol d'yan?" gigil na sabi ni Cherry.

Noon lang napansin ni Jay na nasa pampublikong lugar nga pala sila at pinagtitinginan na ng mga tao. Hindi nga iyon ang tamang lugar para mag-usap sila nang masinsinan ni Cherry.

Mabilis na inabot niya ang kamay ng babae at pinagsalikop ang kanilang mga daliri. "Let's get out of here." Sa huling pagkakataon ay tinapunan niya ng matalim na tingin si Jomari bago hinigit si Cherry palapit sa kanya. Tiningnan niya sina Charlie at Jane. "Ituloy n'yo na ang date ninyo. Ako na ang bahala kay Cherry." Iyon lang at mabilis na niyang inakay ang babae palayo roon at papunta sa kanyang kotse.

"Jay, slow down," usal ni Cherry at tinangkang hatakin ang kamay nito.

Binagalan niya ang lakad pero hindi niya pinakawalan ang kamay ng babae. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.

Saka lamang binitiwan ni Jay ang kamay ni Cherry nang makapasok na sila sa kanyang sasakyan. Ilang sandaling nanatili lamang sila roon at hindi niya inabalang buhayin ang makina. Nakita pa nilang sumunod din sa parking lot sina Charlie at Jane at tinapunan ng tingin ang kotse niya. Tila lalapit pa nga si Charlie sa kanila pero napigilan ni Jane.

Nang humarurot palayo ang kotse ng kaibigan niya pagkatapos silang businahan na para bang isang babala ay saka lamang siya bumaling kay Cherry.

"Bakit kayo magkasama?" seryosong tanong niya.

Huminga nang malalim si Cherry at humalukipkip. "Dito na ba tayo mag-uusap?" balik-tanong nito.

Tumiim ang mga bagang ni Jay. "Just answer this one question, please. Ayoko magmaneho na ganito ang pakiramdam ko. Kailangan kong kumalma. Bakit kayo magkasama at bakit hinahayaan mo siyang yakapin ka? Is it true that he's... gay?"

"That's more than one question, Jay."

"Cherry..." frustrated na sambit niya.

"Oh, fine," pabuntong-hiningang bulalas ni Cherry. "Nagpunta si Jomari sa Pilipinas dahil may taning na ang buhay ng lolo niya. Tinawagan niya ako para magkaroon kami ng closure na hindi namin nagawa noon. Pagkatapos ay humingi siya ng pabor na magpanggap akong fiancée niya sa harap ng lolo niya para lang mapanatag ang matanda. Wala siyang ibang puwedeng ipakilala dahil ako lang naman ang babaeng dinala niya sa kanila noon. Besides, Jomari has been living with a man in the States for eight years now. Alam na ng pamilya niya ang tungkol doon maliban sa lolo niya na dating AFP General. Lolo Felix despised homosexuals. You know, makalumang tao. Iyon lang ang dahilan kung bakit kami nagkita ni Jomari. Gusto lang niyang bigyan ng peace of mind ang lolo niya kapag nalaman ng matanda na lalagay na siya sa tahimik. Iyong nakita mong pagyakap niya sa akin, good-bye hug iyon," dere-deretsong paliwanag ni Cherry.

Kumunot ang noo ni Jay. "At pumayag kang magpanggap?"

Umangat ang isang kilay ng babae. "Katulad lang naman iyon ng pabor na hiningi mo sa akin noong nagkunwari akong asawa mo."

Naisuklay niya sa buhok ang mga daliri. "Pero sinaktan ka niya noon. I never did. Iyon ang kaibahan namin."

May kumislap na emosyon sa mga mata ni Cherry na parang isinaksak na punyal sa dibdib ni Jay.

"You don't know everything," usal ng babae.

Ilang sandaling nagtama ang kanilang mga mata bago binawi ni Jay ang tingin at binuhay ang makina ng kotse. "Let's get out of here. And then tell me everything. Dahil hindi uusad ang relasyon natin nang ganito, Cherry," seryosong sabi niya.

"Alam ko," sagot nito sa mahinang tinig.

Pinaharurot niya ang kotse upang humanap ng lugar kung saan sila magkakaroon ng privacy at makakapag-usap.

"You might even hate me in the end," pabulong na usal ni Cherry na tila hindi intensiyong iparinig sa kanya pero nakaabot naman sa pandinig niya.

Kaya nagkunwari siyang hindi iyon narinig. Even though it bothered the hell out of him.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon