Part 37

44.2K 1.1K 31
                                    

HUMINGA nang malalim si Cherry at pilit na sinalubong ang mga mata ni Jay. "Ilang linggo pa pagkatapos kong malaman na umalis si Jomari... I learned that I was pregnant. Hindi ko sinabi kahit kanino kung sino ang ama. Dahil paano ko sasabihin na nabuo ang anak ko dahil sa isang one-night stand at siguradong hindi natatandaan ng nakasiping ko nang gabing iyon na may nangyari sa amin? My family and friends presumed Jomari got me pregnant. Hindi ko sila itinama dahil kung gagawin ko 'yon ay kakailanganin kong sabihin sa kanila ang tunay niyang pagkatao. Kay Jane ko lang sinabi ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Jomari. Sa kanya ko lang din sinabi na nabuo si Justin sa isang gabing pagkakamali. But I didn't tell her who the man was. I told her I didn't know him."

"Pero buong paniniwala ni Charlie, ang ex mo ay katulad naming ladies' man kaya raw ilag ka sa amin," nalilitong sabi ni Jay na noon lamang nagsalita.

Umiling si Cherry. "Akala lang niya 'yon. Kaya ako ilag sa inyo ay dahil ayokong mapalapit sa iyo," pag-amin niya.

"At sa loob ng walong taon ay ni hindi mo man lang naisip na sabihin sa akin ang tungkol dito?" tanong ni Jay, may himig ng panunumbat at hinanakit ang tinig. "Kung hindi ba tayo naging malapit sa isa't isa ay wala kang balak sabihin sa akin kahit kailan?"

Nag-init ang kanyang mga mata. "Wala. Wala akong intensiyong sabihin sa iyo o kahit kanino ang nangyari. Unang beses ko pa lang nalaman na buntis ako ay nagdesisyon na akong palalakihin ko nang mag-isa ang anak ko," pag-amin uli niya.

Namula ang mukha ni Jay sa galit at frustration. "Anak ko rin siya! Ipinagkait mo sa anak ko ang lumaki na may ama. Ipinagkait mo sa akin ang maging tatay niya. Ang lapit lang natin sa isa't isa, Cherry. Sa nakaraang walong taon, puwedeng-puwede mong sabihin sa akin. Katunayan, dapat hindi mo ako iniwan sa silid na 'yon. You should have allowed me to share the responsibility for our actions!" bulalas nito.

"Pero hindi mo naman natatandaan, hindi ba?" inis nang sagot niya. "Natatandaan mo nang sabihin mo sa akin ang tungkol sa gabing miserable ka? Hindi mo natatandaan kung sino ang babaeng nakasama mo, hindi mo natatandaan ang nangyari nang gabing iyon."

"Kahit na!" sigaw ng binata. Inis na ginulo nito ang buhok at huminga nang malalim na tila kinakalma ang sarili.

Pero si Cherry ay unti-unti nang sumusulak ang pagrerebelde sa naging reaksiyon ni Jay sa kanyang pag-amin.

"All these time, I've been angry to the man who abandoned you and Justin. Wala akong kamalay-malay na ako pala ang lalaking iyon. Cherry, do you know how that revelation makes me feel? Alam mo ba kung gaano kalaking kaibahan ang dapat ay buhay natin ngayon kung sinabi mo sa akin noon ang totoo?" frustrated na tanong ng binata.

"Alam ko!" sigaw na rin niya at tumayo. Inis na lumapit siya kay Jay. "Higit kanino man, alam ko kung ano ang maaaring nangyari kung sinabi ko sa 'yo ang totoo. Sigurado ako na kahit hindi mo natatandaan ang nangyari, kahit na magkaroon ka ng pagdududa kung ikaw talaga ang ama ni Justin, kahit na isang pagkakamali lang ang nangyari sa akin, paninindigan mo ako. And I knew that my family would have been force us to marry and we might be miserable all our lives because we don't love each other."

"Paano ka naman nakasisiguro na hindi kita mamahalin?" tanong ni Jay na tila manghang-mangha sa sinabi niya.

Mapait na ngumiti si Cherry. "Because even if we got married, our relationship still began the wrong way. Dahil pareho pa tayong hindi handa noon. Because you were not capable of loving anyone that time. At hindi ba miserable ka noon dahil nalaman mo ang tungkol sa tunay mong magulang? Ikaw na rin ang nagsabi na duwag ka pa noon. You were afraid to care too much. Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko tungkol sa nakaraan, lalo kong nasiguro na tama ako ng desisyong itago sa iyo ang totoo."

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon