Part 21

34.6K 852 15
                                    

PAGKAPASOK pa lamang nila ay agad napunta ang tingin ng mga babae sa kanilang direksiyon. Sa isang iglap ay marami na ang bumabati kay Jay at hindi alam ni Cherry kung ano ang mararamdaman sa realisasyon na kilala ng binata ang halos lahat ng mga babaeng bisita. Pero at least ay wala siyang natatanaw na kakilala.

Marami ang nagtangkang yumakap at humalik sa pisngi ni Jay pero nakangiting tumatanggi ang binata at sinasabing: "I can't do that anymore." Pagkatapos ay ituturo siya at titingnan na para bang walang ibang nakikita kundi siya lamang.

Hindi maiwasan ni Cherry ang bumilib sa magaling na pag-arte ni Jay.

Siya ang unang nakakita kay Ana. Nakatayo ito sa isang panig ng malawak na pool area kung saan nagkalat ang mga taong nagsasayaw. Nakatingin ang babae sa kanila ni Jay at matalim ang tingin nito sa kanya.

Iyan ba ang mukha na susuko na raw sa paghabol kay Jay kapag nagpunta kami dito? Lalo tuloy nasiguro ni Cherry na may hindi magandang balak ang baliw na babae.

Napakurap siya nang maramdaman ang pag-akbay ni Jay sa kanya. Nang tingalain niya ang binata ay nakitang sandaling napatingin ito sa direksiyon ni Ana bago siya niyuko at nakangiting inilapit ang mukha sa kanya.

"Let's just say 'hi' to her. Pagkalipas ng labinlimang minuto ay aalis na tayo," bulong nito sa kanyang tainga.

"Sigurado ka bang gusto mo nang umalis kaagad? Mukhang kakilala mo lahat ng mga nandito. Sa tingin ko, sinadya niyang puro common friends ninyo ang bisita," ganting bulong ni Cherry. Hindi na lang niya sinabi na masama ang tingin sa kanya ng mga babae. Mukhang nakahabi na ng kuwento si Ana tungkol dito at kay Jay at mukhang siya ang third party sa kuwento nito.

"Hindi ko sila mga kaibigan. Mga nakilala ko lang sila sa mga tambayan ko. They don't even know what I do for a living. Kaya nga hindi alam ni Ana kung ano ang trabaho ko dahil mga spy niya ang mga 'yan," sabi ni Jay.

Napailing si Cherry. "You really got involved with a very troublesome person, Jayson Palanca."

"Sshh. They don't know my whole name also," saway ng binata sa kanya at nakangiting hinalikan siya sa gilid ng mga labi. "Tara na."

Nakailang hakbang pa lamang silang dalawa ay nakangiting sinalubong sila ni Ana na para bang hindi matalim ang tingin nito sa kanya kanina. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa dual personality ng babae. Bineso pa siya! Pero pagkatapos niyon ay hindi na ito bumaling sa kanya, natuon na ang atensiyon kay Jay.

"Enjoy yourselves. Jay, hiramin muna kita sandali. Remember Leslie? Gusto ka uli niyang makita. She's the reason why we met years ago, remember?"

"I don't remember her. Pero hindi ko puwedeng iwan ang asawa ko na mag-isa. Hindi niya kilala ang mga tao rito," sagot ni Jay.

"Oh, I'm sure she can get by. Right?" tanong ni Ana sa kanya.

Bago makasagot si Cherry ay naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Jay sa kanyang kamay. Nginitian niya si Ana. "Of course I can get by alone." Mapapangiti na sana ang babae nang ikapit niya ang isa pang kamay sa braso ni Jay at lalo pang dumikit. "But right now, I want to stay with my husband."

May kumislap na balasik sa mga mata ni Ana pero agad ding ngumiti. Pagkatapos ay dumaldal nang dumaldal ang babae tungkol sa kung sino-sino na kakilala raw nito at ni Jay.

Alam ni Cherry kung ano ang ginagawa ng psychotic na babae. She was trying to make her feel out of place. Sorry na lang ito dahil kahit kailan ay hindi siya maa-out of place kung magka-holding hands sila ni Jay at nakasandig sa balikat nito.

Sa huli ay mukhang si Ana rin ang sumuko dahil nagpaalam itong makikipag-usap sa ibang bisita.

"Hindi na rin kami magtatagal. Parehong maaga pa ang trabaho namin bukas," sabi ni Jay.

"What? No!" marahas na tanggi ni Ana, pagkatapos ay tumikhim at muling ngumiti. "I mean, at least kumain muna kayo. Okay, Jay? Huwag muna kayong umalis. I'll talk to you again later." Bago pa sila makapagsalita ay tumalikod na ang babae at naglakad palayo.

"Sa tingin ko, may pinaplano siyang hindi maganda," sabi ni Cherry.

Napabuntong-hininga si Jay. "Sa tingin ko rin. At hindi pa ako nakakahanap ng tiyempo na linawin sa kanyang ito na ang huling beses na magkikita kami."

"Hindi tayo puwedeng umalis hangga't hindi nagiging malinaw sa kanya na kailangan ka na niyang tigilan. Dahil kung hindi, bale-wala ang pagpunta natin dito," sabi ni Cherry at lalong humigpit ang pagkakakapit sa braso ng binata. Nang hindi magsalita si Jay ay nagtatakang tiningala niya ito. Umangat ang kilay niya nang makitang titig na titig ito sa kanya. He had a goofy grin plastered on his face.

"Bakit ganyan ka makangiti?"

"Nothing. I just like the way you cling to me tonight. I can get used to this," nakangisi pa rin na sagot ni Jay.

Nag-init ang mukha ni Cherry at niluwagan ang kapit sa braso ng binata. "Puro ka talaga kalokohan. Ang mabuti pa kumain na rin tayo para may mapala naman tayo sa party na ito," aya niya.

Pumuwesto sila sa isang mesa na medyo malayo sa karamihan at kumain. In fairness, kahit may pagka-psychotic si Ana ay marunong pumili ng catering service ang babae.

Mayamaya ay kinailangang magbanyo ni Cherry at kahit ayaw sana niyang iwanang mag-isa si Jay—baka makatunog si Ana at kung saan hatakin ang binata—ay hindi na talaga niya kayang magpigil. Tumayo siya at yuyuko pa lamang sana para magpaalam ay mabilis nang nahablot ni Jay ang kanyang kamay.

"Saan ka pupunta?"

Napabuntong-hininga siya. "Rest room." Nanlaki ang mga mata niya nang tumayo ang binata. "No. Maiwan ka na rito. Sandali lang ako. Babalikan kita agad," sabi niya at binawi ang kamay pero humigpit ang hawak nito.

"Paano kung may mangyari sa iyo habang wala ako sa tabi mo?"

Napailing si Cherry. "Huwag kang overacting. Kaya ko ang sarili ko. Besides, mas nag-aalala pa nga ako sa iyo kapag umalis ako. Pero dito ka lang. Sobrang sandali lang talaga ako." Hinawakan niya si Jay sa magkabilang balikat at itinulak paupo. Pagkatapos ay ngumiti siya at hindi nakatiis na yumuko at ginawaran ito ng mabilis na halik sa pisngi. Kinumbinsi na lang niya ang sarili na bahagi lang iyon ng pag-akto nila bilang mag-asawa. "I'll be back." Mabilis na siyang umalis upang hanapin ang banyo.

Hindi naman nahirapan si Cherry na tuntunin ang hinahanap. Walang katao-tao. Ngunit nang lumabas siya ng banyo ay muntik nang mapasigaw sa pagkagulat nang makita ang tatlong babae na mukhang inaabangan siyang lumabas.

Isinara ni Cherry ang pinto sa likuran niya at pilit na ngumiti. "Gagamit kayo ng banyo?" aniya at pasimpleng lumakad papunta sa direksiyon ng pinto ng kusina. Ngunit mas mabilis ang tatlo at naharang na siya.

"Totoo ba na asawa ka ni Jay?" tanong ng babaeng mahaba ang buhok.

Here comes the interrogation. Hindi niya pinalis ang ngiti nang sumagot. "Oo."

"Kailan pa?" tanong naman ng kulot na babae.

"Last year."

Nagkatinginan ang tatlo bago nagdududang tiningnan siya. "Pero nakita lang namin si Jay a month ago. Sa tingin ko kasama niya ang dalawa niyang kaibigan and he didn't act like he's married. He even danced with me," sabi ng pangatlong babae.

Natigilan si Cherry. At kahit alam na wala siyang karapatan ay may naramdaman siyang pagrerebelde sa narinig. "Did he sleep with you?" tanong niya na hindi na nakangiti. Katunayan ay naging mabalasik ang boses niya kahit sa sariling pandinig. God, she almost sounded like Ana.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon