Part 17

36.4K 934 13
                                    

NAKITA agad ni Cherry ang kotse ni Jay sa parking lot ng restaurant nang dumating siya. May lumukob na pagkasabik sa kanyang dibdib at napatingin pa sa salamin upang tingnan kung maayos ang kanyang hitsura. Pero agad din natigilan nang akmang magre-retouch pa.

Bakit parang gusto niyang magpaganda nang husto? Wala namang ibang kahulugan ang paglabas niya na kasama si Jay, hindi ba?

Right, kumbinsi ni Cherry sa sarili at muling isinuksok sa bag ang compact foundation. Hinamig niya ang sarili at lumabas ng kotse.

Casual na kainan lamang ang restaurant pero maganda ang ambiance at masarap ang pagkain. Magkakalayo rin ang mga mesa kaya kahit paano ay may privacy ang customers. Ang isang panig ng restaurant ay café area na maaaring tambayan. Isa iyon sa mga paboritong kainan ni Cherry at ng kapatid na si Charlene.

Nakaisang hakbang pa lamang siya ay lumipad na kaagad ang tingin niya sa isang direksiyon. Tila may automatic GPS ang mga mata niya na nakakonekta kay Jay dahil natagpuan kaagad niya ang binata. Nakaupo ito sa isang pandalawahang mesa at may kausap sa cell phone. Ilang segundo pa ay napatingin din sa kanya si Jay. Para bang katulad niya ay mabilis din nitong naramdaman ang kanyang presensiya. Agad na lumiwanag ang mukha ni Jay at malawak na ngumiti. Gumanti siya ng ngiti at naglakad palapit sa mesa.

Tumayo na ang binata pagkatapos na makapagpaalam sa kung sino mang kausap sa cell phone. "Hi," bati nito na dumukwang at magaan siyang hinalikan sa pisngi.

Mabuti na lang at natuon ang atensiyon ni Jay sa paghatak ng silya para sa kanya, kung hindi ay baka nahalata nito ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil sa paghalik nito.

Talaga bang ganoon ang pagbati ng binata sa lahat ng babaeng kakilala nito? Ilang beses na kasing ginawa iyon ni Jay sa kanya at mukhang sanay ito sa ganoong gesture.

Umupo si Cherry sa silya at hinintay ang binata na muling makaupo bago siya nagsalita. "So, ano ang gusto mong sabihin sa akin?"

Tumawa si Jay at kumaway para kunin ang atensiyon ng waiter. "How about we eat first?" amused na tanong nito.

Kumibot ang kanyang mga labi at nakita nang bumaba ang tingin ng binata sa mga iyon. Napaderetso siya ng upo nang bahagyang napalis ang ngiti ni Jay at naging mainit ang kislap sa mga mata nito. He looked as if he wanted to kiss her. Nag-init ang pakiramdam niya sa realisasyon na iyon at wala sa loob na nakagat ang ibabang labi.

Tila frustrated na napaungol si Jay at nag-angat ng tingin. "Are you doing that on purpose?" usal nito sa mababang tono na nagdulot ng nakakikiliting sensasyon sa buong katawan ni Cherry.

Bago pa siya makasagot ay naputol na ang eye contact nila ni Jay dahil tumikhim ang waiter na hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila.

"Here's the menu, Sir, Ma'am."

Lihim na nakahinga nang maluwag si Cherry at nakangiting kinuha ang menu. Nang sulyapan niya si Jay ay nakangiti ito at may pilyong kislap ang mga mata.

Nakatakas ka sa pagsagot, parang iyon ang sinasabi ng tingin nito.

Napangiti na lang si Cherry at nagkibit-balikat bago ibinaba ang tingin sa menu at sinabi sa waiter ang kanyang order. Na-realize niya na nagiging magaling na siya sa pagbasa sa iniisip ng binata sa pamamagitan lamang ng mga mata nito. Hindi niya alam kung transparent lamang ba talaga si Jay o mayroon silang kakaibang koneksiyon kaya naiintindihan nila ang isa't isa kahit hindi nagsasalita.

Katulad ng suhestiyon ni Jay ay kumain muna sila. Kinumusta ng binata si Justin at siya naman ay kinumusta ang nakaraang mga araw nito. Maraming naging kuwento si Jay na walang kinalaman sa kasong hawak kundi may kinalaman sa mga tao sa law firm na hindi raw nito papangalanan para daw sa privacy ng mga taong iyon. Nabanggit din ng binata ang tungkol sa gusaling tinitirhan nito na tinatawag daw na "Bachelor's Pad" dahil puro lalaki lamang daw ang nakatira doon.

Naintriga si Cherry nang sabihin din ni Jay ang tungkol sa may-ari ng gusali na hindi pa raw nakikita ng kahit sinuman sa mga residente maliban sa isang lalaking nagngangalang Keith.

"Hindi kaya bading ang Maki Frias na 'yon at gusto lang niya ng harem kaya puro lalaki ang kinukuha niyang residente?" hindi nakatiis na komento ni Cherry.

Naubo si Jay at muntik nang masamid sa iinumin sanang tubig.

Natawa si Cherry nang nanlalaki ang mga matang tiningnan siya ng binata.

"Bakit mo naman naisip 'yan? He might be a woman-hater but Keith will surely tell us if Maki swings that way or not."

"Pero isipin mo, posible, hindi ba? At ang sabi mo, maraming camera sa buong building maliban sa mga unit ninyo. Paano kung may fetish pala siya at gustong-gusto na pinagmamasdan kayo kapag nasa common area kayo?" patuloy ni Cherry na kumindat pa.

Namutla si Jay, pagkatapos ay marahas na umiling. "No. Sigurado ako na lalaki siya. God, stop it, Cherry."

Napangisi siya dahil natuwa sa discomfort ni Jay. "What? May masama kang karanasan sa gays? They are good and fun people, you know," biro niya.

Ngumiwi ito. "Marami. At yes, alam ko na karamihan sa kanila ay mabubuting tao and I respect them. I'm not a sexist at noon pa man ay isa sa mga ipinaglalaban naming magkakaibigan ang gender equality. Pero mayroon din sa kanila na parang si Ana."

Tumamis ang ngiti ni Cherry. Natagpuan niya ang sariling aliw na aliw sa pakikipag-usap kay Jay.

Natapos na silang kumain ay nag-uusap pa rin sila habang nagkakape. Cherry could not believe how much she enjoyed his company.

Nailigpit na ng waiter ang pinagkainan nila nang may maalala siya. "Oo nga pala. May gusto kang sabihin sa akin, hindi ba? Muntik ko nang makalimutan." Bahagyang kumunot ang noo niya nang makitang bumakas ang pagkailang sa mukha ni Jay at tumikhim. Pagkatapos ay huminga ito nang malalim at sa pagkagulat niya ay umangat ang mga kamay ng binata at hinawakan ang mga kamay niyang nakapatong sa mesa. Nanlaki ang kanyang mga mata nang pisilin nito ang mga kamay niya. "What?"

"I need to ask you a favor," umpisa ni Jay.

Napalunok si Cherry at hinintay na magpatuloy ang binata.

"I need you to go with me to Ana's homecoming party."

Kumunot ang kanyang noo nang maalala ang may saltik na babaeng patay na patay kay Jay. "Bakit kailangan kong sumama?"

Huminga nang malalim si Jay at sinalubong ang kanyang tingin. "I need you with me. As my wife."

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon