Part 30

38.5K 869 47
                                    

MASYADONG naging abala si Jay buong maghapon sa trabaho. Dahil isang linggo siya sa Cebu ay natambak ang paperworks sa mesa niya. Pagsapit ng tanghali ay sinubukan niyang tawagan si Cherry kahit marami siyang ginagawa para marinig man lang ang tinig nito. But her phone was busy. Pagkatapos niyon ay hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makatawag dahil kinailangan naman niyang makipagkita sa mga kliyente.

Pagsapit ng gabi, bago umuwi sa Bachelor's Pad ay tinawagan uli ni Jay si Cherry subalit mukhang nakapatay naman ang cell phone ng babae. Nakakunot-noo tuloy siya habang naglalakad sa hallway sa ground floor hanggang makapasok siya sa common area. Nagkasundo sila nina Ross at Charlie na magkita-kita sa gabing iyon. Hindi naman kasi sila sabay-sabay umaalis ng law firm.

Nakita ni Jay sa sofa sina Ross at Charlie kasama sina Rob, Ryan, at Keith. Lalapit pa lamang siya sa grupo nang biglang may umakbay sa kanya. Nang lumingon ay nakita niya si Brad na ngising-ngisi.

"Hey, Jay! May nabalitaan ako tungkol sa iyo, ah. Some girls told me you got married?" malakas na bulalas nito.

Hindi nakahuma si Jay dahil napatingin na sa kanya ang lahat ng tao sa common area dahil sa lakas ng boses ni Brad.

"What? You got married? Kailan pa at kanino?" manghang basag ni Ross sa katahimikan.

Nahamig ni Jay ang sarili at umiling. "I'm not married."

Tumawa si Brad. "Alam ko. Pero iyon ang sabi-sabi sa club na napuntahan ko kagabi. Iyon daw ang dahilan kung bakit hindi ka na nila nakikita ngayon. Narinig ko ang pangalan mo sa pag-uusap nila kaya tinanong ko na sila. You even went to a party with your wife. That's what they said. So, ano ang katotohanan?"

Napahawak siya sa batok at bumuntong-hininga. "It was just a lie." Sandaling tiningnan muna niya si Charlie na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Hindi sa ganitong paraan niya planong sabihin sa kaibigan ang tungkol sa koneksiyon nila ni Cherry. Subalit mukhang wala siyang pagpipilian kundi sabihin sa mga ito ang katotohanan sa likod ng "marriage" niya.

Frustrated na tinapunan niya ng tingin si Brad. "How did you even meet those women?"

Ngumisi si Brad. "I'm a documentary filmmaker. Ugali ko ang magtanong kapag may naririnig akong interesanteng kuwento. So, spill it out."

"Yes, tell us, Jay," udyok din ni Keith na bigla pang binuksan ang laptop sa kandungan nito. It was as if he was ready to take down notes if he hear something that he could use on his books.

Napahugot si Jay ng malalim na hininga at umupo sa bahagi ng sofa na pinakamalayo kay Charlie. Mahirap na, baka hindi nito magustuhan kapag nalaman ang tungkol sa kanila ni Cherry.

"Fine. Sasabihin ko na. Remember Ana?"

"Ah. Ang babaeng dahilan kung bakit ka lumipat sa Bachelor's Pad," sagot ni Ryan.

Tumango si Jay. Alam ng lahat ng tao roon ang tungkol sa naging problema niya kay Ana noon. Kapag kasi magkakasama sila sa common area ay napag-uusapan nila ang kanya-kanyang dahilan kung bakit at paano sila tumira sa gusaling iyon.

Muli siyang tumingin kay Charlie. "Well, actually, nagsimula ang lahat noong engagement party mo, Charlie."

Umangat ang kilay ng kaibigan niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

So, Jay told them everything that happened between him and Cherry. Inalis lang niya ang mga detalye na sa kanila na lamang ng babae. Lalo na at habang tumatagal ay dumidilim ang mukha ni Charlie. Napabilis tuloy ang pagsasalita niya nang tungkol na sa party ni Ana ang sinasabi niya.

"Pagkatapos n'on ay hindi na ako ginulo ni Ana. At kaya hindi na nila ako nakikita sa mga dating tambayan ko ay dahil tumigil na akong magpunta roon. Nagsawa na kasi ako. Besides, I'm turning a new leaf," pagtatapos ni Jay.

"So, what do you think of my sister then?" seryosong tanong ni Charlie na sinalubong pa ang kanyang tingin.

Hindi siya nag-iwas ng tingin at seryosong sumagot. "I like her a lot." I love her. Subalit nagdesisyon siya na kung lalabas sa mga labi niya ang mga salitang iyon ay si Cherry dapat ang unang makarinig.

Nagsimulang mangantiyaw ang mga kaibigan. Lumapit pa sa kanya sina Ross at Brad at tinapik ang magkabilang balikat niya.

"Damn, you admitted it at last!" nakangising sabi ni Ross.

"Good for you," sabi naman ni Ryan na katulad ni Keith ay nakangiti.

Nahinto lang sa pangangantiyaw ang mga ito nang tumikhim si Charlie. "Unfortunately, hindi ganoon kadaling makipagrelasyon sa kapatid ko. Siya ang pinakamalihim na taong kilala ko. At sinasabi ko na sa iyo, Jay, my sister is keeping so many secrets. Kung may haharang man sa inyong dalawa, hindi ako iyon kundi ang mga sekretong ayaw niyang sabihin kahit sa amin," seryosong sabi nito.

Natigilan si Jay at pinagsalikop ang mga kamay. Biglang sumagi sa kanyang isip ang mukha ni Cherry kagabi at ang pakiramdam na parang may iba sa babae. Para bang idinistansiya nito ang sarili mula sa kanya. It bothered him. Pero alam din ni Jay na hindi niya puwedeng puwersahin ang babae na sabihin ang lahat ng itinatago nito. Kailangan ay magkusa si Cherry na magsabi sa kanya.

"I'm willing to wait. Kapag handa na siya, alam kong bubuksan niya ang sarili niya sa akin," sinserong sabi ni Jay.

"At paano kung bumalik ang ex niya, ano ang gagawin mo?" tanong pa rin ni Charlie.

Para na rin siyang sinuntok sa sikmura sa tanong na iyon. Nararamdaman niya na hinihintay ng mga kaibigan ang sagot niya. Mariing naglapat ang kanyang mga labi bago seryosong nagsalita. "I will not let anybody but me have her. I can be persistent and determined if I want to."

Ilang segundong namayani ang katahimikan bago tumango si Charlie. "Good. Dahil ayoko ring makipagbalikan si Cherry sa lalaking 'yon. In fact, kapag nakita ko ang lalaking nakabuntis sa kapatid ko ay makakatikim siya sa akin."

Humigpit ang pagkakasalikop ng mga kamay ni Jay at tumiim ang mga bagang. "Lalo na sa akin," gigil na sagot niya.

"O, relax lang kayong dalawa," biglang sabi ni Ross na mukhang ang intensiyon ay pagaanin ang usapan. "Hindi si Cherry ang tipo na magpapaapi. Bago pa ninyo maundayan ng suntok ang ex niya, baka maunahan pa niya kayo," natatawa pang dugtong nito.

"Unless, she still has lingering feelings for him," biglang sabi naman ni Keith, dahilan kaya napunta ang tingin nilang lahat sa lalaki.

"Keith," naiiling na saway ni Ryan.

"What? Kung may anak sila, hindi ganoon kadali para kay Cherry na putulin ang kahit anong nararamdaman niya para sa lalaking 'yon. She's heartless if she can easily forget about the father of her child. At hindi siya ganoong klase ng babae, hindi ba?" patuloy na pakikiargumento ni Keith.

"For a moment there, I felt as if you are not really talking about Cherry, Keith," curious na sabi ni Rob na sa unang pagkakataon ay nagsalita.

Natigilan si Keith at sa unang pagkakataon ay para bang hindi alam kung ano ang sasabihin. Subalit agad ding nakabawi ang lalaki at nagkibit-balikat.

"You felt wrong, Rob. Anyway, sinasabi ko lang naman ang posibilidad."

Hindi sila nakaimik. Si Jay naman ay pinag-isipan nang husto ang mga sinabi ni Keith. Pagkatapos ay determinado siyang tumayo. "Okay. I'll call her."

Noon naputol ang tensiyon sa paligid. Nagsipangisihan ang mga kaibigan niya. "Go for it."

Tumango si Jay at naglakad palabas ng common area para mas magkaroon siya ng privacy kapag tinawagan si Cherry. Subalit kumunot ang kanyang noo nang panay lamang ang pag-ring ng cell phone ng babae. Hindi nito sinasagot ang tawag niya.

"Why, Cherry?" mahinang naiusal ni Jay.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon