Part 18

37.9K 910 24
                                    

UMAWANG ang mga labi ni Cherry. "What? Why? Akala ko one time thing lang iyon?" sunod-sunod na tanong niya.

Bumuntong-hininga si Jay at pinisil ang kanyang mga kamay. "Iyon naman talaga ang plano ko." Sinabi nito sa kanya ang nangyari pagkatapos nilang makaalis ni Justin. "Naisip ko na kung tatanggihan ko ang imbitasyon ni Ana ay hahaba pa ang interaksiyon namin dahil siguradong susulpot na naman siya sa kung saan ako nandoon. So I want to get it over and done with."

Napabuga ng hangin si Cherry. "Bakit ba kasi lahat ng babae, pinapatulan mo? Tingnan mo, hinahabol ka tuloy ng babaeng hindi lang obsessive, mukhang psychotic pa. That's because you are too kind and charming and indulging to every woman you meet," nanenermong sabi niya.

Napangiwi si Jay. "Kung iba lang ang sitwasyon, I will take that as a compliment. Pero alam ko na ngayon na may mali ako. Nagsisisi na ako. Kaya nga gusto ko rin na magpunta sa party niya at bigyan ng closure ang koneksiyon naming dalawa. Help me, Cherry."

Napatitig siya sa nakikiusap na mukha ng binata, pagkatapos ay napabuntong-hininga. Paano siya makakatanggi kung ginagamitan siya ni Jay ng malakas na charm?

"Bakit kasi hindi mo na lang siya prangkahin?"

"I did. Pero matibay siya, eh."

"Baka kulang ka sa conviction nang kausapin mo siya. Sa mga taong katulad niya, mas epektibo kung aakto kang villain," pakikipag-argumento pa rin niya.

Napailing si Jay. "Kaya kong makipaglaban sa korte. Kaya kong makipagbuno sa ibang lalaki. But I am just weak against women. I can't even bare to say something harsh to them."

Sa halip na mainis ay tila natunaw pa ang puso ni Cherry sa pag-amin na iyon ng binata. Dahil lalo niyang nasiguro na mabuting tao talaga ito. Kaya lang, sa ugaling iyon ni Jay ay magiging target talaga ito ng mga babaeng katulad ni Ana. At kapag hindi niya tinulungan si Jay, baka kamukat-mukat na lang nila ay napikot na ito ng kung sino.

Ayokong mangyari 'yon, usal ng tagong bahagi ng kanyang isip. Huminga siya nang malalim at sa pagkakataong iyon ay pinagpalit niya ang posisyon ng kanilang mga kamay at pinisil ang mga kamay ni Jay. Mukhang natigilan ito sa ginawa niya at napatitig sa kanya. Ngumiti siya. "Fine. Tutulungan kita."

Lumiwanag ang mukha ni Jay at malawak na ngumiti. Halos masilaw si Cherry sa ngiting iyon na noon lamang niya nakita. It was the most beautiful smile she had ever seen. Nahiling niya na sana ay siya lang ang makakakita niyon dahil kung hindi ay dadami pa ang babaeng maghahabol sa binata.

"Thank you, Cherry," usal ni Jay, pagkatapos ay hinigit nito ang mga kamay niya at masuyong hinalikan. Nakalapat pa rin ang mga labi nito sa kanyang mga kamay nang mag-angat ng tingin at masuyo ring ngumiti.

Hindi nakahuma si Cherry. Katunayan ay napahinto siya sa paghinga. She almost felt her heart jumping out of her chest. Matagal bago niya nagawang kumurap. Tumikhim siya at kahit ayaw ng katawan ay pinilit niyang bawiin ang mga kamay. Hinayaan siya ni Jay pero hindi naman nito nilulubayan ng tingin ang mukha niya na para bang alam na alam kung ano ang epekto nito sa kanya; which was really unfair.

Didn't he know that she almost died when she saw that dazzling smile of his? How dare he tried to snatch her heart away? Mabuti na lang at nahablot niya ang kamay bago nahuli ang lahat.

"So, ano ang plano natin? Hindi tayo puwedeng magpunta roon na hindi pinaghahandaan ang lahat. Siguradong may magtatanong ng tungkol sa love story natin at kung bakit walang nakakaalam na nag-asawa ka na," sabi na lang ni Cherry.

Dumeretso ng upo si Jay at humalukipkip na tila nag-iisip.

"Hindi naman natin kailangang gumawa ng malaking kasinungalingan. Puwede naman nating sabihin na matagal na tayong magkakilala dahil iyon naman talaga ang totoo. But we just reconnected maybe a year ago and we fell in love. Pero dahil gusto mong maging pribado ang relasyon natin, nagkaroon tayo ng civil wedding but we are planning a grand wedding when you are ready," nakangiti nang litanya ng binata. "At huwag kang mag-alala. Hindi naman tayo magtatagal doon kaya bago pa may makapagtanong sa atin ay aalis na tayo. Don't worry. Magaling ako sa pag-iwas sa mga tanong."

Bahagyang kumunot ang noo ni Cherry. "Hindi ka ba nag-aalala na baka hindi lahat ng mga bisita ni Ana ay maniniwala na may asawa ka na? Paano kung mga kakilala mo rin ang mga tao roon?"

Nagkibit-balikat si Jay. "It's okay. Lahat sila ay parte ng nakaraang gusto ko nang talikuran. They are acquaintances but they are not friends."

Umawang ang mga labi niya sa pagkamangha. "Sinasabi mo ba sa akin na tatalikuran mo na ang dating ikaw? As in the ladies' man who likes to be with different women? As in tatalikuran mo rin ang rules mo like not sleeping with a woman more than once at ang mga no strings attached relationship mo? As in tatalikuran mo ang night out sa mga club at bars? Gagawin mo talaga iyon?"

Ngumiwi si Jay at napahawak sa batok. Unti-unti nang napapansin ni Cherry na mannerism iyon ng binata kapag nag-aalangan ito o kaya ay medyo nahihiya.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa mga 'yan?"

Itinirik niya ang mga mata. "Duh. Pasensiya ka pero kiss and tell ang mga babaeng naka-fling mo. Lalo na si Jamie. Sobrang daldal ng babaeng 'yon. Uncensored magkuwento—" Napahinto siya sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto kung ano ang kanyang sinasabi. At nang may gumuhit na mapang-akit na ngiti sa mga labi ni Jay ay nag-init ang kanyang mukha.

"Really? What did they say exactly?" tudyo nito.

Lalong nag-init ang mukha ni Cherry at nag-iwas ng tingin. "Hindi ko na natatandaan," pagsisinungaling niya. Kahit ang totoo ay hindi niya napapalis sa isip ang visual image ng mga uncensored gossip tungkol kay Jay. Kahit sa mga nakaraang taon ay may mga gabi na hindi siya makatulog dahil biglang sumusulpot sa kanyang isip ang mga imaheng iyon. Na minsan naman, kahit sa panaginip ay parang nadadama niya ang haplos ng mga kamay ni Jay at ang pagdausdos ng mga labi nito sa kanyang katawan. At palagi ay nagigising siyang pawisan at habol ang hininga.

"Fine. Someday, I will make you remember," bulong ng binata na parang mas sarili ang kausap.

Pero narinig iyon ni Cherry. Nagkunwari lang siyang hindi dahil baka kung saan na naman mauwi ang usapan nila.

"Paano pala kung may mga bisita si Ana na nakakakilala na sa atin noong college ako at noong nasa law school ka? Nakakagulat mang isipin pero marami tayong common acquaintances. Baka mamaya, mayroon doon na kilala rin si Ana. Hindi sila maniniwala na nagkagustuhan tayo," sabi niya.

Kumunot ang noo ni Jay. "Bakit mo naman nasabi na hindi sila maniniwala?"

Humalukipkip siya at sinalubong ang tingin ng binata. "Dahil hindi naman tayo nagpapansinan noon. You always ignore me even when we were in the same event. Paano mo sila mapapaniwala na matapos ang mga taong nakalipas ay bigla kang nagkaroon ng interes sa akin?"

Sa pagkabigla ni Cherry ay tumingkad ang kulay ng mukha ni Jay at napahawak ito sa batok. "Palagi ba kitang hindi pinapansin noon? Did I hurt you so much because of that?" nakokonsiyensiyang tanong nito.

"Not really. I just thought you were rude," gulat na bulalas niya. Bakit ganoon ang reaksiyon ni Jay? "Noong unang nangyari 'yon, it was a frat party. Nagkabanggaan tayo at bago ako makapagpasalamat dahil nahawakan mo ako bago pa ako matumba, umalis ka na nang hindi man lang ako tinitingnan. Naisip ko noon na baka hindi mo lang ako nakilala. Pero naulit pa iyon sa iba pang event na pareho nating napuntahan. Palagi, sa tuwing akala ko ay nakita mo ako, bigla kang iiwas ng tingin na parang hindi ako nakita. So I thought maybe you just didn't like me or that you didn't care," litanya niya.

"It's not like that," mabilis na sagot ni Jay.

Nang tumaas ang kilay ni Cherry upang udyukan ang binata na magpatuloy sa pagsasalita ay bumuntong-hininga ito. "Nakilala kita. I just pretended not to notice you. Iyong sinasabi mong party, bago pa tayo magkabangga ay alam ko nang ikaw iyon dahil nakita na kita pagkapasok ko pa lang sa venue. Pero ikaw ang unang nag-iwas ng tingin na parang ayaw mong makita kita, hindi ba? So I pretended that I didn't see you."

Umawang ang mga labi ni Cherry sa paliwanag ni Jay, pagkatapos ay napabuntong-hininga dahil sigurado siya na nagsasabi ng totoo ang binata.

Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon